Chapter 25

2.6K 60 0
                                    

  "Ouch!"

Nagising nalang akong masakit ang likod ko. Paano ba naman kasi wala akong nagawa kundi ang matulog sa sahig kagabi.

"Good morning!"

Bati sa akin ni felixson habang nakaupo sa kama niya. Mukhang masarap ang tulog ng hinayupak nato.

"Che"

Inirapan ko lang siya.

Bumangon ako sa pagkakahiga at inunat unat ang likod ko. Pagkaraan ay napatingin ako Kay felixson na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Inaasar ba ako nito?

"Oh anong tinitingin tingin mo?" Tanong ko.

"Kay aga-aga ang sungit mo sa akin. Pangit kana pinapalala mo pa." Sabi niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Pagkaraan ay nagsalita itong Muli.

"mag hilamos ka nga! Yung laway mo panis na." Sabi niya.

Bigla akong napahawak sa gilid ng labi ko.

Wala naman ah! Abat pinagtitripan talaga ako ng hinayupak na ito.

Lumapit ako sa kama niya at sinadya Kong ilapit ang mukha ko.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa kabuoan ng mukha niya..
Mula noo, kilay,mata,ilong,pisngi at labi.. Ganito pala ka perfect ang pagmumukha ng felixson Ferrer na hinahangaan nila..

Pero wala eh, kahit saan banda nakakabadtrip parin ang mukha niya. Hinawakan ko ang ibabang labi niya..

"What are you doing?"

"PINUPUNASAN KO LANG ANG LAWAY MO, PAPANIS NA KASI TCH" Sabi ko.

Maya maya pa ay lumabas na ako sa kuwarto.

Mula sa mansion ng mga Ferrer ay nagtuloy na kami ni felixson sa school. Wednesday ngayon, kung sa ibang school boring ang wednesday, sa FF university hindi!. Dahil sa salitang "FashionDay" kung saan hindi lang college ang may karapatan magsuot ng civilian attire kundi pati na rin ang mga highschool student na tulad ko. Okay yun para sa aming mga high school student, minsan kasi nakakasawa narin yung pagsusuot ng uniform.

At tulad ng nakagawian ni Felixson,ibinababa ako nito pag malapit na kami sa school campus. Kayat ang resulta heto't naglalakad na naman ako patungo dun.

"Hannah?"

Napatingin ako sa gawi ng kalsada kung saan nandun si..

"Dustine?"

Tumawid siya sa kalsada at lumapit patungo sa kinaroroonan ko.

"Hi! Good morning!!" Bati niya sa akin habang nakangiti.

Shemay..Bat ang gwapo niya?.

"Good morning!" Ako.

"Sabay na tayo! Total classmate naman kita!" Sabi nito. Tumango lang ako sa kanya. Pagkaraan ay naglakad na kami patungo sa school campus.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nasa daan, grabe ang sarap niyang kausap. At napag alaman ko rin na itong si dustine ay may lahi palang koreano. O diba? Kaya pala singkit siya.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko agad si Erika na ngayon ay naglakad papalapit sa akin niyakap niya ako agad..

At dahil sa masakit nga ang likod ko damay na katawan ko ay...

"ARAYY!''

"BESHY?,OKAY KA LANG??"

"OO, MASAKIT LANG KATAWAN KO."

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now