Chapter 12

2.5K 57 0
                                    

Hannah POV

Thursday ngayon, at Oo si Felixson ang TAGA sa bahay.

Kanina bago ako pumasok sa School akala ko magluluto siya tulad ng ginawa ko nung mga nakaraang araw. Pero Hindi, nagpa order lang siya sa labas wala daw sa Vocabulary niya ang magluto. Iniisip ko tuloy ngayon kung kaya niyang linisin ang bahay this weekend o di Kaya'y maglaba at mamalantsa. pero posible kayang gawin yun ni Felixson?.

"Beshy may Bad news ako!!!"

padabog na umupo sa harap ko si Erika,.nandito kami ngayon sa Study area nag rereview ng lesson na parang Hindi. Kanina pa kasi ako nito kinakausap.

"Ano yung Bad news?" tanong ko.

"May nakuha nang MUSE ang FF Jaguars beshy!!" sabi niya.

"Oh tapos?"

"Eeeehhh kasi naman eh! Ang Daming Pwede nilang Makuha bakit yung TRINA pa! nandito naman ak--Arayy beshy masakit yun ah!"

Binatokan ko siya. Baka kung San na naman mapupunta ang usapan.

"Pero Seriously beshy ayuko talaga dun kay Trina."

"Sino ba kasi yung Trina at ganyan ka kabeastmode sa kanya?." ako.

"Si Trina Lopez yung a.k.a beauty Queen ng Nursing Department beshy."

"Aahhh.." ako.

"Wait, beshy kilala mo?!"

"Hindi hahaha! Beshy gutom na ako!! kumain muna tayo.."

Tumayo ako at iniligpit ang mga gamit ko. pagkaraan ay naglakad na Kami papuntang Cafeteria.

"What's your order ma'am?"

"Dalawang Slice of cake at coke." sabi ko, pagkaraan ng isang minuto ay iniabot na sa akin ang tray kayat naglakad na ako papunta sa pwesto namin.

"Beshy?! Seriously ito lang ang inorder mo? Hindi ako mabubusog nito! Sandali Order pa ako!" sabi ni Erika at pumila para umorder. Ang takaw talaga ng bestfriend ko.

habang naghihintay, nagmamatyag lang ako sa paligid. Eh sa wala akong magawa eh.

Puno narin dito sa Cafeteria, at halos lahat nagsisikainan na.

May apat na grupo ng kababaihan ang lumapit sa pwesto ko dala2x ang tray ng pagkain nila. Umupo ang dalawa sa harap ko, At yung isa sa tabi ko.

Ngunit labis akong nagulat ng bigla nalang akong tinabig ng magandang babae sabay sabing.

"Excuse me? Umalis ka nga dyan!"

"mukhang bingi this girl pfffft!" sabi nung babaeng nasa tabi ko.

"Ako ang Nauna dito.. Humanap nalang kayo ng mauupuan niyo mga ate" sabi ko.

"Hindi mo ba ako kilala? " sabi ng babae.

"actually Hindi..at wala akong pakialam kung Sino ka." sabi ko.

"Ahh,ganon? here!! You deserve this teenage Bitch!!" sabi niya sabay buhos sa akin ng Tubig.

Sa totoo lang malamig na TUBIG. dinig na dinig ko ang tawanan dito sa Cafeteria. At sa totoo lang Nakakahiya.

"AKO SI TRINA LOPEZ! TANDAAN MO YAN!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at di naman nagkakalayo ang height namin ng Bruhildang to. matanda lang siya kumpara sa akin na high school palang.

"Trina.."

"AND THIS! 👉🍝🍲 "

"YOU DESERVED IT MORE!!!"

itinapon ko sa kanya ang isang Plato ng spaghetti. at yung puti niyang damit tagaktak ng souce.

"UGHHH BITCH!! I'LL KILL YOU!!" sabi niya sabay sabunot sa akin. Kayat sinabunutan ko rin siya.

"TAMA NA!!"

"ANO BA SINABING TAMA NA!!" Awat sa amin ng Pamilyar na Boses ngunit Hindi inaasahan ang mga sumunod na nangyari dahil pwersahan akong itinulak ng kung Sino. dahilan para Matumba ako.

Napaangat ako ng Tingin..

At laking gulat ko ng mapagsino ang Pwersahang tumulak sa akin..

Walang iba kundi si Felixson..

Nagtama ang mga mata namin ni Felixson. Hindi ko siya mabasa nakatingin lang siya sa akin habang si Trina nakayakap sa kanya.

Tumayo ako sa pagkakatumba at saktong dumating si Erika. naguguluhan man siya ay hinila ko nalang ang kamay niya upang makaalis na kami sa Cafeteria.

Namalayan ko na Lang na tumulo ang luha ko.

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now