Chapter 35

2.2K 46 0
                                    

  Felixson POV

Pagkalabas namin ay biglang hinila ni pia ang kamay ko patungo kung saan. Hinayaan ko lang siya hanggang sa maalala kong kasama pala namin si Hannah. Lumingon ako sa likod at napahinto ako dahil wala siya sa likuran.


"Felixson bilisan mo! Baka nagsisimula na yung pagtatanghal" sabi ni pia. Iwinaksi ko ang kamay niya.


"Nasan si Hannah?" tanong ko..namaiwang ito sabay sabing.

"Aba Malay ko dun sa asawa mo"

"Fuck!"

Hindi na ako nag abala pang magpaalam Kay pia at agad akong nagtatakbo kung saan huli namin siyang kasama.

Panigurado hinahanap naku nun..


****
Hannah POV

Hindi ko alam kung bat ako sumama sa lalaking ito na ni hindi ko man lang kilala, pero mukhang hindi naman ito adik. Sinabi ko kasi sakanya na nawawala ang kasama ko..

Ay hindi pala nawawala kundi sinadya akong iwan kasama ang pia niya.

"I'm Paxton, ikaw? What's your name?" sabi nito..

Heto kamit naglalakad, Ewan ko lang kung saan.


"Hannah.." sagot ko na kanyang tinanguan lamang.


"San ka nakatira? Ihahatid kana namin. Dumidilim na rin." sabi nito.

"Sa Felicia De palasio" sabi ko. Bigla siyang napahinto at napakunot ang noong napatingin sakin.

"Really?"

Ano bang akala ng lalaking ito nagsisinungaling ako? Daahhh! Inirapan ko lang siya, gusto Kong magpakabait sa lalaking ito pero the hell Naiinis ako kay felixson! Makikita niya itong ginawa niya sakin!

"UGHHHH PAPATAYIN KO TALAGA SIYA!!!" sigaw ko sa inis. Napatapal nalang ako sa bibig ko ng mapagtanto Kong kasama ko pa pala itong Paxton na ito.

"Are you okay?" Tanong niya.


"Hehe pasensya kana" sabi ko.


Tumawa siya ng pagak sabay sabing "andito na tayo." sabi niya.


Nasa harap kami ngayon ng isang van. bubuksan nasana niya ang pinto ng may nauna dito.

"Pakshit ka Paxton bat ang tagal mo?!!" Sigaw ng lalaking Gray ang buhok.

"Teka at sino naman itong kasama mo?" sabi naman ng lalaking mala kai ng Exo ang buhok.

"Siya si Hannah, iniwan siya ng kasama niya.." sabi ni Paxton.

"Then?" sabi ng lalaking nakabonet.

"Bro sa palasio din ang punta niya, total dun din naman ang punta natin diba? Isama na natin siya." Paxton.


Napatingin silang tatlo sa lalaking nakabonet at mukhang hinihintay ang sasabihin nito.


"Okay!" napipilitang sabi nito. Mukhang siya ang leader sa kanilang apat.

Hindi ko alam pero para silang mga gangsters na Ewan. Di naman sila nakakatakot dahil aaminin ko may mga itsura silang apat.

Tahimik lang akong nakaupo sa likuran ng van hanggang sa pinaandar na ito.


Wala akong ibang iniisip kundi ang makaganti Kay felixson. Isasama sama niya ako tapos iiwan lang ako dun ng basta basta? Paano kung masasamang tao ang mga lalaking ito? Na wag naman sana.

"Anong tinitingin tingin mo sa akin?" sabi ko sa lalaking naka bonet. Ngumisi ito sakin, abay mukhang pagtitripan pako ng lalaking ito.

"Isa kabang anak ng tagasilbi sa Felicia?" tanong niya.

"Hindi" sagot ko

"Owww hahaha"

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" bulyaw ko. Isa pa itong lalaking ito.

"Kung ganon? Bat dun ka nakatira?"

"Wala kana dun." sabi ko.

"Hindi mo ba ako kilala ha?" Sabi niya at inilapit ang mukha sakin.

"Hindi." sagot ko. Biglang nagtawanan ang kasama niya kasama na si paxton.


"STOP THE CAR!!" sigaw ng lalaking ito.

Pagkahinto ay bigla itong lumabas at binuksan ang pintuan na malapit sakin. Pwersahan akong hinila papalabas ng lalaki na dahilan ng pagkatumba ko.

"Aray!!" Inda ko.

Pinaandar na nito ang sasakyan paalis, at heto't naiwan ako sa gilid ng kalsada.

Tumingin ako sa paligid puno ng matataas na parang..

Nasa Felicia naku..

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now