five

18 8 0
                                    

Art's POV

Plok...plok...

Rinig at ramdam ko ang pagtulo ng aking umaagos na dugo. Sa tahimik na paligid ay rinig ko ito.

Sa pagkakaluhod, dahan dahan akong tumayo.

Tapos na, sawakas, tapos na.

Itinagilid ko ang aking ulo at tsaka ako tumingala.

Madilim, madilim na pala. Kita ko ang mga bituin na kumikinang sa likod ng madalim na kalangitan, ngumisi ako.

Nilanghap ko ang hangin. Amoy kalawang.

Napailing ako at inilibot ang mga mata sa paligid.

Mga taong naliligo sa sarili nilang dugo.

Mga basura.

Tapos na, ako ang nanalo. Napangisi ako.

----

Clytie's POV

Ano bayaaaan~

Nagugutom na akoooo~

Bakit ba dito ako napunta? Nakakinis namaaaan~

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga dugo na nasa braso ko.

Kadiriiiiii~

Kung ano ano sinasalihan nito.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, sa mga nakakalat na mga taong 'to.

Napakunot noo ako at tsaka ko sila inirapan.

"Gutom akoooo~" Nakanguso kong sabi.

Naglakad ako paalis ng lugar na yon. May natapakan pa akong kamay.

"Ewwww. Ambaho ng mga dugo niyoooo~" Reklamo ko at tuluyang umalis.

May pasok pa ako sa schooool~ Hihi~

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon