Art's POV
Pano ba yan? Solo ko ata tong araw na to. Mga wala kasing kwenta eh. Tsk.
Kumuha ako ng isang pirasong tinapay sa lamesa at isinubo iyon.
"Masdgu hinsdf na ako magaalmushhdjsl" Sabi ko habang may nginunguya pa sa bibig.
Ano ba. Gutom ako.
Napalingon naman sakin si manang na nakakunot ang noo.
"Anong sabi mo ija? Hindi ko maintindihan."
Ay lintek.
Nilunok ko muna ang tinapay na nginunguya ko bago magsalita. "Hindi na ako magaalmusal."
Tumango na lamang siya at ngumiti. "Osiya sige. Magiingat ka a---"
"Art." Sabi ko. Nilingon ko siya.
Tinitigan niya muna ako bago tumango at ngumiti ng marahan.
Kinuha ko ang susing nakasabit sa gilid ng pinto at pinaglaruan iyon sa kamay ko habang palabas ako ng bahay.
Dumiretso ako sa garahe at saglit na tumayo habang nakatingin sa mga alaga ko.
Nang makapagisip na ako ay dumiretso ako sa motor ko at sumakay.
"Nice one. Malinis." Nakangisi kong sabi. Kinuha ko ang lollipop sa bulsa at sinubo iyo. Kawawa naman ako. Wala pang almusal.
Pinaandar ko agad ito, hanggang sa makalabas ako ng garahe.
*BOOOGGSSHH*
"SORRY MANANG!" Sigaw ko at tsaka agarang umalis. Nasira ko nanaman yung gate namin.
Para akong nakikipagpaligsahan sa ibang mga motorista dito sa high way. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at niramdam ko ang hangin.
Nang may sumigaw sakin.
"HOY RED LIGHT!" Hindi ko iyon pinansin at mas binilisan ang pagpapatakbo.
Wala akong gana makipaglaro sainyo. Tsk.
Bigla akong nakarinig ng sirena. Mga pulis.
Kahit kelan talaga mga epal tong mga pulis na to.Nakahanap ako ng eskinita. Shortcut rin yon papuntang school. Dun nalang ako pupunta. Pero bago ako dumaan sa eskinita ay iniangat ko ang kanang kamay at pinakyuhan ang mga pulis sa likod ko.
"HAHAHAHAHA MGA WALA KAYONG KWENTAAA!"
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil mallate na ako. Ayoko malate punyeta.
"EXCUSE ME!" Sigaw ko sa mga nakaharang sa eskinita. Panay sigaw naman sila sakin nang makalagpas ako.
Walang talab sakin yang mga sigaw niyo.
---
Agad kong pinark ang motor ko at pinatay ang makina. Tatanggalin ko na sana ang helmet ko nang mapansing---
Wala akong helmet.
"Shit." Bulong ko.
Kaya pala di na nagpumilit ang pulis na habulin ako, dahil makikita ang mukha ko sa cctv. Lintek na buhay.
Napailing nalang ako at umalis sa pagkakaupo sa motor.
Kaylangan kong magingat.
Tinahak ko ang daan papunta sa room namin. Habang naglalakad ako sa corridor ay napatigil ako nang may isang babaeng lumapit sakin habang nakangiti. "Goodmorning A--" pinutol ko ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Insides
Teen FictionDo you ever look at someone and wonder-- what's going on inside her head? Cover by Baepttae