nine

23 8 0
                                    

Amphitrite's POV


"Naiwan mo." Sabi ng isang lalake sa harapan ko.



Napatulala muna ako saglit at tsaka naubo.

Ibinaba ko ang tingin ko sa hawak niya. Isang patalim. Napabuntong hininga ako bago kunin iyon.


Ngumiti ako ng tipid sakanya.


"Salamat." Sabi ko at pinunasan iyon gamit ang panyo sa bulsa ko. 


Tsk tsk tsk. May mantsa narin pala ang shorts ko, mahirap labhan 'to kulay puti pa naman, lagot ako kay manang.


Nang maibulsa ko ito ay tumalikod na ako at nagtangkang umalis.



"Teka." Napatigil ako  nang magsalita siya. Nilingon ko siya.


"Bakit?" Tanong ko habang may ngiting tipid sa aking mukha.



Napakunot ang noo niya at umiling


"Wala." Sabi niya tsaka siya umalis. Nagkibit balikat ako at tinahak ang kabilang daan.


Maghuhugas pa ako ng kamay.


"Nako lagot talaga ako kay manang, pano ko ba to lalabhan." Reklamo ko.

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon