Chapter 10

2.5K 57 0
                                    

  Nakakahiya...

Nakakahiya...

Nakakahiya..

Waaaahhhh!! Lupa lamunin mo nalang ako pliiiiitttttt!! wala na akong mukhang maihaharap kay Felixson pag uwi ko ng bahay.

Hapon Narin ng matapos ang klase ko. Sinadya ko talagang Hindi umuwi kanina may Uniform naman kasi ako dun sa locker. at isa pa nahihiya
akong umuwi sa bahay. pero naisip ko kahit naman anong iwas ko sa
kanya eh talagang magkikita parin kami. Kaya keri ko to!

BATA naman ang tingin niya sa akin kaya baka wala lang yun sa kanya.
.teka tama! Bata lang ang tingin niya.

di nagtagal ay umuwi na ako sa bahay. nadatnan ko ang isang kotse sa labas. Mukhang may bisita kami.

pagpasok ko ay mukha agad ng magulang ni Felixson ang nakita ko. Ngumiti ako sa kanila ng napakalapad.

"Iha kamusta ka na?" tanong ni mrs Ferrer.

"Okay naman po ako tita, kayo po? Kamusta kayo ni tito?" saad ko.

"Ok naman kami, Hannah iha, total asawa kana rin lang naman ni Felix Mama narin itawag mo sa akin okay?"

"Pati sa akin.. tawagin mo na rin akong Papa."

"O sige po ma,pa!"

"Anyway iha samahan mo ako sa kusina at magluluto tayo for dinner."

"Magpapalit lang po ako ng damit sa taas." Pagpapaalam ko.

Yehhee!!! Mukhang dito matutulog ang parents ni Felixson.

Matapos kong magpalit ay dumiritso na kaagad ako sa Kusina. habang nagluluto si mama Lexi, ako naman ang Taga tikim. E sa di ako marunong magluto. E yung almusal nga na niluto ko kaninang umaga piniritong itlog lang at sinangag. Pero impyernes dun kay hinayupak di Umangal. Akalain niyo yun?!.

"kamusta naman si Felixson bilang asawa iha?" tanong ni mama Lexi.

Bad siya! parati niya akong iniinis mama Lexi, inuutusan at pinapahirapan niya ako!

Yan ang gusto kong isagot sa kanya na nauwi sa..

"Ok naman po siya mama. sa katunayan nagkasundo po kami agad hihi." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganon.. o siya tawagin mo na sila." sabi nito na tinanguan ko lang..

***

Nasa hapagkainan kami ngayon ako, si Felixson at ang parents niya.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla akong siniko ni Felix.
Sinamaan ko siya ng tingin with matching KANINA-KAPA-LOOKed.

"Felix? Hannah? May problema ba? Hindi niyo ba nagustuhan yang luto ko?" tanong ni mama Lexi.

nagkatinginan kami ni Felixson.

"No mama, actually masarap po yung Kari-kari niyo diba BABY?" sabi ni felixson.

Baby? Like eewwwww! Mag iisip nalang ng Endearment Corny pa.

"Opo sa katunayan gusto pa po nitong asawa kong kumain ng kari-kari" Sabi ko.

Kumuha ako ng konti at isinubo yun sa kanyasabay sabing...

"SAY AHHH"

"Ahhhhhh" Felix.

Abat mukhang nag eenjoy itong hinayupak Nato. May pangisingisi pa ito habang nginonguya ang pagkain.

Kumuha ako ulit ng kanin pero this time Marami na. tingnan natin ngayon kong kaya mo pang makangisi Felixson Ferrer.

"SAY AHHHH" sabi ko sabay subo ng isang kutsarang kanin sa bibig niya.
muntik pa akong matawa sa itsura niya, kulang nalang maduwal siya.

"ANO MASARAP BA? HA BABYKO?? "
sabi ko sabay diin sa salitang baby.
tatango tango nalang ito habang puno ang bibig ng kanin.

Atleast kahit papaano nakaganti rin ako.  

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now