Jean's Point of ViewFinally! After few hours of crappy flight we finally arrived. Nag inat ako agad ng katawan pagkatayong pagkatayo ko sa upuan, at agad na kinuha ang jacket ko na sobrang kapal at sinuot yon. Alam ko kasing malamig dito ngayon sa States lalo na December
Paglabas namin ng eroplano ay ang malamig na simoy ng hangin agad ang sumalubong saakin at napapikit ako para namnamin yon, hay, I'm back here again
"Jean, sila Nana!" Sabi ni Zeely at tinuro kung nasaan sila Grammy, well tawag ni Zeely sa lola niya ay Nana ako naman kay lola ko ay Grammy. Kami nalang kasi ang may grandparents saaming apat, ang lola at lolo kasi nila Akira at Loraine ay sumakabilang buhay na
"Grammy!" Nakisigaw nadin ako at tumakbo sakanila at niyakap, naka wheel chair na din sila ngayon dahil siguro hindi na kayang maglakad pero last year ay okay pa naman
"Mommy!" Sabi ko at yumakap kay mommy na nag tutulak ng wheelchair ni Grammy, si Grammy ay Lola ko sa motherside ang lola ko kasi sa fatherside ay sumakabilang buhay na din at himdi ko manlang siya nakilala
"Grammy! Miss na miss po kita!" Sabi ko at niyakap ulit siya "Hi Nana!" Sabi ko naman sa lola ni Zeely sabi kasi niya Nana nalang din daw ang itawag namin
"Tara na" sabi ni Tito Leandro kaya umalis na kami sa airport at umuwi sa bahay nila Grammy, magkasama ngayon sa bahay sina Grammy at Nana kasama ang iba naming mga pinsan at tita/tito
"Jean, I have a gift for you" sabi ni Grammy "Ano po yon?" Tanong ko "You'll see when we get there" sabi niya kaya ngumiti nalang ako at sumandal sa balikat niya habang nag iingay pa din sila Zeely kasama si Nana
Actually mas matanda si Grammy kay Nana ng 2 years, pero nagkasakit noon si Grammy kaya himdi siya nakapagaral at naging kaklase niya si Nana at ang mga lola nila Akira kaya naging mag bbestfriend sila, kaya nga I think baka pati mga ninuno namin ay mag kakaibigan din
Ilang minuto din kaming bumyahe dahil medyo malayo ang resthouse nila Grammy sa airport. Hindi yon ang bahay na tinitirhan nila pero sadyang madami kami tuwing Christmas at New Year kaya hindi kami kasya lahat doon sa bahay nila
"We're here" sabi ni Daddy at pinagbuksan kami ng pintuan ng sasakyan at inalalayan si Grammy na makababa at sinakay sa wheelchair
"Grammyyyy! Ano po yung gift niyo?" Pag mamaktol ko, ilang oras na kasi kaming andito sa bahay pero hindi pa din niya sinasabi o binibigay yung regalo niya sakin "Jean, wait a bit longer okay?" Sabi ni Grammy, hindi talaga masyadong nag tatagaloh si Grammy pero nakakaintindi naman ng Tagalog "Okay. Then I'll be in our room" sabi ko at himalikan siya sa pisngi
Pagbukas ko naman ng pinto ay nakita ko sila Akira na seating pretty sa higaan niya, iisang kwarto lang ang tutulugan naming apat at may tigiisa kaming kama
"Oh ano? Nakuha mo na ba yung regalo mo?" Tanong ni Loraine "Hindi pa nga eh. Sabi ni Grammy sandali lang daw" sabi ko at humiga sa kama "Sabi naman sayo eh" sabi pa ni Loraine and the next thing I knew I doze off
Loraine's Point of View
Wala pa yatang isang minuto ng mahiga si Jean sa kama ay nakatulog na siya agad, such a sleepyhead
Si Akira naman ay busy'ng busy sa phone niya habang naka headset, habang si Zeely naman ay nakahiga at nagbabasa ng libro pero di kalaunay bumagsak din sa mukha niya yung hawak niyang libro at sinisiguro kong nakatulog na siya
At dahil wala naman akong magawa at himdi rin ako inaantok lumabas muna ako ng kwarto at nag hanap ng mapagtatambayan
Kamusta na kaya sila Lander? Yon ang nasa isip ko, iniisip ko kung iniisip rin ba niya ako o hindi? Ewan ko nga kung bakit ba sila ang nasa isip ko eh
Tutal nasa sala lang naman ako at nanomood ng TV narinig kong may sasakyang tumigil sa harap ng bahay nila Grammy kaya sumilip ako sa bintana para tignan kung sino yon
OMG! WHAT. THE... BAKIT SIYA ANDITO!?
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
Teen FictionJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...