eight

21 8 0
                                    

Art's POV


Tumahimik ang paligid. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakatingin ang lahat sakin.


Binigyan ko lamang sila ng blankong tingin. Tss, ano nanaman bang ginawa nito.


Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain at inabot ang inumin ko, napatigil ako nang may napansin ako.


Bakit may dugo kamay ko? 


Napailing ako. Papansin talaga.


Uminom ako bago magpatuloy sa pagkain. Habang kumakain ako ay ramdam ko ang mga titig nila. 


Mga basura, nakakairita.


Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Hindi ko ito tipo. Tumayo ako at tinahak ang daan palabas ng kainan na 'to.


Mcdo. Parang bata. Ba't ba dito kumain 'yon? Tss.


Bago ako makalabas ay hinawakan ko ng pintuan nilang salamin at ipinahid ang kamay ko don. Nginisian ko ang guard bago ako tuluyang makalabas.

Patunay yon na dumaan ako sa lugar na yan.



Ramdam ko ang hangin nang lumabas ako. Hindi rin masyadong maingay kahit kalsada na ang kaharap ng kainan.


Huminga ako ng malalim at lumiko sa kaliwa. 




Muntik na akong mapasinghap.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon