Amphitrite's POV
Tahimik akong naglalakad pabalik sa isang silid. Tahimik rin sa pasilyong dinadaanan ko.
"AY SUSMARYOSEP NAMANG KABAYO TO!" Napasigaw ako dahil sa nakita.
Punyemas naman! Bat may patay dito?! Ako yung mamamatay ng maaga dahil sagulat eh!
Ng makakalma na ako ay dumiretso ako sa isang silid.
Walang tao.
Dumiretso ako sa isang upuan doon malapit sa bintana. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at ipinahinga ang baba sa palad habang nakatingin ako sa mga ibong lumilipad galing sa isang puno.
Napakunot ang noo ko sa nakita. Parang part na sila nung puno nayon, di ko manlang namalayan na may ibon pala sa punong yon.
Nang makalipas ang limang minuto ay tumayo ako nagtungo sa isang salamin na nasa loob rin ng silid na ito.
Tinitigan ko lamang ang repleksiyon ko sa salamin nang makarinig ako ng ingay.
"Wala akong magawaaaa~"
"56......57...........58---"
"Will you shut up?!"
Diko na lamang pinansin ang ingay na iyon. Ngunit nagtuloy tuloy parin ang ingay. Napabuntong hininga ako. Ayoko ng maingay.
"Manahimik kayo." Kalmadong sambit ko. Nanahimik sila. Nakita ko naman ang naging reaksiyon nila.
Yung isa nagiwas ng tingin.
Yung isa naman umirap sa kawalan.
At yung pangatlo-- ngumuso.
Mahirap silang kontrolin, pero kung hindi ko sila tatanggapin, alam kong mas mahihirapan ako.
Muli akong tumingin sa salamin.
Nakita ko ang mga ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Insides
Подростковая литератураDo you ever look at someone and wonder-- what's going on inside her head? Cover by Baepttae