Chapter 29

2.5K 60 0
                                    

  Hannah POV

Paulit ulit na nag echo sa tainga ko ang mga katagang binitawan ni Felixson.

Anong nakain nito? At sinabi niya sa harap mismo ng mga tao na kasal at mag asawa kami?.

Nagka amnesia ba ito at nakalimutan ang rule na ginawa niya?.

Nagbalik ako sa wisyo ng bigla nalang Tumili si Erika.

"KYAAAAAHH!! O ANO KAYO NGAYON?? NGANGA!! " sigaw niya.

laglag ang pangang nakatingin sa amin ang lahat.

Maya maya pa ay hinigit ni felixson ang kamay ko.. Namalayan ko nalang na nasa parking lot na kami.

"Wag Mo nang hintayin na ipagbubukas kita ng sasakyan." Sabi niya Sabay pasok sa loob.

Papasok na sana ako, ng bigla nalang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Hannah Sandali!!"

Si Dustine na nagtatakbo papalapit sa akin.

"Oh..dustine bakit?"

"Gusto ko lang malaman kong totoo ba yung sinabi ni Felixson kanina na.. Asawa ka niya.." Tanong nito.

"Ahh..yun ba? Ahh .. Ehh"

Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Felixson.

"Ano? MagUusap na lang ba kayo dyan?tsskk "

"Dustine mag usap nalang tayo sa susunod na araw ah! Hehe "

"Okay"

Pagkapasok ko sa loob ay agad kong isinuot ang seatbelt ko pagkaraan ay pinaandar niya na ito.

"Saan tayo pupunta?? May klase pa tayo"

Masamang tingin lang ang ipinukol sa akin ni felixson.

Ayy tinutoyo!

"Bakit mo sinabi sa kanila? Yung rules nakalimutan mo na ba yun?"

Again hindi parin niya ako sinagot..

Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa labas.

Pagkarating namin sa bahay ganon parin, hindi niya parin ako pinapansin. Kayat nagtuloy tuloy na ako sa kuwarto ko. Siguro nagsisisi na siya't sinabi niya sa madla na mag asawa kami.



  Felixson POV


Tama ba yung ginawa ko?.

Aish! Bat ko sinabi yun sa lahat!!?

Ano bang pakialam ko Kay Dora?

Shit!! Shit!!

Kinuha ko ang phone ko at agad na nag dial.

"SexyMan Spea--- bro?? Anong pasabog yun ah?! Totoo ba yun? Kasal kana Kay Hannah?! Bro akala ko ba Bestfriend MO ako?! Bat di MO ipinaala--"

Hindi ko na pinatapos pa si zeedy at nagsalita na ako.

"Zeedy makinig ka sa akin.gusto Kong Alamin mo kung sino ang taong naglakas ng loob na e post ang pictures namin ni hannah."

"Bakit ako? Sa pogi Kong to? Inuutusan mo?" Sabi ni seedy sa kabilang linya.

"Tsk.. Gawin mo nalang okay?"

"Sige, pero kiss mo muna ako hihi"

Langya bat ba hindi na te turn off ang mga babae sa lalaking ito.

"Negro suntok gusto mo?"

"Hahaha nagbibiro lang ako, sige ako na ang bahala sa kung sino mang taong yun. Nga pala hindi ka ba papasok bukas? Day after tomorrow na yung basketball tournament."

"Pupunta kami sa Field bukas.. Kaya baka di na ako makasama sa tournament. Paki sabi nalang Kay coach fred."

"Per--"

Hindi ko na siya pinatapos pa, ibinaba ko na ang phone ko.

Gustuhin ko man na mag play, hindi pwedi mas importante si grand ma Kesa sa paglalaro ko.

Tinawagan ako kanina ni mama, at gusto niyang bisitahin ko si Grand ma namimiss na raw ako nito. Hindi ko rin masisi si mama dahil mahigit limang buwan narin akong di nakakadalaw sa field. At syempre dahil may asawa na ako.. Kailangan ko siyang isama dun..

Si Dora the explorer.




  Hannah POV

Hanggang ngayon hindi parin masyadong nag si sink in sa utak ko yung mga nangyari kanina..

Paano nalang bukas?

Baka di na ako makauwi ng buhay sa school.. Paniguradong babatohin ako ng samot saring tingin at tanong ng mga kapwa ko estudyante.

Waaaaahhhhh ano ba itong napasok ko!

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang mukha ni felixson.

"Bakit?"

"May pupuntahan tayo bukas, mag impake ka na."

"Saan tayo pupunta?"

"Basta! Mag impake ka nalang, yung good for one week."

"Ha? E may pasok tayo!!"

"Tss.. Mas importante ang pupuntahan natin. Tsaka si mama ang may gusto. Kaya mag impake ka nalang bukas ng umaga aalis tayo."

Sabi niya at hindi narin ako hinintay na sumagot at umalis na ito.

Ehh? Saan naman kaya kami pupunta?

****

Kinabukasan tulad ng sabi ni felixson maaga pa lang ay umalis na kami. .

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero excited ako! Ito kasi ang unang beses na mag aya sa akin si Felixson..

Halos limang oras din ang binyahe namin bago kami makarating sa.

"FELICIA DE PALASIO"

"Oh nandito na ba tayo? Bakit ka tumigil?" Sabi ko habang palinga linga sa paligid.

Matataas na niyog lang ang nandito..at ni isang bahay wala akong makita.

"Nasiraan yata tayo.." Sabi niya.

"Ano? Hala pano na yan? Nakuu mukhang walang katao tao dito. "

"Tss..",

Lumabas siya sa sasakyan kayat lumabas din ako. Baka iwan ako nito. May sa demonyo pa naman itong si Felixson.

"Bat mo ba ako iniwan sa loob?" Bulyaw ko.

"Ang OA mo tsk!"

Sabi niya at naglakad na naman.

"Wui felixson San ka pupunta?"

"ang ingay mo!"

"Ano ba?,San ka pupunta? Waaahhh hintayin mo ko!!"

Sabi ko at nagtatakbo papalapit Kay felixson.

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now