Chapter 3: Groupmate

6.6K 126 2
                                    


Loraine's Point of View

Andito kami ngayon sa library nag reresearch para dun sa assignment namin sa History class a.k.a the boring class plus terror teacher

"Akira, wala kabang gagawin?" Tanong ko kay Akira na hawak lang ang cellphone niya, nagdala pa siya ng notebook at book kung mag ccellphone lang din naman siya

"Huh? Kokopyahin ko nalang sayo, haha" natatawang sagot niya, kaya sinamaan ko siya ng tingin "Joke!" Sabi niya sabay baba ng cellphone tapos nag start na mag buklat ng libro niya

"Tapos niyo na ba? Tara na sa room, malapit na mag time" rinig kong sabi ni Jean, kaya tumango ako at isinara ang History book na hiniram ko, saka namin isinuli sa librian

"Jean, sasali kaba sa Dancing Club?" Tanong ko, "Kung sasali ka, sige" sagot niya "Sige sali tayo. Mag paregister na tayo mamaya" sabi ko, tumango siya in response

Pag dating namin sa room, as usual, para lang kaming hangin, walang pumansin o bumati, but sanay naman na kami so its okay. Tumahimik ang klase ng dumating ang Music Teacher namin "Goodmorning ma'am" bati naming lahat "Goodmorning class. So today, ig-group ko kayo by twos para sa magiging activity niyo saakin, so let's start" sabi ng teacher namin, then I heard groans from other students but Ms West quickly shut them up

"Ms Zakaria Mendoza and Philip Chan" sabi ni ma'am, mag rereklamo pa sana siya pero sinuway agad siya ni ma'am, paano ba naman, napartner siya sa isang nerd, haha

"Ms Garcia and Mr Lopez" napatigil ako at nawala ang ngisi sa labi kong ng marinig ko kung sino ang pinartner ni ma'am saakin, mag sasalita sana ako pero ipibagpatuloy na ni ma'am ang pagbabanggit ng pangalan, ugh

Jean's Point of View

"Ms Soriano and Mr Dela Peña" natigilan ako sa sinabi ni ma'am, what? Partner ko si Dela Peña? Eh mukha siyang walang alam sa music, gosh, ayoko pa namang bumagsak last year ko na 'to, just ugh

"Ms Sandoval and Mr Williams" I looked at Akira with the same reaction as me, yung wala nalang partner ay si Zeely at Zander so that means sila ang mag partner, sinasadya ba to ng tadhana? Isang malaking gulo nanaman to, siguradong pag iinitan nanaman kami ni Zakaria

"So, that's all. Kayo na ang bahala kung ano ang ippresent niyo next week, kung kakanta ba kayo, sasayaw, etc. Basta may ipperform kayo, may grade, but its still according to my taste. So goodluck" Ms West smiled at us before leaving the classroom, then chaos sorrounded the whole room

"Hoy! Kayo! Plinano niyo ba ito? Bwisit kayo! Ako dapat ang kapartner ng isa sa kanila pero bakit kayo ha!?" Sigaw ni Zakaria, "Hindi namain to plinano. Nakita mo naman na si Ms West yung nag bigay ng groupings diba? O sadyang hindi ka marunong makinig" sagot ko, nakita ko namang nagulat siya at namula ang mukha sa galit "Ang kapal naman ng mukha mong sumagot! Sino kaba ha!?" Tanong niya "Ako si Jean Soriano" nakangising sagot ko "Tabi na nga diyan!" Sigaw niya bago umalis ng room na padabog

I faced the three with shocked faces "What?" Tanong ko, umiling sila

"Jean!" Narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng isang di pamilyar na boses kaya lumingon ako "Lance?" I asked "Mauna na kami, Jean. Baka may pag uusapan din kami ng groupmates namin. See you nalang sa dorm, bye!" Sabi ni Akira kaya tinangoan ko sila

"Hey, can we meet after school tomorrow sa park? Dun nalang natin planuhin kong anong ipperform natin" sabi niya "Around 4pm would be okay" sabi ko, Friday kasi bukas, kaya uuwi kami ng subdivision pagkatapos ng klase, pero baka hindi ako sasabay sakanila since ma kikita daw kami ni Lance for our performance "Okay, see you. Bye!" Sabi niya, bago ngumiti at kinuha ang bag bago umalis ng room

Kinuha ko na din ang bag ko at ang mga libro ko saka dumiretso sa locker at nilagay ang mga extra books ko bago pumunta sa dorm namin

"Oh, Jean, andito kana pala. Naka ready na ba yung damit na iuuwi mo bukas?" Tanong ni Loraine "Oo. Pero baka hindi ako sasabay sainyo nila Zeely, paguusapan daw kasi namin yung magiging performance namin next week" paliwanag ko, "Ah, okay. Sila Zeely nga pala, nasa cafeteria, bumili ng dinner natin sa Greenwhich" dagdag ni Loraine habang patuloy ang paglalagay ng damit sa bag niya "Okay" sabi ko bago dumiretso sa higaan at sa hindi inaasahan ay nakatulog ako

Zeely's Point of View

Kasama kong pumunta dito sa cafeteria si Akira, pero ayun iniwan ako dito sa Greenwhich tapos pumunta sa Starbucks bibili daw ng frappe namin, ugh kahit kelan, spoiled brat talaga

"Zeely!" Nagulat ako sa biglang pagtawag sakin "Ay, kalabaw! Ano ba yan, Zander nanggugulat ka! Paano king ma heart attack ako ha!?" Sigaw ko sakaniya na ikinatawa niya lang "OA mo Zee" what? Zee? "Did you just call me, Zee?" I asked with eyes wide open "Uh-huh. Bakit, bawal?" Tanong niya "Hindi naman, hindi lang ako sanay" sabi ko

"Oh right, about sa Music Class, can you sing?" Tanong niya "Or dance?" Dagdag pa niya "I can sing, but I'm not good at dancing, really" sagot ko, "Wow, parehas pala tayo. So you sing, and I'll play the guitar" sabi niya "Okay, sure. Kelan tayo mag ppractice?" Tanong ko "This Saturday if your not busy, send me your address and I'll pick you up" sagot niya, omg, wtd? Hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya yung actual address ko, its confidential, ah! Alam ko na! "Sure. Sa Grand Canyon Subdivision ako nakatira" sabi ko, actually yan yung second house namin at minsan lang kami tumira or pumunta doon pwede na rin siguro yun "Okay, I'll pick you up at 10" sbi niya bago umalis sakto namang dumating si Akira dala dala ang frappe namin kasabay ng pag dating ng order namin

Habang nag lalakad kami biglang nag salita si Akira, "I saw you with Zander earlier. Anong pinagusapan niyo?" Tanong niya "Ah, yung para sa Music Class natin" sabi ko "Kayo ba ni Michael naka pag usap na?" Tanong ko "Oo, kanina bago uwian. Kakanta kaming pareho" sagot niya tumango nalang ako

Nang makarating kami sa dorm ay agad na kaming kumain si Loraine na yung nag hugas ng mga plato tapos saka kami natulog.

Emphire University(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon