Jean's Point of ViewSyempre walang pasok, paggising ko ay ten na ng umaga. Sanay na ako dahil ganito naman ang routine ko kapag walang pasok
Nag hilamos na ako sa cr at nag palit ng damit. Paglabas ko ng kwarto ay wala pang nasa labas, I assume na tulog pa ang mga yon
Kaya lumabas nalang ako mag isa at pumunta sa malapit na starbucks. Pagkapasok at pagkapasok ko palang ay nakita ko agad ang mukha ni Lance, lalapit sana ako pero hindi ko na ito tinuloy ng makitang may kasama siyang iba. Babae.
Halatang hindi naman niya ako napansin dahil sa pakikipagusap niya sa babae kaya umorder nalang ako ng para saakin
"One capuccino and a slice of cake please" sabi ko at iniabot ang credit card ko "Okay ma'am coming up. Upo muna po kayo" sabi ng babaeng waitress na nag ngangalang Claire base sa nametag niya
Humanap ako ng bakanteng upuan at kung sinuswerte nga naman, kitang kita ko rito sila Lance at yung babae na masayang nag kukwentuhan. Nag iwas nalang ako ng tingin at kinuha ang phone ko
Scroll dito. Scroll doon. Yon lang ang ginagawa ko sa facebook dahil wala naman akong maka usap. Napatingin ako sa pwesto ni Lance at himdi pa din tumitigil ang pag uusap nila na may kasama pang hampasan kapag tumatawa, napairap ako
Ano ba tong nararamdaman ko? Nag seselos ba ako? Ewan. Ang gulo ko
Never in my lifetime akong nakaramdam ng ganito. Selos. Oo nag seselos na ako. Maliban nalang nung nasa elementary kami at may nag bigay ng chocolate kay Dark, nagalit ako sakaniya non dahil tinanggap niya yumg chocolate pero nawala din naman ng ibigay niya sakin yon
Hindi ako nakapagtimpi at tenext ko si Lance
To Lance
Ang sweet niyo naman. Nakakalanggam. Dati si Ana ngayon yang babae na yan naman? Wow
Senend niya ito at sakto namang dumating ang order niya, bago umalis ang babae ay nag salita pa ako "Ms, paorder pa ako ulit ng isang frappe, isang milk chocolate at isang iced coffee" sabi ko, muli kong iniabot ang credit card ko, binili ko iyon para kila Akira dahil alam kong gusto nila yon
Tahimik siyang kumakain hanggang sa nag buzz ang phone niya at nag pop ang name ni Lance agad niya itong kinuha at nereplyan
From Lance
Nasan ka? Tell me!
To Lance
Wala
Hindi na nag reply si Lance, at kung nag reply man siya ay hjndi ko alam dahil nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko pagdating ng inuming inorder ko para kila Akira at saka lumabas ng starbucks
"JEAN!" narinig niya ang sigaw niya, agad naman siyang lumingon at nag tama ang tingin nila ni Lance
"Bakit? Tapos kana ba makipag usap dun sa babae?" Tanong ko "Galit ka ba?" Tanong niya, ako galit? Ewan. Yon ang sagot ko "Hindi. Mauna na ako, baka hinahanap na kasi nila ako" palusot ko at tumalikod pero hinila ni Lance ang kamay ko at iniharap ulit sakaniya saka niyakap
"Lance...ano bang ginagawa mo?" Nalilitong tanong ko "I'm so happy. Very happy" sagot ni Lance, ano bang sinasabi ng lalakeng to? Hay ewan.
Tinulak ko siya habang hawak ko padin sa kamay ko ang mga binili ko, buti nalang hindi ito natapon ng hilain ako ni Lance. Tumalikod na ako sakaniya at nag simulang mag lakad pabalik sa bahay
Ano ba tong nararamdaman ko? Nababaliw na yata ako. Mali to, maling-mali
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
Novela JuvenilJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...