Chapter 22

2.4K 50 0
                                    

  Hannah POV


"Kyaaaaaaahhhhhhhhh!!!"

Dahil sa salitang binitawan ni Felixson ay di na magkamayaw ang mga kaklase kong babae sa kakatili.

Ano bang Nakakakilig sa sinabi ni Felixson sa landian chu chu?

"Hannah magkakilala ba kayo ni Felixson?" Tanong ni dustine.

"Ha?" pagmamaang maangan ko.

"hehe..nakatingin kasi siya sayo mula kanina."

"Ah? Ahahahaha! Ano ka ba! Wag ka ngang ganyan!"

"THAT'S ALL GUYS! WAG NIYONG KAKALIMUTAN SATURDAY NEXT WEEK!!!" sigaw nung isa sa jaguars.

pagkaraan ay umalis na sila.

Maya maya pa ay bigla nalang nag vibrate ang phone ko..

At ano na naman kaya ang problema ng Felixson nato?

Imbis na sagutin ay nereject ko na Lang ang call niya pagkaraan ay nagtext ito.

From: HINAYUPAK
[nasa labas ako ng school campus, pumunta ka ngayon din]

isisilid ko na sana ang phone ko ng magtxt itong muli.

From: HINAYUPAK
[I will count 1 up to 60 pag dika dumating you'll be dead!]

namalayan ko nalang ang sarili kong nagtatakbo sa hallway, kahit na may Kasunod pa akong klase wala akong magawa kundi ang sundin ito. nasa puder niya ako kayat di malabong gawin yun ni Felixson.

Hindi naman gaano kalayo ang HS building sa gate kaya nakalabas ako agad mula dito.

Sa di kalayuan natanaw ko ang kotse ni Felixson, Dali Dali akong nagtatakbo papunta dito..

Nang makalapit ako ay bigla nalang siyang dumungaw sa bintana ng sasakyan sabay sabing..


"mauna na ako, magtaxi ka nalang papunta kina mama, May family dinner tayo mamaya!! See you there Hannah"

"Ano?! Sasabay na ako sayo!!" sabi ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero bigla niya nalang itong pinatakbo paalis..

"HOY!!! FELIXSON BUMALIK KA DITO!!!"

Sigaw ko pero mukhang wala talagang balak si Felixson na balikan ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------   

  AAAAHHHHH! BWESIT!!!"

Napasigaw nalang ako sa inis. Pagkatapos niya akong papuntahin dito iiwan niya nalang ako? argghh! humanda siya sa akin!.

"TAXI!!"

"San po tayo ma'am?"

"Sa Ferrer Village tayo manong!"

**
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin ako, matapos kong bayaran ang taxi driver ay lumabas na ako at nagtungo sa malaking gate. Sa likod nito ay ang mansion ng mga Ferrer.

"Ma'am Hannah kayo po pala!" Sabi ng isa sa mga guard pero dahil sa naiinis ako ay Hindi ko siya pinansin at naglakad ako papasok sa loob.

"Hannah iha, akala ko mamaya pa ang dating mo. Sabi ni Felix e matatagalan kapa raw."

"Ah, tapos na po ang klase ko mama hehe, nasaan po si Felixson?" tanong ko. Ngumiti ng pilya si mama Lexi pagkaraan ay nagsalita ito.

"Nako namiss mo na agad ang asawa mo? Ahehe Nasa kuwarto siya iha nagpapahinga puntahan mo nalang."

"Sige po mama." Sabi ko at nagtuloy tuloy na paakyat sa taas.

kumatok ako sa pinto nito, nakailang katok din ako pero walang sumasagot kayat naisipan kong pumasok nalang sa loob.

At saktong pagkapasok ko ang paglabas ni Felixson galing sa banyo.

Naistatwa nalang ako sa kinatatayuan ko. habang nakatingin sa kanya. At medyo nagulat din ito nang Makita ako.

Nang makabawi ay tinakpan ko agad ang mata ko gamit ang aking kamay.

Napangisi nalang si Felixson ng nakakaloko sabay sabing.

****
Felixson POV


Wala naman talaga akong intensyon na iwan si Hannah kanina, nainis lang talaga ako pagkakita ko sa kanya.

Bat kasi sobrang nice niya sa Iba? Tapos sa akin.. tch nevermind.

Matapos akong mag shower ay lumabas na ako, at saktong kakapasok lang ni Hannah. Nanlaki ang mata nito habang nakatulalang nakatingin sa katawan ko.

Napangiti nalang ako kahit na naiinis parin ako sa kanya, pa enosente kasi itong tinakpan Ang mata niya.


"MAGTATAKIP KANA NGA LANG NG MATA MO HINDI MO PA MAGAWA NG MAAYOS."

tumalikod siya sa akin sabay sabing..

  "Fe..lexson..magdamit ka nga!" 

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now