Amphitrite's POV
"pUTANGINA!" sigaw ko.
Nakarinig naman ako ng yabag ng paa na paakyat patungo sa kwarto ko bago ako nakarinig ng pagbukas ng pinto.
"ANONG NANGYARE????" Nagaalalang tanong ni manang.
Napasimangot din siya agad ng makita niya ang estado ko. Gumapang naman ako patungo sakanya.
"mANAAAAAANG!!! HUHUHU MAY BAYARIN NANAMAAAAAN DIKO NA ALAM KUNG SAAN AKO KUKUHA NG PERA TANGINANG BUHAY NAMAN TO!" Naiiyak kong sabi habang yakap ko na ang binti niya.
Sinipa naman niya ako dahilan ng pag kamot ko sa ulo.
"Hay nako! susmaryosep kang bata ka! kala ko naman kung ano na nangyare sayo!" Nakapamewang na siya ngayon.
Tumayo naman ako at pinulot ang mga papel na binabasa ko kanina. Nagtungo ako sa kama ko at umupo bago bumuntong hininga.
"Manang diko na alam kung ano bang dapat kong gawin.. Parang araw araw nalang may bayarin. Kuryente, yung gate na sira, motor, tuition, tubig, hospital bills, laundry, gamot, check ups, niel, at pagkain na napakamahal!"
Naglakad naman si manang palapit saakin, tinignan ko siya ng may halong pagmamakaawa.
Sinimulan niya akong suklayan gamit ang kanyang daliri.
"Alam mo ija.. di talaga natin maiiwasan ang ganyang mga problema kaya--
MAGHUGAS KA NA NG PLATO DON SA BABA NG MAY SILBI KA NAMAN AT DIKA HUMAHAGULGOL LANG DITO SA KWARTO MO PUNYETA KANG BATA KA!!" Sigaw niya habang hawak ang tenga ko
"PUTANGINA MANANG ANG SAKET-- AHSHHSKSKAJBZHAK"
Pagbabayaran niyo tong tatlo mga pabigat kayo!

BINABASA MO ANG
Insides
Novela JuvenilDo you ever look at someone and wonder-- what's going on inside her head? Cover by Baepttae