Chapter 15

2.5K 53 0
                                    

🎶Laa .. Laa laa 🎶

🎶Laa .. Laa laa 🎶

🎶Laa .. Laa laa 🎶

Sabado ngayon at walang pasok. Kayat heto pakanta kanta lang ako Habang nakaupo sa sala.

At yung tungkol kay Trina demonyeta akalain mong pinsan niya yun! Kaya pala Hindi nagkakalayo ang Ugali nila. at nasabi niya rin sa akin na alam na nito na may asawa na siya.

"Hoy Hannah wala na tayong Foods sa ref. bumili kana muna sa malapit na grocery store." sabi nito.

"E diba boy sabado ka? Dapat ikaw ang mag grocery. At Hindi ako."

"no..Hindi ko alam kung ano Ang kulang sa ref kaya ikaw na Lang. and besides may Practice kami ngayon sa Gym malapit na ang basketball tournament. Kailangan kong maginsayo" sabi niya.

"Huwaw! Kailan ka pa nahilig mag insayo? Balita ko kasi tamad ka pagdating sa salitang PRACTICE."

"at Saan mo naman nabalitaan yan? Anyway ito yung pera pang grocery." Sabi niya sabay abot sa akin ng pera.

"5 thousand??" Ako.

"Bakit kulang paba yan?"

"Sobra nga to e.. "

"Ahh, edi keep the change." sabi niya sabay upo sa sofa.

-----

pagkatapos kong Mabili lahat ng Kailangan ko ay umuwi na ako dahil malapit lang naman ang grocery sa subdivision kung saan ang bahay namin ni Felix ay napagpasyahan kong maglakad nalang.. Hindi naman gaano karami at kabigat kaya kering keri kong dalhin ang mga pinamili ko.

*beeeppp bopppp*

*beeeeppp boopp*

sinagot ko agad ng Mapagsino ang tumawag. Ang bestfriend ko si Erika.

"Beshy!! Nandito ako sa harap ng bahay na tinitirhan mo. Asan ka ba? Kanina pa nagdo'doorbell dito." sabi sa kabilang linya.

"Beshy diba sinabi ko na sayo na Hindi na ako nakatira sa Parents ko." ako.

"Ano ba Hindi dun Beshy yung dito sa *toot* subdivision ang sinasabi ko."

"ANO??? TEKA PAANO MO NALAMAN NA DYAN AKO NAKATIRA???" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Ay tanga! Sinabi mo sa akin kagabi bago ka umuwi." siya.

"Aisshhh!! SANDALI!! WAG KA NANG MAG DOORBELL ANDYAN NA AKO!" Sabi ko sabay baba ng phone.

Sa totoo lang Hindi ko inaasahan na matatandaan ng bruha kong kaibigan ang sinabi ko kagabi. E nadulas lang naman kasi ang bibig ko. Nasabi ko tuloy na nakatira ako dito sa subdivision na ito. paano kung malaman niyang iisang bahay lang Kami ni Felixson hala!!

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko, kung sana nakapagtaxi na ako papunta dito edi sana kanina pa ako nakarating.

Maya maya pa ay natanaw ko na ang bahay namin at si Erika na nakatayo lang din sa harap ng gate.

"Beshy!!!!" Sigaw ko Dahilan para mapatingin siya sa akin.

salamat naman at mukhang nasa school na Si Felixson para magpractice. kahit papaano maswerte parin pala ako.

"Sana sinabi mo muna sa akin bago ka pumunta dito tsk." sabi ko sabay lapit sa saradora ng gate.

"hehehe gusto sana kitang Surprisahin eh." Erika.

Akala ko maswerte ako ngayon pero Hindi.. dahil saktong pagbukas ko ng gate mukha agad ni Felixson ang bumungad sa akin..

Naunahan ko lang itong buksan ang gate kaya kita ko rin ang gulat sa mata niya.

"Fe..lexson?? Hannah Beshy? anong ibig sabihin nito?"

Tanong ni Erika habang nakatingin sa amin ni Felixson. Halata sa mukha nito ang labis na pagkagulat.Hindi ko siya masisi dahil ipinanganak siyang OA. Ano sasabihin ko na ba sa kanya na Asawa ko itong hinayupak na Si Felixson.

bahagya kong tiningnan si Felixson na ngayon ay walang emosyon na nakatingin lang din sa akin. Parang sinasabi nitong Bahala na ako sa sasabihin ko.

Naglakad na Si Felixson paalis. Oo nga pala't may Practice siya.

Bestfriend ko si Erika kaya tama lang siguro na sabihin ko na sa kanya ang totoo.. kaso baka magalit siya sa akin dahil una sa lahat naglihim ako sa kanya at pangalawa itong si Felixson Crush niya. Baka sabihin niya na mangaagaw at ahas ako huhu.

"BESHY TARA SA LOOB! MARAMI KANG DAPAT IPALIWANAG SA AKIN!"

Hinila ako ni Erika papasok sa bahay, as if siya ang may ari nito. umupo siya sa sofa at tiningnan ang kabuoan ng bahay.

"Ngayon HANNAH AMANTE ipaliwanag mo sa akin, bakit magkasama kayo ni FELIXSON FERRER dito sa Bahay nato?"

Grabe si Erika daig niya pa ang detective na naghahangad ng kasagutan. Para niya akong tinoturture sa Mga titig niya.Parang ano mang oras ay lalapain niya ako.

"Ok.. sasabihin ko na sayo.. Erika.."

"Hmm? SABIHIN MO na!" siya na mukhang seryoso talaga. Paniguradong magagalit ito oras na malaman niya.

Aish bahala na!

"ERIKA ASAWA KO NA SI FELIXSON!!" 

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now