ten

31 7 2
                                    

Cube's POV


"Weird." Bulong ko sa sarili ko. 


Nang makalayo na ako sa mcdo ay lumingon ulit ako sa babae. Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang nakayuko at mabagal na naglalakad, nakita ko pa siyang parang may binubulong.


Nagkibit balikat nalang ako at nagtuloy sa paglalakad.


Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at sinagot agad.



"Papunta na. May tinignan lang." Pagkasabi ko non ay binaba ko na agad ang tawag at hindi na hinintay ang sagot.



Pagkarating ko sa lugar na iyon ay napa buntong hininga ako. Eto nanaman tayo sa tatlong pintuan.


Sa unang pintuan, itinapat ko ang aking hinlalaki sa pader. Nang ma-scan iyon ay nagbukas na ang unang pinto. Sa pangalawa ay may nakadikit na scanner sa gilid ng pinto, itinapat ko ang kanang mata ko don at pagtapos ay bumukas narin ito. Sa panghuli ay sinwipe ko ang ID ko sa gilid ng pinto.



Nakabusangot akong pumasok. Sinalubong naman ako ng tawanan sa loob ng HQ.


"Pwedeng paki-bawasan yung pintuan sa labas? Tatlo-tatlo eh." Naiinis kong sabi. Tinawanan lang nila ako at nagtungo ako sa sarili kong pwesto.



Huminga ako ng malalim at tsaka ko inalala ang babaeng nakita ko kanina. 



Itim at mahabang buhok.

Malalalim na mata.

Matangos na ilong.

Perpektong ngiti sa labi.

Mala-gatas na balat.

Natural na kaga---



"Pre, G ka?" Napatigil ako sa pagiisip ng malalim nang magsalita ang isang kasamahan ko.


"Sa?" Takhang tanong ko.


"Another Psychopath." Nakangisi niyang sabi.


Nilingon ko ang hawak niyang phone kung saan nagpplay ang isang video. 



Sa isang gubat may isang babaeng nagbato ng patalim sa isang lalake. Napakunot ang noo ko. Sabi na eh. Kakaiba siya.





Napangiti ako.



==

Author's Note


SAMPU NA'TO TAMA NA HAHAHAHAHA.

GANDA KO.


- art

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon