***

165 4 1
                                    

Characters:

May Gutierrez

Jack Ivan Espinosa

Kaycee Mejilliano

Dave Bartolome

Kiesha Villanueva

Lynn Rodrigueza

Merella Fortalejo

Makie Llandelar

Roselle Alcantara

Faye Balasta

Eldren Majadas

Stuart Castello

Kenneth Dumaguete

Angie Castro

Phoemela Lorica

Pauline Celestial

Catly Pangilinan

Shane Anonuevo

Carter Toledo

Yohann Gatchalian

__

SOMEONE'S POV

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumungong kusina at sinabi ko kina Mommy at Daddy na magbabanyo ako bilang dahilan ng ginawa ko.

Naabutan ko si Yaya na magtitimpla na sana ng juice.

"Ya. Ihatid mo na yang ibang ulam dun kina Mommy."- utos ko sa kanya. "Ako na ang bahala dyan sa juice."

Kaagad namang sumunod ang yaya namin sa inutos ko.

Nang makalabas na siya ay tinimpla ko na ang juice nina Mommy at Daddy. Nang matimpla ko na ang juice nila ay linagyan ko ito ng lason at muli itong hinalo.

Bumalik si Yaya sa loob ng kusina at kaagad na kinuha ang juice na tinimpla ko para kina Mommy at Daddy. "Salamat po Sir."- sabi niya pero di ko siya pinansin. Nang lumabas na ulit siya ay lumabas na rin ako sa kusina. Lalabas na rin sana ako sa dining room pero tinanong ako ni Daddy.

"Saan ka na pupunta? Tapos ka na ba kumain? Ang konti pa lang ng kinain mo ah."- tanong sa akin ni Daddy.

"Busog na po ako eh. Saka inaantok na rin po ako."- pagsisinungaling ko sa kanya at tuluyan na ngang lumabas sa dining room.

Nang makarating ako sa kwarto ay humilata ako sa kama na walang pag-aalinlangan sa ginawa ko. Kailangan nilang danasin yun. Hindi sila pwedeng maging maligaya samantalang ako ay hindi.

Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko na ang natatarantang sigaw ng mga kasambahay at mga bodyguard namin. Paniguradong umepekto na ang lason kina Mommy at Daddy. Serves them right.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon