Chapter 1: New Transferees

9.8K 199 2
                                    


Loraine's Point of View

Napatahimik ang lahat ng pumasok ang homeroom teacher namin na si Ms Valdez, sinundan ng apat na lalake na siguro ay kasing age din namin

"Goodmorning class, so today, may bago kayong magiging kaklase. Boys, please introduce yourselves" sabi ni Ms Valdez sa apat na lalake kaya nauna ng nagpakilala yung pinakatangkad sakanila

"Hi everyone, I'm Zander Lopez, I hope we can be friends" sabi nung Zander, narinig ko namang napa 'tsk' si Zeely, sumunod naman yung hindi masyadong matangkad pero matangkad parin naman

"Hi, I'm Lance Dela Peña, pleased to meet you" sabi naman ng isa nilang kasama, nagulat nalang kami ng biglang tumili sila Zakaria at ang mga alipores niya "Omg! Zander ang hot mo! Be mine!" Sigaw ng isa sa mga alipores ni Zakaria, kahit kailan talaga ang lalandi nila, I mentally rolled my eyes

"Quiet, Ms Agustin" sabi ni ma'am Valdez kaya napatahimik silang apat

"Hi, I'm Lander Lopez, Zander's fraternal twin, alam kong mas gwapo ako sakaniya" ay kapal ni kuya oh, napa 'tss' naman kaming apat, ngayon ko lang din napansin na kambal pala sila, dahil medyo malayo ang mukha nila sa isa't isa, kaya siguro fraternal

"Hi classmates, I'm Michael Williams, hope to be your friend" sabi nung last na lalake, feeling ko, siya lang yung mabait sakanilang apat, aish

"Thank you, boys. Please seat at those vacant seats at the back" sabi ni Ms Valdez, at sa kamalasan nga naman, nasa likod ni Zeely si Zander, nasa likod naman ni Jean si Lance, nasa likod ko naman si Lander at nasa likod ni Akira si Michael

"Hi. Lander nga pala" sabi ni Lander sa likod ko, pero hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang ako kay Ms Valdez

Jean's Point of View

Pagkatapos ng dalawang subjects namin ay break time na namin kaya pumunta na kaming apat sa cafeteria, "Anong order niyo?" Tanong ko sakanila "Sa Pizza Hut ako oorder" sabi ko sakanila, dito kasi sa cafeteria namin merong mga fast food chains, parang foodcourt lang, pero yung mga tinda talaga dito sa school libre na, "Pizza and Iced Tea will do" sabi ni Akira, sumang-ayon naman sila Zeely at Loraine, ako na rin ang nag bayad kasi kakabigay lang naman saakin ni daddy ng allowance ko

"Here's your order ma'am" sabi nang waitress na may dalang isang family pizza at isang pitcher ng Iced Tea "Thank you" sabi ko naman sakaniya, bago kami nag simulang kumain

"Yah! Akira! Pizza ko 'to. Why eat it?" Iritadong tanong ni Loraine kay Akira, tanging ngiti lang ang naisukli ni Akira bago sinenyas na ubos na raw yung pizza niya, I mentally rolled my eyes at her

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room at buti ay walang pa ang iba naming kaklase kaya nakinig muna ako sa phone ko ng mga music gamit ang headset ko. Si Loraine naman ay abala sa pag ssketch ng kung ano ano, si Akira busy din sa cellphone noya katulad ko, at si Zeely? Ayun tulog. It's not like, hindi kami sanay sa isa't isa, lagi nalang kasing ganito ang nangyayari kapag mag kakasama kaming apat

Ginising ko na si Zeely na nakatulog ng dumating na ang subject teacher namin, and the whole day was just...you know, normal. By normal I mean, yung mga pagpaparinig ni Zakaria, pagbabato ng papel at sabihan ng kung ano ano, muntik na ngang sugurin ni Zeely si Zakaria kung hindi lang namin siya napigilan. Hay buhay!

Emphire University(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon