Amphitrite's POV




Pagod na pagod na ako kelan ba ako papatahimikin ng mga lokong to.

Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Okay hindi ko kama to. Nasa clinic ako ngayon.

Don't get me wrong wala akong sakit. I mean wala pa.

Dito din naman ako mapupunta mamaya so pinangunahan ko na diba.

"Hoy ano aral aral din." Rinig kong sabi niya kaya napadilat ako.

"Niel, kung ikaw ba andito sa sitwasyon ko makakapagaral ka pa ba?" Pagod na pagod kong sabi habang nakabusangot.

Natawa naman siya. Sige tawa ka lang diyan.

"Magklase ka na, ako pa malalagot dahil diyan sa pag cutting mo. Wala ka pa namang sakit."

Napabuntong hininga naman ako bago umayos ng upo.

"Niel seryosong usapan." Seryosong sabi ko. Nakita ko namang sumeryoso din ang mukha niya.

"Hanggang kelan pa?" Tanong ko.

Nakatingin lang siya sakin ng matagal bago sumagot.



"Kung alam ko, sinabi ko na." Seryosong sabi niya pero narinig ko parin ang lungkot sa tono ng boses niya.

Tumango ako bago tumayo. Oo diko tinatanggal sapatos ko pag hihiga dito. Sila naman naglalaba ng bed sheet.

"Bumalik ka na." Sabi niya.

"Saan? Dito? Aba oo babalik talaga ako dito" Natawa nalang siya at napailing.

---

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom.

Habang naglalakad ako hindi na ako nagugulat sa mga nagbubulungan sa paligid. Medyo naiilang sila at hindi alam kung anong iaakto.

Kung ako din naman sa posisyon nila ganyan din magiging tingin ko.


Marahan kong binuksan ang pinto ng silid.

Lahat ng studyante sa loob nakatingin sakin. Buti wala pa si maam. Nagdirediretso lang ako sa upuan ko, sa dulo.

As usual may bakanteng upuan, tatlo.

Napabuntong hininga ako at tahimik na nagintay sa guro. Makikinig na lang ako sa klase..

--

Art's POV

Papunta ako ngayon sa opisina ko, ang punishment room. Katatapos lang din ng klase.

Bat ba kase ako pumasok pa.

Hinawakan ko na ang doorknob ng may mapansin akong kakaiba.

May tao sa loob.

Inihanda ko ang patalim sa aking bulsa bago tuluyang pihitin ang doorknob.



"Anong ginagawa mo sa teritoryo ko?" Tanong ko. Isinara ko ang pinto sa likod ko at naglakad patungo sakanya.

Seryoso lamang ang mukha niya bago siya magsalita.

"Hindi mo ako naaalala?" Kalmadong tanong niya. He looks harmless pero nanatili ang paghawak ko sa patalim.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako sumagot.

"Bitawan mo na yan. Wala akong armas." Kalmado pading sabi niya habang nakatitig lamang sa mata ko.


Binitawan ko na ito at inilabas ang kamay mula sa bulsa. Nakapamewang ako ngayon.

"Tinatanong kita." Madiin kong sabi.

--

Cube's POV

"Tinatanong kita." Sabi niya. Ngumisi lamang ako.

Wala akong planong hulihin siya ngayon, gusto ko lang makita kung tama ba ang sinasabi nila.

"Gusto ko lang." Nakangising sabi ko.

Pumikit siya saglit bago lumapit sakin.

"Hindi naman iyo yan ehh~" She said sweetly. Nawala ang ngisi ko. Palapit pa din siya ng palapit.

Napapikit ulit siya saglit.

"Umalis ka na." Madiin niyang sabi. Ang dilim ng mata niya.

Ngunit napapikit siya ulit at pagdilat niya, lumiwanag ang kanyang mga mata.

Lumapit siya ng tuluyan.

Nilapag niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaang kamay ng inuupan ko ngayon kasabay ng pagpatong ng kanyang kaliwang tuhod sa pagitan ng dalawa kong hita.

Putangina.

Napalunok ako.

"Ang kulit mooo~ Alis sabi ehh" Nakangiti niyang sabi habang halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.


"Ako ang hanap mo hindi baaa~" Huling sabi niya bago ako napapikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon