Clytie's POV

Nagising ako dahil sa pagkalabit sakin.

Umayos naman ako ng upo at tinitigan ang gumising sakin, si Niel. Nagtitigan lang kami.

"GOODMORNING NIEL!" Masiglang bati ko sakanya. Nakita ko siyang napabuntong hininga.

"Bakit ikaw pa?" Bulong niya. Nginitian ko lang siya at hinila palabas ng silid na yon.

"Nieelll nagugutom akoo~" Sabi ko sakanya habang naglalakad kami sa corridor.

Buti time na, wala ng tao sa corridor. Ang ingay kasi nila ehhh~

"Samahan mo pala muna ako sa cr. Hihi~" sabi ko at hinila siya papunta sa girl's cr.

"Mapaparusahan ako Clytie." Kalmadong sabi niya at paalis na sana nang hilahin ko ulit siya.

"Ihhh~ Di ka naman studyante dito ehhh~" Nakanguso kong sabi kaya napabuntong hininga nalang siya.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

"Pigtaaiillsss~"

Nang matapos na ako ay hinila ko siya paalis ng cr. Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad kami sa corridor.

"Hindi ka aattend ng klase?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Sabi niyo kase delikado ehhh~" Sabi ko at ngumuso. Tumango naman siya.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya habang naglalakad parin kami. Nanahimik lang ako. Ramdam ko naman na naghihintay siya.

Nagtuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makatapak na kami sa labas ng school. Tumigil muna kami saglit. Humarap ako sakanya at tinignan siya ng diresto.


"MASAYAAAA~~" Masiglang sabi ko habang nakataas pa ang dalawang kamay. Napa face palm lang siya at pinulupot ko ulit ang kamay ko sa braso niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang tumigil siya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Niel. Hinila ko siya ulit para magpatuloy sa paglalakad. Hindi narin siya umangal.

"Diko alaaaam~" Nakangiting sabi ko. Seryoso, diko talaga alaaaam~

Napailing na lamang siya at tahimik na nagpahila sakin.

---

"Hindi na 'to matuliiiis~" Nakanguso kong sabi habang nakaturo sa isang patalim.

Kinuha ko iyon at kinuha ang panghasa. Umupo ako sa sahig at hinasa iyon. May upuan naman dito pero mas gusto ko sa sahig. Nakita ko namang nakatingin lang sakin si Niel.

Nilingon ko siya. "Upo ka dito." Sabi ko habang nakatingala sakanya. Napabuntong hininga lang siya.

"Cute ka na sana, kaso kilala kita." Sabi niya. Napanguso ako nang maglakad siya. Ayaw niya umupo sa tabi koooo~

"Parami ng parami koleksiyon mo tuwing makakapunta ako dito." Sabi niya habang pinagmamasdan ang mga koleksiyon ko na nasa dingding.

Habang hinahasa ko ang patalim ay napangiti ako.

"Syempreee~ Mas masaya pag iba ibaaa~ Hihi~"

Nakita ko naman siyang napailing. Nakaharap siya ngayon sa dingding kung san rin ako nakaharap. Nakita kong iniangat niya ang kamay niya.

Habang naghahasa parin ako ay nagsalita ako.

"Wag mong hawakan yan." Sabi ko. Mabilis akong tumayo.

Halos nakadikit na sa leeg niya ang patalim na kahahasa ko lang. Onting galaw niya lang pwede na siyang masugatan.

Ramdam ko ang pagtigil ng paghinga niya. Inialis ko ang patalim sa leeg niya tsaka ko siya nginitian.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon