Chapter 31

2.4K 56 0
                                    

  Hannah POV


Hanggang ngayon heto parin kami't nasa kakahuyan at pasan-pasan parin ako nitong si Felixson.

"Ang payat-payat mo pero mabigat kapa sa elepante." Sabi nito.

Hindi ko na lamang siya pinansin mahirap na't baka ibagsak niya ako Sa lupa ng wala sa oras.

Ng mapansin Kong pagod na ito sa kakapasan, dahil yun nga para daw elepante ang bigat ko. At pansin ko ren na tagaktak na ang pawis nitong kasama ko kayat napagpasyahan Kong..

"Felixson ibaba mo ako."

Agad naman ako nitong ibinaba. Inayos ko muna ang suot ko.

"Ok na ang paa ko, maglalakad nalang ako."

"Are you sure?"

"Oo hehe"

"Okay"

Sabi nito at nagpatiuna na sa paglalakad, nagsimula narin akong maglakad kahit na medyo masakit parin paa ko, pinilit ko parin maglakad ng normal.

"Kaya mo ba talagang maglakad?" Tanong ni felixson.

"Oo nga sabi" sabi ko.

Napahinto kami Sa paglalakad ng may kotseng paparating.
Huminto ito at lumabas ang lulan nito.

Lalaking di gaano kaputi at di rin gaano katangkad, at ang Biloy nitong Kay lalim ang nagpatingkayad sa kagwapohan nito.

"Felix.." sabi ng lalaki pagkalapit sa amin.

"Baste.."

"Ang tagal natin di nagkita ah! Buti napadalaw ka.. Kayo??" Sabi nito sabay sulyap sa akin.

"Siya nga pala si Hannah.." Felixson.

"O hi Hannah!! Ako si Baste ikinagagalak kitang makilala" sabi nito Sabay lahad ng kamay niya na agad ko namang kinamayan.

"EHEEMMM! TAMA NA YAN"

Agad kong iwinaksi ang kamay ko.

"Oww!! Hahaha Sumakay na kayo! Ipinapasundo kayo sa akin ni señora."

Walang ano ano'y nagpatiuna na ako sa kotse. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

  "Nandito na tayo" sabi ni baste..

Pagkalabas ko sa sasakyan ay inilibot ko ang paningin ko..

"Wow!"

Malaking mansion na napapalibutan ng ibat ibang klase ng bulaklak.

Mga trabahador na may ibat ibang ginagawa..

"Magandang Hapon po señorito!!" Bati ng mga trabahador..

Tumango lamang si felixson sa kanila.

"So paano aalis na ako, pupunta pa ako sa bayan. May iniutos sa akin si señora." Paalam ni baste pagkaraay umalis na ito.

"Tara na!" Sabi ni felixson.

"Teka nga, nasaan ba tayo?? At bakit señorito ka dito?. Kayo ba ang may ari nitong mansion? Ano?" Tanong ko.

Napabuntong hininga ito sabay sabing..

"Nandito tayo sa puder ng Lola ko. Kaya umayos ka!"

"Lola?Teka bakit hindi mo sinabi Sa akin agad?"

"Kaya nga heto na sinasabi ko na."

"Tss.. Iwan ko sayo!!"

Uwaahh pano to? Paano nalang kung masungit yung lola ni felixson? Mataray? At husgahan ako?

Di malabong mangyari yun, ni itong apo niya nga ang sungit2x at ang sama2x ng ugali. Baka sa kanya pa nagmana itong hinayupak na ito.

"APO..." sabi ng kakalabas na matandang babae mula sa pinto.

"Granny!"

Lumapit si felixson dito at agad niyakap ang matandang babae.

Naku..mukhang masungit.

"Na miss kita granny."

"Mas namiss kita apo.."

Nakatayo lang ako sa gilid habang nakatingin sa kanila.

"Sino ka?"

Kumalas Sa pagkakayakap si felixson at lumapit sa akin.

"Granny siya po si Hannah.."

"Hannah?"

"Opo.."

"Kung ganoon itong babaeng ito ang Asawa mo ha filexson?!"

Tumango lamang si felixson.. Pagkaraan ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa nito..

Naku.. Mukhang di ako nagkamali..

"HINDI KITA GUSTO.."

'Po??'

"Granny!?"

"Dahil gustong gusto kita para sa apo Kong si felixson"

"Ta..talaga po?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Oo naman.. Bakit hindi? E maganda ka, at mukhang magkakasundo tayo iha.."

Namalayan ko nalang na nakayakap na ako Kay granny.. E sa natutuwa ako dahil mabait siya.

"Oh siya.. Magpahinga muna kayo sa itaas alam Kong pagod na pagod na kayo.. At yung mga gamit niyo si Baste na ang bahalang magdala dito.",

Oo nga pala't naiwan namin ni felixson ang mga gamit sa loob ng kotse..

"Rusita.. Ipagluto mo ang mga apo ko ng pinaka masarap na ulam."

Pagkapasok namin Sa loob ay ibat ibang mamahaling antique ang aking nakita. Kapansin pansin din ang malaking frame kung saan nakapinta ang mukha ng Lola ni felixson katabi nito ang isang lalaking mala koreano marahil ito ang kanyang lolo.

"Wow.."

Lumapit ako sa isa pang frame na kasing laki lang din ng nauna Kong nakita ang ipinagkaiba lang hindi ito ipininta.. Kuha ito ng kamara. Family picture ng mga Ferrer. "

"Felix matanong nga kita, saan mo namana yang kasungitan mo?"

"Huh?"

"E kasi yung Mama at papa mo mabait at di masungit lalo na yung Lola mo ang cool niya kaya!"

"Tss.."

"Sa Lolo mo siguro ka nagmana.."

Huminto siya sa malaking pinto at binuksan ito.

"Ang laki namang kuwarto ito." Sabi ko habang sinusuri ang kabuoan ng kuwarto.

"Good for us"

Oo nga pala, magsasama na naman kami sa iisang kuwarto nitong si felixson. At this time sinisiguro ko siya na ang matutulog sa sahig at ako dito sa kama.

"Magpahinga ka muna dito."

"Teka saan ka pupunta?"

masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Sabi ko nga, magpapahinga na ako."

Pagkalabas ni felixson ay humiga ako sa malaking kama. Nakatingin lang ako sa kisame.

At di ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari..

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now