Jean's Point of ViewMonday na ngayon at back to normal na ang lahat. May klase na kami ulit, alam na din nila tito Leandro(Zeely's dad) at tita Margarette(Zeely's mom) na andito na si Dark
Sinabi niya na rin saamin na nung nasa States pa siya nag eneoll na agad siya dito sa school para kapag uwi niya ay makakapag aral na siya agad
"Tara na, bilisan niyo!" Pagmamadali ni Dark, it's only six-thirty in the morning at eight pa mag sstart ang klase, sadyang excited lang talaga ang lalakeng to
"Andyan na!" Sigaw ni Zeely sa kuya niya at saka ibinalik sa ref yung gatas at sa kabilang kamay niya naman ay may hawak siyang isang baso at may laman yong gatas saka mabilis yong inubos
Sumakay na kami sa Hi-ace na van namin na sa isang subd naka park pero yon yung ginagamit namin tuwing papasok kami
"Tara na po, manong Lawrence" sabi ni Dark at pumasok sa passengers seat, tinitigan lang namin siya "What?" Lito niyang tanong "Dark, hindi ka sasabay saamin. You know our secret. At kapag sumabay ka saamin siguradong kakalat iyon sa school at baka malaman nila yung tinatago naming sekreto" sagot ko, may iniabot naman sakaniya si Zeely na susi "Here, kuya. Use my car" sabi ni Zeely, walang nagawa si Dark kundi lumabas ng van at bumalik ulit sa garage para kunin yung sasakyan ni Zeely. Nauna na kaming umalis tutal alam naman ni Dark kung saan yung school
Pagdating namin sa school, halos bulungan lang yung naririnig namin
'Uy! Andito na daw yung Dark na anak ni sir Leandro'
'Hala! Si Dark dito na mag aaral? Crush na crush ko pa naman siya! At sobra akong nagagandahan sa kapatid niyang si Pracey'
'Oo nga, sana ma meet din natin siya'
Yan kang ang mga ilan sa bulong na naririnig namin, medyo natawa nalang kami dahil yung mga pinag sasasabi nila at yung tinutukoy nilang kapatid ni Dark ay nasa harapan lang nila at binubully pa nila
Narinig nalang namin yung sigawan nila which only means andiyan na si Dark, hindi na namin yon pinansin at dumeretso nalang sa room. At pagkadating na pagkadating palang namin ay niyakap na agad ni Michael si Akira na akala mo ay wala ng bukas buti nalang at wala pang ibang studyante maliban saamin
Nagtama naman ang tingin namin ni Lance lero agad akong umiwas, at ito namang abnormal na puso na ito bumibilis nanaman ang tibok. Awkward.
Naupo nalang ako sa upuan ko, habang si Lance ay nasa likod ko naman. Kinuha ko nalang ang headset at cellphone ko saka nakinig sa music ng maramdaman kong may humila nung nasa right ear ko at sinuot iyon. Si Lance.
"A-akin na nga yan!" Nauutal kong sabi, hindi naman napansin ng iba kasi busy din sila sa sarili nilang buhay "Sing for You?" Tanong niya "Alam mo?" Imbis na sagot ay tinanong ko siya pabalik, nakikinig kasi ako sa Sing for You ng EXO instrumental version "Oo. I-searched some of their songs tapos nakita ko to" paliwanag niya, hindi ko nalang siya pinakialaman
Nagulat kami ng marahas na bumukas yung pinto ng room at nakita namin si Daek na hinihingal at nag hahabol ng hininga "Kuya?" Tanong ni Zeely, sobrang pawis na pawis si Dark at alam ko na kung bakit. Malamang ay pinagka guluhan siya ng ibang studyante "Jean, samahan mo ako" nagulat ako ng tawagin niya ako "Ako? Bakit ako?" Tanong ko naman, imbis na sumagot ay lumapit siya saakin at kinuha ang water bottle ko saka inunom lahat iyon
"Itour mo naman ako" pagpapacute nito, "Ayoko. Si Lucas nalang. Baka kasi may makakita saatin" sabi ko sabay turo kay Lucas na ngayon ay tulala lang sa kamay kong nakaturo sakaniya
Busy kaming nag uusap ni Dark at kinukumbense ko siyang si Lucas nalang ang sasama sakaniya ng biglang magdabog si Lance at lumabas ng room, ano kayang problema non?
"Fine, tara na nga Lucas" sabi ni Dark. Sa wakas, sumuko rin ang Dark the great na yon
Ng umalis na sila ay, hindi pa din bumabalik si Lance at binabagabag ako non kaya lumabas din ako ng room at sinubukang hanapin siya. Pumunta ako sa canteen lero wala siya doon. Kahit sa garden ay wala siya. Hindi naman siya pwede sa rooftop. Napagpasyahan kong pumunta sa pool area, kahit pa nag bell na ay hindi na ako pumasok. At sa wakas, nahanap ko rin siya
Nakalublob ang mga paa niya sa pool habang bahagyang nakataas naman ang slacks niya,"Lance.." mahina kong tawag sakaniya pero ayos na iyon para marinig niya "Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong, "I was worried, bigla ka kasing umalis tapos hindi ka pa bumabalik" sabi ko, pagkatapos nun ay katahimikan ang bumalot saamin
"Bakit ka ba umalis?" Pangbabasag ko ng katahimikan, humarap muma siya saakin at kita sa mata niya ang galit. Nakakatakot na makita ang side niyang ito
"Hindi mo talaga alam?" Alam kong nag titimpi pa siya sa lagay na yon habang tinatanong ako, umiling iling ako
"I was fcking jealous, Jean! Nag seselos ako! I'm jealous!" Sigaw niya na nag echo sa buong pool area at halos ikagulat ko na, ano daw? Nag seselos siya? Bakit?
Magtatanong pa sana ako ng bigla niyang inalis ang paa sa tubig at iniwan ako. Hindi ko siya maintindihan
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
Novela JuvenilJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...