Chapter 32

2.3K 40 0
                                    


Nagising nalang ako ng may limang kumatok sa pinto. Nakailang katok din ito bago ko mabuksan.

"Señorita ipinapasundo po kayo ni señorito. Kakain na daw po." Sabi ng isa sa mga katulong.

"Sige. Susunod ako." Pagkasabi ko ay isinara ko na ang pinto. Lumapit ako sa malaking salamin at inayos ang sarili ko.

Naabutan Kong nakaupo sa mahabang silya si granny, felixson at isang babae na di pamilyar.

"O nandito na pala si Hannah."

Nginitian ko lang si granny at lumapit sa isang upuan.

"Iha? Dyan ka sa tabi ni felixson."

"Hehehe"

Umupo ako sa tabi nito.

"Felixson? Sino siya? Ipakilala mo naman ako sa kanya.." Sabi ng babae.

Ang lagkit ng Boses ah!

"Hannah si Pia kaibigan ko, Pia si Hannah asawa ko." Pagpapakilala sa amin ni felixson.

"Asawa?"

"Siya? Asawa mo?" Di makapaniwalang tanong nito.

"Oo.. "

"Tama na muna yang usapan, kumain na tayo at baka lumamig pa itong mga pagkain" sabi ng Lola ni Felix.

Halos limang minuto na kami dito sa hapagkainan at nakakadalawang subo palang ako, paano kasi yung Pia ang sama ng titig sakin. Paano ako makakalunok ng mabuti. Nasa harap pa talaga namin siya.

"Iha.. Okay kalang?" Granny.

"Opo."

"Kumain kana.." Mahina pero dinig kong sabi ni felixson.

Tumango tango lang ako sa kanya. At nilantakan ko na ang kinakain ko di na ren ako nag abalang tumingin Kay pia.

"Señora, Felix aalis na ako"

"Ok.. " felixson.

Naglakad na ito, hindi pa man nakakalayo ay bigla itong huminto at lumingon samin sabay sabing..

"Felixson..sumama kayo sa akin bukas sa bayan ipapasyal ko kayo. Isama mo narin si hannah. Okay?"

"Sige. Ingat!"

Lumalalim na ang gabi kayat napagpasyahan Kong umakyat na sa kuwarto. Naihatid narin ni baste ang mga gamit namin sa sasakyan na naiwan kanina.

Sa wakas! Makakapagpalit narin ako ng damit.

Pagkapasok ko sa loob tamang tama wala dito si felixson.. Makakatulog ako ngayong gabi ng walang kasagutan. At syempre makakatulog ako sa kama ng walang kaagaw.   

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

  Hannah POV

Nagising ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa malaking bintana dito sa kuwarto. Bumangon ako at nag unat-unat ng katawan.

Kay sarap ng tulog ko, wala kasing distorbo..

Speaking of distorbo, nasaan kaya siya? Saan kaya siya natulog?

Lumapit ako sa bintana at dumungaw.

"Magandang Umaga señorita!!!" Bati ng lalaking kuba habang may dala dalang basket na yari sa kawayan.

Kumaway lang ako dito, at nagtungo sa banyo.

Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Nadatnan ko ang mga maids na may kanya kanyang ginagawa.

"Magandang umaga señorita!" Bati nila.

Di ako sanay sa señorita chuchu pero wala rin naman akong magagawa. E'enjoy ko nalang ang sarili ko sa lugar na ito.

"Magandang umaga din sa inyo! Nasaan si granny?"

"Nasa kuwarto niya po señorita nagpapahinga." Sagot ng isa sa mga katulong.

"Naku.. Tawagin niyo nalang akong Hannah hindi kasi ako sanay sa "señorita"."

"Pero señ--"

"Opppss! Wala ng pero-pero."

"Ay sige po."

"Kumain po muna kayo ng Almusal" sabi ng isa. Tumango ako sa kanya at sumunod sa hapagkainan.

Ibat ibang pagkain at prutas ang nakalapag sa mesa..

"May piesta ba?" Tanong ko.

"Wala po, ganito lang po talaga dito sa palasio de Felicia."

"Wow! Tataba ako nito hehe!" Sabi ko at umupo.

" ate Ano nga yung pangalan mo?"

"Karen po.."

"Ate Karen Halika samahan mo ako dito, tawagin mo narin yung iba."

"Po??"

"Sabi ko, samahan niyo akong mag almusal."

"Naku.. Wag na po! Tsaka tapos narin po kaming kumain. "

"Talaga ba??"

"Opo "

"O sige.. Ahmm ate Karen alam mo ba kung nasan si felixson?"

"Ah baka po nasa Three house". Sagot nito.

"Three house?" Ako.

"Opo! Madalas po kasi siya dun pag nandito siya sa probinsya."

"Ahmm saan yun?"   

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now