seven

24 8 0
                                    

Clytie's POV

Hihihi~ Ang saya namaaaan~

Inihagis ko ang hawak kong patalim sa kaliwang bahagi ng gubat na ito.

Nakarinig ako ng pagsinghap ng gawin ko iyon. Ngumiti ako ng matamis at pumunta sa bahaging iyon.

Nang makarating ako sa harap ng katawan ng lalake, umupo ako sa tabi niya at tsaka ko kinuha ang patalim sa dibdib niya. Napanguso ako at tumayo.


"Madumi naaaa~" Malungkot kong sabi. 


Teka nagugutom na akoooo~



Tinalikuran ko ang lalaking yon at tsaka tinahak ang daan palabas ng gubat. Mamaya nalang ulit ako maglalarooo~


Bago ako tuluyang makalabas ay ibinulsa ko muna ang patalim na hawak ko, kulay puti pala shorts koooo~ Makikita yung dugooo~



Nang makarating ako sa paborito kong kainan ay nakangiti akong pumasok sa loob.


"Goodmorning kuya!!" Masigla kong bati sa guard.


Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay napanguso ako. Bakit sila nakatingin sakiiiin??


Napatingin naman ako sa kamay ko. Halaaa~ hindi pa pala ako naghuhugasss~ Di bale na, mamaya nalang.



Pumila ako at nag-order, napatulala naman ang babae. Napanguso ako. Hindi naman ako maglalaro dito ehhh~




Masaya akong kumain kahit pinagtitinginan nila ako na para bang pumatay ako ng tao.




"Tama kayooo~ Pumatay nga ako ng taooo~ Hihi~" Nakangiti kong sabi sakanila at tsaka ako kumain ulit.


Saraaap~

InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon