Chapter Fourteen
HINDI malaman ni Majoyce kung saan titingin. Napakarami ng mga paruparo na nagliliparan sa paligid nila. Naroon sila sa Butterfly Garden. Maaga pa noon dahil kabubukas pa lang ng pasyalan. May dumapo sa manggas ng suot niyang turtlenecked blouse. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa paruparo. Mahahawakan na niya ang pakpak niyon nang gulatin siya ni Luis.
"Ay kabayo!"
Tinawanan siya nito. "Magugulatin ka pala?"
"Nakakainis ka. Mahuhuli ko na sana 'yong paruparo."
Niyakap siya ni Luis mula sa likuran. "Bawal pong hulihin."
"Hindi ko kasi ma-resist. Ang gaganda nila. Ang lalaki pa."
"Ako na lang ang hayaan mong humuli."
Nang lingain ni Majoyce ang asawa, pilyo na ang pagkakangiti nito. "Ako naman ang hinuli mo, hindi 'yong paruparo."
Tumawa na naman si Luis. "Mas masarap kang hulihin. Kasi puwede kang halikan." Dinampian nga nito ng halik ang kanyang pisngi.
Idinikit niya ang kanyang pisngi sa gilid ng mukha ng asawa. "Ganito ka ba talaga ka-sweet? Kasi noon akala ko lagi ka lang pormal."
"Masungit ba ang tingin mo sa akin noon?"
"Hindi. Mabait ka nga, sobrang bait. Iyon ang unang napansin ko sa 'yo."
"Hmm... hindi 'yong kaguwapuhan ko?" Napakagaang ng tono ni Luis. Nararamdaman niyang kung gaano siya kasaya ay ganoon din ito.
"Kasama na rin 'yon."
"At ka-macho-han?"
Nilinga na naman ni Majoyce ang asawa. "Bakit, macho ka ba?" pabirong sabi niya.
"'Lagay palang 'yon naliliitan ka pa sa kaha ko?"
"Eh... wala naman kasi akong mapagkomparahan."
"'Yong mga dati mong boyfriend?"
"Si Adam lang ang naging boyfriend ko. Hindi naman siya macho."
Natahimik si Luis. Para tuloy nagsisi siya na binanggit pa niya ang pangalan ng anak nito. Parang dahil doon ay nasira ang magic moment nilang dalawa. Pero nagkamali siya. Hinapit siya nito, ibinuro ang mukha sa leeg niya na sukat niyang ikakiliti. "I love you..."NATIGILAN si Majoyce. Mahal daw siya ni Luis. Daig pa niya ang nasabihan ng doktor na ligtas na siya sa tiyak na kamatayan, o nakapasa siya sa Nursing board exam, o nanalo ng ilang milyon sa super lotto. Lumobo sa kaligayahan ang kanyang dibdib.
Ngunit gusto niyang makatiyak kaya kumalas siya at pumihit upang mapaharap sa asawa at makita ang mga mata nito. "M-mahal mo ako?"
Tumango si Luis. "I can't believe you had no idea. Pagkatapos ng mga nangyari sa atin?"
Napanguso siya pero napapangiti naman. "Akala ko kasi gano'n ka lang talaga ka-sweet sa babae. Kay Miss Krissy nga mabait ka rin."
"Nagseselos ka ba sa kanya?"
"Hindi. Hindi naman ako selosa. Pero kung makikita ko sigurong nilalandi ka niya, mate-tempt akong sabunutan siya."
Tumawa ito at kinintalan ng halik ang kanyang sentido. "Hirap na hirap akong itago ang feelings ko sa 'yo. Kasi hindi pa ako nagpo-propose sa 'yo noon. At alam kong mahal na mahal mo si Adam. Wala na nga sana akong balak na ipaalam pa sa 'yo. Kahit na noong mag-propose na ako ng kasal. Pero nagbago ang sitwasyon nang maaksidente ako. Ayokong mawala sa mundong ito nang hindi ko man lang nasasabi sa 'yong mahal kita."
Parang hindi makahinga si Majoyce. Mahal nga siya ni Luis. Malinaw na nababasa niya iyon sa sinsero nitong mga mata. Gusto niyang tumalon nang tumalon sa labis na saya. "Kailan mo pa ako minahal?"
"I don't know. Maybe right after the accident? Naramdaman ko na ito noong lagi na tayong nagkikita. Pinipigilan ko nga lang noong una. Kakalimutan ko na nga lang sana kasi alangan ako para sa 'yo. Malaki ang agwat ng edad ko sa 'yo, alam mo na. Pero mahirap talagang pigilin. Araw-araw, tuwing nakikita kita sa office noon, lalo kong nararamdaman na mahal kita."
"Bakit pala sabi mo kaya ka nag-propose ng kasal sa akin para makasiguro ka na may legal na mangangalaga sa kapakanan ni Faye kapag may nangyaring masama sa 'yo?"
"Eh, kasi... medyo insecure ako kung magugustuhan mo ako kasi malaki ang agwat ng edad natin."
Niyapos ni Majoyce si Luis at ibinuro ang mukha sa dibdib nito.
"Does this mean, you're not upset for what I said?"
Tiningala niya ang asawa. "Of course not. Bakit naman ako magagalit sa isang bagay na ikinatutuwa kong malaman?"
"Totoo?"
"Totoo. At siguradong malulungkot ako nang sobra kung kinalimutan mo na lang ang feelings mo sa akin."
Eksaheradong humugot ng hininga si Luis na tila nabunutan ng tinik. Pagkatapos ay pinakatitigan siya nito. "You are special, hon. And I am so fortunate, so proud to become your husband. You're the kind of woman that a man runs to." Bumaba ang mga labi ng asawa upang likumin ang bibig niya sa isang napakatamis na halik.
Oh, God, this is heaven!NAMANGHA si Majoyce nang makita niya ang napakaraming rose petals sa ibabaw ng kama ng tinutuluyan nilang silid sa The Manor. Kababalik pa lang nila noon mula sa paghahapunan sa Gablets Catering Services sa Engineer's Hill. Nagkuwentuhan lang silang mag-asawa habang kumakain. Walang gaanong matanaw na sights kapag ganoong gabi na at makapal ang fog. Dagdag pang panay ang mahinang pag-ulan. Hindi na sila namasyal pa pagkatapos nilang maghapunan.
Nilinga niya si Luis. Nakangiti ito. "I thought naubos nang lahat ng bulaklak dito sa Baguio sa second day ng Panagbenga Festival kanina," sabi niya.
"Hindi ako papayag na ubusin nila at walang matitira para sa asawa ko." Pilyong pinagalaw ni Luis ang noo. Naging parang teenager ito sa ikinilos. "I could tell that you like it."
Ngiti at smack sa mga labi ng asawa ang naging sagot niya.
Hinuli naman nito ang kamay niya, kinapa ang ring finger niya. Nang itaas iyon ni Luis ay may katabi nang isa pang singsing ang wedding band niya. "I'm sorry kung late ko nang naibigay ang engagement ring mo. I hope you like it."
"It's beautiful." Isang malaking South-Sea pearl ang pinakatampok ng singsing na may maliliit na brilyanteng nakapalibot sa platinum framework. Hindi siya sanay sa pagkilatis ng mga alahas ngunit parang antigo iyon sa palagay niya. "Family heirloom ba ito?"
"Oo, isa sa mga alahas ng mama ko noon. Pamana rin sa kanya ng lola ko. I thought mas bagay sa 'yo ang perlas. It represents sweetness and exceptional beauty."
"I love it." Tumiyad si Majoyce at ginawaran si Luis ng halik sa pisngi.
She was rewarded with a school boy smile that melted her heart. Muli na naman tuloy niyang hinalikan ito. Sa pagkakataong iyon ay sa mga labi na. He kissed her back until they almost run out of breath.
Pinauna siya ni Luis sa banyo nang matapos ang halik. Dama niya sa bahagyang panginginig ng mga labi ng asawa ang pananabik ngunit dumistansiya ito sa kanya para makapasok siya sa banyo.
Nasorpresa na naman siya pagpasok niya roon at buhayin ang ilaw. Dahil petals ng mabangong camia ang nakalutang sa bathtub. May magaganda at mababangong bulaklak din sa bawat sulok ng banyo, nakikipagpaligsahan ng bango sa sindidong mga scented candles. Pinatay niya ang ilaw at hinayaang ang mga scented candles lang ang tumanglaw roon.
Napapangiting naghubad na si Majoyce ng damit. Her husband was up to something. At hindi niya maiwasang ma-excite sa mangyayari pa sa gabing iyon.
Pinabubula pa lang niya ang bubble bath soap na inihalo niya sa tubig ng tub nang makarinig siya ng katok sa pinto. "Hon, may I come in?"
Napalunok siya. Parang nakiliti kaagad ang talampakan niya sa ideya na sabay silang maliligo roon ni Luis. Na ngayon pa lang mangyayari kung sakali. "P-pasok."
Pumasok nga ito. Nahubad na pala nito ang damit. Sando at boxer shorts na lang ang natirang suot ng kanyang asawa. Biglang bumalik sa isip niya ang hubad na imahen nito noong unang pagkakataon na angkinin siya nito. Napalunok na naman siya.
There was a seductive glint in his eyes that made her heart race with anticipation. Naupo si Luis sa gilid ng tub na malapit sa kamay ni Majoyce. Hinalikan siya nito sa noo. Nasisiyahang pinagmasdan siya. "You look like a movie star taking her bath."
"And you look like her leading man wanting to join her bath," ganting-tukso naman niya.
Tumawa si Luis. Kahit ang tawa nito ay parang nang-aakit. O dala lang ba iyon ng sexual awareness na nararamdaman niya ngayon? "Close your eyes first," utos nito.
Hindi niya sinunod si Luis. Tumitig pa siya rito. "Bakit, nahihiya ka ba sa akin?"
"Hindi. Pero naisip ko na baka mahiya ka." Bigla itong tumayo sabay hubad sa harap niya ng suot na sando.
"Ay!" bulalas niya sabay takip ng bibig at pikit ng mata.
Napahalakhak si Luis. "See what I mean?" paanas na sabi nito malapit na malapit sa tainga niya.
Napadilat na tuloy siya. Nag-alsahan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Wala sa loob na pinaypayan niya ng palad ang mukha niya nang makita ang kislap ng mumunting pawis na gumigitiw sa balat nito. Kahit kailan yata ay lagi pa rin siyang matutulala tuwing makikita ang hubad na katawan ng asawa. And even if he still wore his boxer shorts, she knew he was turned on.
"Close your eyes, honey. Ayokong magulat ka na naman."
Sinunod na lang ni Majoyce si Luis. Narinig niya ang kaluskos nito habang hinuhubad ang suot na saplot. Nate-tempt na siyang dumilat. Doble na ang excitement na kanyang nararamdaman kahit hindi siya kumikilos sa kanyang kinaroroonan. Dumilat lang siya nang maramdamang nakasampa na si Luis at nakalublob na rin sa loob ng tub.
"This is something new for you," sabi nito, ang mga mata ay nangangako ng isanlibo't isang ligaya. "And I want you to enjoy it as much as I will."