Chapter 36

2.4K 57 0
                                    

  Pinilit Kong maglakad hanggang sa matanaw ko na ang mansion. Bigla akong nagkaron ng lakas kayat tumakbo ako..

Kita kong nakaparada ang sasakyan ni felixson! Kaya mas lalo akong nang gigigil dito.

hindi ko rin alintana ang mga silbidora na nakakasulubong ko papasok at nagtuloy Tuloy ako hanggang sa madatnan ko si fixson na nakatayo habang may kausap.

"Felixson!!" Sigaw ko dahilan para mapatingin ito sakin.

"Hannah buti--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang binigyan ng napakalas na suntok sa pagmumukha niya dahilan para magtabing ang pisngi nito.

"Para yan sa pang iiwan mo sakin!" bulyaw ko.

"Wowww!!"

"Nice!"

Saka ko lang napansin ang mga lalaking kausap ni felixson bago pa man ako pumasok dito..

"Kayo?!" - ako

"Ikaw?!" - lalaking nakabonet.

Wag niyang sabihin na magkaibigan sila ni felixson!

Tumingin ako Kay felixson na ngayon ay nakatingin samin. At parang wala itong iniindang sakit ng suntokin ko, ni hindi man lang namula ang mukha nito. Ganon naba talaga ako kahina?.

"magkakilala kayo?" Tanong ni felixson habang nakakunot ang nuong nakatingin sakin. Animoy hinihintay nito ang sasabihin ko.

Pero imbis na sagutin ay naglakad nalang ako paakyat sa hagdan.

Nakakainis!

Padabog Kong isinara ang pinto ng kuwarto at umupo sa gilid ng kama.

"Awww" napatigin ako sa tuhod kong may galos sa pagkakabagsak ko kanina.

Bigla akong napatingin sa bumukas na pinto at iniluwa nun si Felixson. Lumapit ito sa akin na may dalang first aid kit.

bigla siyang yumuko sa paanan ko at pasimpleng hinawakan ang paa ko.

"Teka! Anong ginagawa mo?!" Tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama sabay sabing..

"Gagamotin tong sugat mo."

Seryoso lang siyang nililinis ang galos na natamo ko, samantalang ako'y di ko mapigilan mapangiwi sa sobrang hapdi.

"Awe dahan dahanin mo naman." sabi ko pero para siyang walang narinig at nagpatuloy lang sa ginagawa niyang pag gamot.

"sorry.."

Teka? Tama ba ang narinig ko? Si felixson Ferrer nag sosorry?!

"Saan?" Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko ng mga katagang yun. Huminto siya sa ginagawa niya at pasimpleng tumingala sa akin.

"sa nangyare kanina.. Naiwan kita dun.. Sorry hannah!." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Parang magic at bigla nalang nawala ang galit at pagkainis ko sakanya.

Yang tataa?

"Okay!" Yan lamang ang lumabas sa bibig ko ..

Pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap dahilan para maalarma ako.

Myghosh!! Nakayakap siya sa bewang ko and my heartbeat feels like *dub*dub*dub*

"Fe..felixson.."

"Hmm? 3 minutes.."

"Fe..felixson.."

"2 minutes.."

"FELIXSON ANO BA KANINA PA MAY KUMAKATOK SA PINTO!" sigaw ko kayat kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at inis na binuksan ang pintuan.

"WHAT?!" Inis na sabi ni felixson pagkabukas sa pinto. Pero nagulat nalang ako ng biglang ..

"Awww granny!"

"Granny tama na! Aww! Aww!"

Kahit masakit ang tuhod ko ay pinilit ko parin maglakad papunta sa pinto at duon nakita ko kung paano batukan at sabunotan ni granny si felixson sabay sabing..

"Bat mo Hinayaan si Hannah?! Bat mo iniwan ang asawa mo sa bayan?! Paano nalang kung may masamang nangyari sa kanya ha?!"

Bigla nalang akong natawa sa kanila. Napaka cute ni felixson bahag pala ang buntot nito pagdating sa granny niya.

"Granny! Aww! Pls tama na! Aww!"

"Ano? Magtatanda kana ha?! Dapat hindi mo pinapabayaan ang asawa mo! Paano nalang kung buntis yan! Nakung bata ka!" Patuloy na sigaw ni granny..

Buntis? Ako?

Napatapal nalang ako sa noo ko. Bat ganito mag isip ang pamilya ni felixson.

"HAHAHA GRANNY TAMA NA YAN!!" Sabi ng lalaking nakabonet kanina.

Teka nga? Bat narito ang mga to?

"Pagpahingahin niyo na si granny." maautoridad na sabi niya sa dalawang katulong ..

"Opo señorito"

Señorito?

"Felixson! Sumunod ka sa kuwarto may sasabihin pa ako sayo!."

Pagkaalis nila ay kami nalang ng lalaking ito ang natira, isasara ko na sana ang pinto ng kuwarto ng bigla akong pigilan nito.

"So asawa ka pala ni felixson?" Tiningnan ako dito mula ulo hanggang paa.

"Ilang taon kana? 13? Hmm 14?"

"15!" inis na sagot ko.

"Oww haha!"

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?! Tsaka sino kaba ha?" Ako.

Inalis niya ang bonet niya at tumambad sa akin ang kulay pula niyang buhok na lalong nagpatingkayad sa maputing kutis nito.

Cool

"I'm Calex Ferrer adopted son of Felicia Ferrer (granny)."

"Ahh okay!" Kahit na marami pa akong gustong itanong sa kanya ay di ko na ginawa, una wala naman akong pake sakanya, pangalawa masyadong nakakairita ang pagmumukha niya,pangatlo gustong gusto ko nang magpahinga.

"Teka sandali may isa pa akong gustong sabihin sayo." Napataas ang kilay ko sa kanya. Ngumisi muna ito bago magsalita.

"Hindi ka bagay Kay felixson Ferrer, Dahil Ikaw ay bagay lamang Kay Calex Ferrer."

Abat ang lakas ng apog ng Calex na to ah!

"Talaga?" sabi ko at pasimpleng lumapit sakanya. Nakangisi lang ito sa akin.

"Pero alam mo kung anong mas bagay sayo? Ito!!"

Inundayan ko ng sipa ang masilan bahagi ng katawan niya dahilan para mapayuko ito at mamilipit sa sakit.

"Damn you!" galit na sigaw niya.

"Bagay lang yan sayo gago!" sabi ko sabay Sara ng pinto ng kuwarto ko. Siya ang dahilan kung bat ako nagkasugat sa tuhod kinaladkad ba naman ako sa labas ng sasakyan! kayat deserved niya yung ginawa ko sa kanya.  

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now