Chapter 14

2.4K 58 0
                                    

Hannah POV

Imbis na dumiritso sa Bahay, ay mas pinili kong sumama kay Erika kanina. Kung di pa ako pinagtabuyan ng mataba kong bestfriend malamang dun narin ako matutulog.

Pero dahil nga pinagtabuyan ako heto't nasa labas na ako ng bahay namin ni Felixson.

mukhang tulog na ito, malalim na rin kasi ang Gabi.

Inilabas ko ang susi ko at maingat na binuksan ang pinto sa pamamagitan nito. Ayukong makagawa ng ingay kayat dahan dahan lang akong naglakad sa loob ng bahay ng biglang may nagsalita.

"What took you so long? It's already 10 pm."

"Felix.." sabi ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito kayat kinapa ko ang switch ng ilaw. At bumungad sa akin ang lalaking nakaupo sa Sofa habang naka dikuwatro pa.

"Rule.No.3 kung aalis ka ng bahay o kung may pupuntahan ka dapat may approval sa akin. Kayat saan ka galing?" sabi niya At naglakad papalapit sa akin.

Ayuko siyang kausapin kayat itinikom ko nalang ang bibig ko. Bahala siya.

"ANO na? Napipi kana ba ha Hannah?" sabi ni Felixson. This time sobrang lapit na niya sa akin. kayat umurong ako ng kaunti pero mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

amoy na amoy ko na ang mabangong hininga nito. .

Konti nalang at maduduling na ako kayat Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng biglang..

*tik*

"MASYADONG MASAKIT SA MATA YUNG ILAW KAYA PINATAY KO NA. NAKAHARANG KAPA! TSK!"

_____

nakakainis talaga yung Felixson na yun! Akala mo kung Sino. Pwede naman paalisin niya nalang ako dun, kesa may palapit lapit pa siyang nalalaman. Tusukin ko talaga mata nun.

Rule? Wala na akong pakialam sa Rule niya simula ngayon. 😡 Sino ba naman ang lalaking Matino na Tutulak sa asawa niya.

Oo nga pala asawa niya lang ako sa Papel kaya WALANG GANON.

Hating Gabi na pero Hindi parin ako dinadalaw ng antok. Naglakad ako papunta sa barkonahe ng kuwarto ko. Mula dito tanaw ko ang swimming pool sa baba.

kung maligo kaya ako ngayon? sigurado naman tulog na Si Felixson.

lumabas ako ng bahay at nagtungo sa Swimming Pool.

hinubad ko ang Robe at tsinelas ko pagkaraan ay lumusong ako sa tubig..

palangoy langoy lang ako, at sa totoo lang nag eenjoy ako.

Halos magiisang oras na ako dito sa loob ng swimming pool ng biglang may nagsalita di kalayuan.

"Hindi ka paba nagsasawa sa kakalangoy dyan?"

"FELIXSON??!!! KANINA KAPA DYAN???"

"Sabihin na nating Oo.. malalim na ang Gabi dapat natutulog kana."sabi niya sabay lapit sa gilid ng pool.

"pakialam mo ba?" Sabi ko. sabay irap sa kanya.

"Umahon kana dyan!"sabi niya.

"Umalis kana nga lang!" Bulyaw ko sa kanya. Paano ako aahon kung nandyan siya.

"tsk.. umahon kana! Wala ka namang dapat itago sa akin!.in the first place Flat ka naman."

"Bastos!!" Sabi ko. Pero tinawanan niya lang ako.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. umahon kana."

"O sige, Paki kuha muna sa akin yung Bath robe ko."

"Hindi mo ako utusan. Tsk!" Sabi nito pero sa Huli kinuha niya parin.

Ang labo talaga ni Felixson.

Pagkaahon ko ay sinuot ko kaagad ang Robe, samantalang si Felixson ayun nakatingin lang sa akin. naglakad naako paalis ng bigla siyang nagsalita.

"SORRY FOR WHAT I'VE DONE TO YOU LAST TIME..HINDI KO SINASADYA.." Felixson.

"GIRLFRIEND MO BA SI TRINA? KAYA MAS PINILI MO AKONG ITULAK?" Tanong ko.

"Hindi.. "

"Kung ganon kalandian?" ako.

"Hindi actua---"

"Hindi pa rin? Kung makayakap sayo kanina parang wala ng bukas!" Sabi ko.

Natahimik siya saglit pagkaraan ay Tumawa ito ng malakas.

"HAHAHAHA!!!"

"ANONG NAKAKATAWA?" ako.

"NAGSISILOS KA BA?"

"Ako? Hindi no! OVER MY DEAD SEXY BODY!! Che!! Dyan kana!." 

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now