Warmth

12.9K 237 21
                                    



Chapter One

Two years later

“O, JOYCE, nandito ka pa pala.”
Nag-angat ng tingin si Majoyce mula sa laptop na kaharap niya. Si Luis ang lumapit sa mesa niya. For some reason ay mas gusto nito na tawagin siya sa palayaw na “Joyce” kaysa sa buo niyang pangalan, kahit wala naman siyang ginagamit na palayaw maging sa kanila. May mga pagkakataon na sa biglang tingin ay parang kasing-edad lang ni Luis si Adam noon. Apatnapu’t tatlong taong gulang pa lamang ang lalaki at mukhang bata pa sa edad kahit abala sa negosyo. “Opo. Ipinasok ko lang po 'yong file ng audit report ng Cavite branch natin para po bukas ipi-print na lang.”
“Natawagan mo ba kanina si Dindo?” tukoy ni Luis sa operations manager ng kanilang planta sa Canlubang.
“Opo, Tito, pero wala si Sir Dindo sa office nila kaya nagbilin na lang ako sa office assistant na patawagin siya rito. Ngayon-ngayon lang po siya nag-return call. Nasa planta raw po siya. Kaso nahulog sa baha ang cell phone niya kaya hindi niya natatanggap ang mga tawag natin. Bukas daw po siya pupunta rito para mag-report. Tatawag daw po siya sa inyo kapag nakauwi na siya sa bahay.”
“Okay. Pero dapat umuwi ka na rin. Maaga ka pa kanina rito. At ngayon gumagabi na. You’re working too hard.”
“Ayos lang po, Tito. Magliligpit lang po ako rito at uuwi na rin ako.”
“Tell me, Joyce. Have I been pushing you a little too hard? Kasi hindi na kita nakikitang nagbabakasyon. Kung minsan kahit weekends pumapasok ka.”
“Hindi naman po. Saka, Tito Luis, gusto ko rin po na maayos ang lahat ng records natin dito anytime na kailanganin ninyo. Alam ko pong sobrang dami rin ng trabaho ninyo. Kahit man lang po sa ganito kaliit na bagay, makatulong ako.”
Napailing ito. “Ngayon ko lang naisip, I’ve been relying on you too much for too long already. Baka panahon na para ikuha kita ng office assistant.”
“Naku, hindi po. Hindi na po kailangan, Tito Luis. Maluwag naman po ang oras ko rito. May mga trabaho lang minsan na dumarating nang alanganing oras kaya may time na kailangan kong mag-extend ng oras o pumasok ng weekends.”
Pinagmasdan si Majoyce ni Luis sa umuunawang ekspresyon ng mukha.
Tuwing tinitingnan siya nang ganito ni Luis ay parang literal na hinahaplos ang kanyang puso. May warmth ang tingin nito, may malasakit, may lambing at sinseridad na bihira niyang makita sa isang  prominenteng tao na tulad nito.
Hinila ni Luis ang silya na nasa kabilang panig ng desk at naupo roon paharap sa kanya. “Hinahayaan lang kita dati kasi sabi ko, after what happened, kailangan mo ng coping mechanism. Joyce, I’ve been meaning to ask you for quite sometime now. Naka-recover ka na ba sa pagkamatay ng anak ko?”
Malungkot na ngiti ang naging sagot ni Majoyce kay Luis.
“It’s about time you moved on, Joyce. Meet some new people, make new friends who could be potential… I mean, it would be better for you to find another love. Bata ka pa. Don’t waste your youth by living in the past. Kahit ako, may parte ng sarili ko na hindi na makaka-recover pa sa pagkamatay ni Adam. Pero matagal ko nang natanggap sa sarili ko na hindi na siya babalik pa. Pinilit kong tanggapin kahit masakit, because that is what life is all about—pagtanggap sa mga bagay na wala sa atin ang kapangyarihan para baguhin.”
“Alam ko po, Tito. Tanggap ko naman na po. Ang sa akin lang naman po, may kanya-kanyang panahon din ang bawat bagay. Hindi ko po tatalikuran kung ano ang ibinibigay sa akin ng kapalaran ko. But I still want to wait for the right one.”
Tumayo na si Luis, pinisil siya sa balikat at ngumiti. “That’s good to hear.”
Natigilan si Majoyce. Nakabalik na si Luis sa loob ng private office nito ay natutulala pa rin siya. Hindi niya maikakaila ang init na naramdaman niyang tumagos sa manggas ng kanyang damit. Bakit gano’n ang naramdaman ko?
Nang muling lumabas ng pinto si Luis ay parang biglang natensiyon si Majoyce. Lalo na nga nang ngumiti ito at magpaalam sa kanya. Hindi mawala sa imahinasyon niya ang malalim na dimples ng lalaki.
“I’ll be on my way, Joyce. Bukas mo na lang tapusin 'yan para makauwi ka na rin. Better yet, sumabay ka na sa akin. Idadaan na kita sa inyo.”
“Naku, huwag na po, Tito. Kasi—”
“Out of the way ang sa inyo. I know. Pero dala ko naman ang sasakyan ko at walang dahilan para magmadali akong umuwi sa bahay.”
“Pero, Tito—”
“And I won’t take ‘no’ for an answer.”
Napipilitan lang na pumayag si Majoyce. Ayaw muna sana niyang makausap o makasama si Luis. Gusto muna niyang suriin sa sarili kung ano iyong naramdaman niya kaninang pisilin nito ang balikat niya. Oo nga at bata pang tingnan si Luis at ang lahat ng mga babae sa paligid nito ay given nang nagkaka-crush dito, kasama na siya, pero hindi siya dapat makaramdam ng chemistry kay Luis. Majoyce, hindi dapat. Itanim mo 'yan sa kukote mo.

The Other Side Of Love COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon