Art's POV

"Oh pano ba yan panalo ka nanaman." Sabi ng kausap ko.

Diko kilala yan, wala naman akong pake. Ang importante mabigay na sakin yung pera.


Hindi ako nagsalita at nilahad ko lamang ang kamay ko. Ngumisi naman siya ng makita yon.

"Mukha ka talagang pera no?" Natatawang sabi niya.


Diko pinansin ang sinabi niya at nanatili lamang nakalahad ang kamay ko.

Tangina uwing uwi na ako baka naman.

"Bakit hindi tayo magkaron ng kasunduan? Tutal mukhang uubusin mo lahat ng sumasali sa larong 'to at mukhang pinapayaman ka lang namin." Nakangisi niyang sabi.

Ibinaba ko ang kamay ko. Puta nangalay ako doon.

Pinagkrus ko ang aking dalawang kamay sa aking dibdib. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sumama ka saakin ng malaman mo. Para makuha mo na din ang pera mo." Tulad kanina nakangisi pa din siya. Humakbang siya papalit sakin.

Nanatili akong nakatayo.

"Pag sumama ka sakin paniguradong magugus---"



"Sige lumapit kayo para makita niyong gumugulong ang ulo nitong amo niyo." Sambit ko sa dalawang lalakeng nagtatago kanina habang hawak hawak ko na ngayon ang lalakeng kausap ko kanina.

Nanatiling nakatutok ang aking patalim sa kanyang leeg habang ang kaliwang kamay ko ay kinulong ang kanyang dalawang kamay sa likuran.

Hindi pala akin yung patalim.

Nakita kong lumabas ang dalawang lalake nang may litong mukha. Halatang nagaalala at hindi alam ang gagawin.


"Akala mo ba hindi ko alam ang pinaplano mo?" Kalmado kong bulong sakanya.

Natawa siya saglit.

"Anong plano? May bago lang naman akong offer sayo" Nakangisi niyang sabi.



"Anong offer yan? Pagkakulong? Gago." Madiin kong sabi.

Hinigpitan ko ang hawak sakanyang kamay at idiniin pa ang patalim.




"Aminin mo sakin.




Galing ka sa grupong yon."

Ngumisi siya at hindi umimik dahilan ng tuluyan kong pagdiin ng patalim sakanyang leeg.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon