Uno's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng mga aparato. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata.
Puting kisame at puting dingding, hindi na ito bago sa aking paningin.
Andito nanaman ako..
"Mabuti't gising ka na." Ipinikit ko ulit ang aking mga mata dahil sa pamilyar na boses na aking narinig.
Napabuntong hininga ako at idinilat ang aking mata kasabay ng paglapit niya.
"Niel.. pasensiya na." May halong pagod kong sabi, pero alam kong mas pagod siya.
Tumango siya bago magsalita.
"Wala kang dapat ipagalala, trabaho--"
"Ako ang napapagod para sayo." Nagaalala kong sabi. Napailing siya at natawa.
"Halata nga." Nakangiti niyang sabi.
Lumapit pa siya ng bahagya at inilahad ang kanyang kamay.
At inihawak sa aking kaliwang pisngi.
Kasabay ng aking pagpikit ang kanyang huling binitawang mga salita.
"Alam mong hindi kita hahayaang mag-isa."
BINABASA MO ANG
Insides
Teen FictionDo you ever look at someone and wonder-- what's going on inside her head? Cover by Baepttae