Amphitrite's POV

Agad akong tumakbo palabas ng silid.

Mga lokong 'to anlalakas ng trip putcha nadadamay ako eh.


Nang makalayo na ako sa silid na yon ay napagpasiyahan kong dumiretso sa canteen.

Ginutom ako don puta.


"Oh tapos na klase?"

Dumiretso ako sa lagi kong inuupan sa canteen.

"Ewan ko Niel pagod ako." Sabi ko sabay buntong hininga bago ako umupo. Umupo naman siya sa upuang nasa harap ko.

"Ano nararamdaman mo?" Tanong niya.

"Masakit ulo ko." Isinandal ko ang ulo ko sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa lamesa at tsaka ako pumikit.

"Ano bang nangyare?" Tanong niya ulit.


"Ayun, sabay sila." Tanging sabi ko.

"Sandali, ikukuha kita ng makakain." Kalmado niyang sabi bago tumayo. Tango na lamang ang nasagot ko.

Kung pwede lang, matagal ko ng nasabunutan ang dalawang yon. Hayy mga sakit sa ulo, literal.

Pagbalik ni Niel ay agad akong kumain. Tahimik lamang siyang nakamasid habang umiinom ng Banana Milk. Ewan ko diyan, paborito niya ata. Buti di siya natatae.

Nang mapansin niyang tapos na ako kumain ay inilahad niya ang kamay niya.

"Uminom ka na." Sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti ng marahan.

Kinuha ko ito at ininom.

---

Uno's POV

Bago ko imulat ang mga mata ko, alam ko na kung nasan ako.

"Alam kong gising ka na." Rinig kong sabi niya.


"Alam ko. Kilala mo ako eh." Sabi ko bago dumilat. Nanatili akong nakatingin sa kisame.

"Pasensiya, hindi ko naman sinasadya. Kay--"

"Kaylangan eh." Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. Napabuntong hininga lamang siya.

"Kaylangan kita bantayan." Sabi niya. Naramdaman kong papalapit siya sakin.

"Malamang.." Sabi ko. Tinignan ko siya ng walang emosyon sa aking mukha.



"Niel tumigil ka na." Seryosong sabi ko.



Hindi na ako nagulat nang ngumiti lamang siya. Napabuntong hininga na lamang ako.


"Alam mong hindi ko gagawin yan." Kalmado padin siyang nakangiti.

Hinawakan niya ako sa kamay kung saan ako kinuhaan ng dugo kanina. May band aid pa.


"Bakit ba.." Sabi ko habang nakakunot ang noo.



"Hindi mo na kaylangan malaman pa." Huling sabi niya kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.



Nagdilim ang aking paningin.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon