Art's POV
Kadiliman.
Hindi niyo ba napansing kadiliman ang bubungad satin? Simula pagkapanganak, kadiliman muna bago ang liwanag, tunog ng mga aparato o mga boses.
Kahit sa simula ng araw natin kadiliman parin ang simula bago ang mainit na kape, malamig na panligo o nakakapagod na aktibidad.
Lalo na sa pagtatapos ng araw natin, kadiliman ang hihigop sa atin.
Kung sa simula ng buhay, kadiliman ang bubungad,
paano kaya sa dulo nito? Kadiliman parin ba?
o liwanag na ang sasalubong satin?
Pula.
Para sakin, pula ang pinaka mapanlinlang na kulay. Nagtatago lamang ito sa masayang paglipad ng pag-ibig ngunit ang totoo ay nalulunod na ito sa sarili nitong dugo.
Para itong nakangiting dalagang may pusong mata na may hawak na patalim sa kanyang likuran, tila ipinapakita ang mala-anghel nitong mukha.
Kulay pula ang rosas, kay sarap hawakan, ngunit hindi mo ba nakikita ang mga tinik nito? Napaka delikado, napakamapanlinlang, napaka brutal, at
napakasaya.
Pula? Sino ka ba talaga?
Puti.
Malinis, puro, kabutihan, ano pa ba? Puro positibo, puti eh.
Pero madaling madumihan, malay ba natin kung matatanggal yon? Malay ba natin kung yung puti mismo ang dumi?
Madaling makita, malay ba natin kung dapat bang makita, o malay ba natin kung anong nasa likod nito na hindi natin nakikita. Kalinisan ba? Kabutihan ba?
Puti, o panakip butas. Pinagtatakpan lamang nito ang pagkatao natin. Pero isang tulo lang ng pula o kadiliman hindi mo na alam kung saan ang babagsakan.
Puti, isang kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Insides
Teen FictionDo you ever look at someone and wonder-- what's going on inside her head? Cover by Baepttae