six

22 7 0
                                    

Uno's POV

Walang ingay, walang galaw, walang amoy.

Tumigil ang oras kasabay ng pagtigil ng pandama ko. Pati siguro paningin ko nagbago, parang ako nalang ang nasa loob ng silid na 'to.

Blanko, pati isip ko. Biglaan yung nangyare. Tumigil yung mundo ko. Lumingon ako sa bintana at kita ko ang pagsayaw ng mga puno, pero wala akong nakitang tao sa labas.

Napatingin ako sa araw at nakita itong kumikinang. Hindi siya masakit sa mata.


Binalik ko ang tingin ko sa pisara, nanatiling hindi gumagalaw ang guro.


Ibinaba ko ang tingin ko, may pulang likido na tumulo.




"Amphitrite? Bakit dumudugo ilong mo? Ayos ka lang ba?"



Napa-angat ang tingin ko. Lahat sila nakatingin na sakin.

Sabi ko naman eh, nabubuhay ako sa sakit.



----

Amphitrite's POV

Alam niyo yung mahirap? Yung si Uno pa yung lumabas.

"Opo. Okay lang po." Sabi ko at tsaka tumayo at lumabas ng silid.

Hay nakoo. Ni hindi ko nga alam kung bakit dumugo yung ilong ko. Pahamak talaga 'tong mga 'to.

Pagdating ko sa comfort room ay ni-lock ko ito.

Uhmmm diko rin alam kung bakit.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tuloy tuloy parin tung pagdugo ng ilong ko, hindi ko magawang hugasan.

Nanatili akong nakatayo. Inalala ko yung sinabi ni Niel.

'Talagang maaapektuhan ka niyan dahil sa katawan mo'

Napabuntong hininga nalang ako.


Pahamak ka talaga, Art.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon