Chapter 49: New Us

1.8K 38 0
                                    


Jean's Point of View

[Emphire University, 3 Years Later]

"Goodmorning, Jean" bati ng isang studyante sakin. Hay, after 3 years, I'm back, no scratch that, we are back. Kagagaling lang namin sa Korea at dun nag aral ng 1st year college hanggang 3rd year, pero umuwi na kami para dito sa Emphire mag graduate

Kung titignan mo ay bagong bago na kami, hindi na kami yung dati, yung laging binubully ng mga studyante at pinag tatawanan. Ngayon hindi na, nererespeto na nila kami, pero hindi naman namin iyon tinitake for granted

"Goodmorning rin" bati ko naman, naramdaman ko namang may umakbay sakin kaya tinignan ko kung sino yon, and its no other than "Loraine" sabi ko, "Yeah. Sup?" Tanong niya "Wala naman. Nakakapanibago lang, ang tagal na din mula nung last tayong pumunta dito. It was our highschool graduation" sabi ko naman, tumango tango lang naman siya

"Babe!" Sigaw ng isang boses kaya pareho kaming napalingon ni Loraine, at napara irap naman si Loraine sa nakita "Lander, I told you to stop calling me 'babe' kasi I'm not a fan of cheesy callsigns" reklamo ni Loraine, nag maktol pa sakaniya si Lander kaya senenyas kong mauuna na ako

Na miss ko din tong school na to, ha. After all that happened, this school was kept alived, na miss ko yung bonding namin dito nila Zeely, Akira at Loraine, those were happy moments "Jeaaaan!" Speaking of, "Zeely!" Sabi ko at sinalubong siya ng yakap, kung maka yakap naman tong si Zeely akala mo isang dekada kaming hindi nag kita eh, halos one week lang naman dahil mas nauna silang umuwi dito sa Pilipinas, kahit ayaw ko ay niyakap ko nalang din si Akira

Pagkatapos nung 'super duper reunion' na yon ay sabay sabay na kaming pumunta sa room namin. Pagdating namin doon ay maingay nanaman sila, first day palang ang iingay na ulit nila, tumigil naman sila sa pag iingay at binati kami saglit bago nag ingay ulit

"Wah! Jean! Welcome back!" Rinig kong bati sakin ni Zander na kasama si Michael, napairap ako, "One week lang na mas naunang umuwi yang mga girlfriend niyo mesa sakin kaya tigilan niyo nga ako!" Reklamo ko pero imbes ay natawa lang sila

Ilang minuto rin ay dumating na si Loraine na hila hila si Lander, at himdi lang basta hila dahil sa tenga pa niya hawak si Lander, haha kawawang Lander

"Babe naman eh, masakit. Let go na" maarteng sabi ni Lander kaya binitawan naman siya ni Loraine at umupo sa upuan niya pero dahil nga makulit si Lander syempre sinundan niya ito at patuloy na kinulit

Biglang bumukas ulit yung pinto kaya napatingin naman kami doon, oh, si Lucas at Zakaria. Yup, sila na. Actually, last year lang, kinuwento saamin ni Lucas kung paano siya na inlove kay Zakaria, ang sabi niya ay matagal na siyang may gusto kay Zakaria pero dahil nga bully siya noon saamin ay himdi niya muna pinansin ang nararamdaman niya hanggang sa naging makulit daw sakaniya si Zakaria tapos hindi inaasahan ay napaamin siya sa narafamdaman niya ng wala sa oras kaya ayon, may forever na sila, tawag pa niya kay Zakaria 'Babe ko', pero ayaw kasi yon ni Zakaria kaya laging kurot ang abot niya sakaniya

"Hey!" Bati ni Lucas, nginitian ko lang siya at si Zakaria, friends na rin kami actually, nag sorry na siya saamin at sino ba naman kami para hindi siya patawarin diba?

"Ganyan kana!? Naku, nakakalimutan mo yatang bestfriend mo ako!" Sabi ni Lucas kaya isang batok ang inabot niya mula sakin "Ang arte mo! Dun ka na nga sa upuan mo!" Sabi ko at timaboy siya palayo, nag pout naman siya kaya natawa ako

Ilang minuto pa at nag bell na at sakto ding dumating ang teacher namin "Goodmorning, students. I'm Ms Reyes, your homeroom teacher" sabi niya, "Goodmorning Ms Reyes!" Bati naman naming lahat, ngumiti pa siya saamin bago nag simulang mag turo, hindi naman masyadong marami ang timuro niya dahil first day palang naman

Isang oras bago nag ring ulit ang bell which means second subject na, which is Math! Nung asa Korea ako, I just don't know but I learned how to love Math haha, siguro dahil sobrang bait ng subject teacher namin na si Ms Kim, sana mabait din ang magiging Math Teacher namin dito

"Hi everyone. I'm Ms Andrea Locsin, your Math teacher" sbi ni Ms Locsin, mukha naman soyang mabait, kaya sana nga mabait talaga, gaya ni Ms Reyes ay kaunti lang din muna ang tinuro niya kaya maaga kaming nag break

"Anong gusto niyo?" Tanong ko, "Kahit ano" sabi naman ni Zeely kaya tumango nalang ako, "Wait, Jean, samahan na kita" sabi ni Loraine kaya tumango ako ulit

"Dalawang family sized pizza at bottomless iced tea" sabi ko sa cashier ng Pizza Hut "Okay ma'am. Any additional?" Tanong ng cashier "Wala na" sabi ko at binagay ang credit card, agad niya din naman itong binalik, tapos binigyan kami ng number at iseserve nalang daw saamin yung order namin

Pagkaupo namin ni Loraine ay agad naman soyang tumabi kay Lander. Halos lahat sila ay may partner maliban sakin, si Zesly at Zander, Akira at Michael, Loraine at Lander, tapos Lucas at Zakaria. Tapos ako? Loner. Bigla nalang akong napatayo at umalis narimig ko pang tinawag nila ako pero hindi na akong lumingon

Napatigil nalang ako sa pagtakbo ng makita ko kung saan ako dinala ng mga paa ko, sa park ng school, umupo ako sa isang swing at huminga ng malalim

I still can't be okay after all. Oo, naka move on na ako sakaniya, pero seeing my friends happy samantalang ako loner pa din, nakakainggit lang

"Found you" sabi ng isang boses, pero alam ko kung kanino galing yon "Dark" sabi ko, "Okay ka lang? Tinawagan ako ni Zeely kanina after you ran away" sabi niya, dito na din siya nag ttrabaho sinasamahan niya ang dad nila ni Zeely kasi balang araw daw baka sila naman nila Jam ang mag mamanage ng school, siguro si Dark pwede pa, pero kung si Jam ay baka hindi, ayaw niya kasi sa mga ganito mas gusto niya ang maging architech

"I'm okay" sagot ko naman, umupo din siya sa katabing swing at nag swing ng parang bata "Dark, please stop. Para ka namang bata" sabi ko na natatawa "There. Tumawa kana din. Dapat lagi kang nakangiti. Bawal ka maging malungkot okay?" Sabi niya at tumigil sa pag swing, tumango nalang ako in response

"Let's go. Ihahatid na kita sa room niyo bago mag bell" sabi ni Dark at hinila ang kamay ko. "Thank you sa paghatid. Bye!" Sabi ko, "Bye" sabi noya din lero bago siya makaalis ay niyakap ko pa siya at gamun din naman ang ginawa niya "Thank you ulit" sabi ko at ngumiti bago pumasok sa classroom

My whole day went well after all, tinanong nila kung bakit ako umalis at sinabi ko nalang na may call of nature ako, nakakahiya pero okay lang kasi hindi ko naman pwedeng sabihin na naiinggit ako sa mga lovelife nila no

Pagkatapos ng last subject ng hapon ay umuwi na kami sa bahay. Hindi na kami nag dodorm gayon at hapon hapon na kaming umuuwi, hindi na rin kami sinusundo dahil ginagamit na namin yung mga sasakyan namin na binigay ng parents namin na dati ay naka parada lang

Emphire University(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon