Zeely's Point of ViewSobrang bilis ng oras at hindi namin namalayang 1 month na pala kami dito sa school, hay, time flies, really. Pero hindi din naman yun ganun kadali, with Zakaria? I don't think so
Kakatapos lang ng Music Class namin kaya dumiretso na kami sa cafeteria para mag lunch "Zeely?" Rinig kong sabi ni Akira na biglang sumulpot sa tabi ko "Bakit? Mag papalibre ka nanaman ba?" Tanong ko "Oo haha, libre mo na ako Zeely. Please?" Sabi niya tapos nag pa cute pa, eh mukha naman siyang ewan "Kami din Zeely!" Pagmamaktol nila Loraine at Jean "Fine. It's my treat today!" Sabi ko nalang tutal wala naman na akong choice, kaya pumila na ako sa Jollibee, haha
Habang kumakain kami ay biglang tumigil si Zakaria a.k.a queen bitch sa table namin kaya napatigil kami sa pagkain "Ano to? Jollibee? Ninakaw niyo ba ito?" Natatawang kumento niya "Hindi, hindi kasi kami mag nanakaw" nginitian ko siya, yung nakakalokong ngiti "Eh paano niyo to mabibili? Baka nga yung free food lang ng school yung kinakain niyo eh" dagdag pa niya, kumulo yung dugo ko, ano bang akala niya? Mahirap lang kami? Excuse me, pero baka mas mayaman pa kami sakaniya, nagulat nalang ako ng bigla niyang kunin yung iced tea ni Jean bago ibinuhos iyon sa ulo niya, tumawa siya ng malakas na parang witch bago umalis
"Jean, okay ka lang?" Tanony ko, tumango siya at ngumiti, yung sad na ngiti "Mag papalit lang ako" sabi niya bago umalis, nakita ko naman na halos lahat ng studyante ay nakatingin sa table namin, hindi na namin sila pinansin sa halip ay sinundan nalang namin si Jean
Akira's Point of View
Bwisit talaga yung babaeng yun! Mag hintay siya! Babawian ko talaga yun sa ginawa niya kay Jean, hmp. Kahit kelan talaga insecure yang babaeng yan, punyeta!
"Jean?" Narinig ko ang maamobg boses ni Loraine ng marating namin ang girls bathroom "Jean, nasan ka?" Tanong naman ni Zeely "Andito ako" narinig namin ang boses ni Jean bago siya lumabas mula sa isang cubicle habang suot ang PE uniform namin, nilagay niya naman yung isang uniform niya sa bathroom locker namin
"Okay ka lang?" Tanong ko "Oo naman. Ano ba kayo, hindi pa kayo nasanay kay Zakaria" sabi niya at tumawa, pero alam ko na may halong sakit ang tawa niya kaya niyakap namin siya "I sure am, okay, guys" sabi pa niya, kaya kumalas kami sa pag kakayakap sakaniya at tinignan siya "What? C'mon let's go to class" pagaaya niya, kaya sumunod nalang kami
Loraine's Point of View
After ng last period namin ng hapon ay sabay sabay na din kaming umuwi sa dorm namin, Wednesday palang kasi ngayon at tuwing Sabado at Linggo lang kami umuuwi sa subdivision namin kasi medyo malayo dito sa school
Malaki naman itong dorm na ito, may apat na king sized bed, may isang maliit na kusina, one bathroom, at isang flat screen TV, this was bought by our parents since 1st year high school kami, at isa rin ito sa kinaiinisan saamin ni Zakaria, limited lang kasi ang ganitong dorm lima lang, at occupied na lahat, kaya naman sa isang normal na dorm lang nakatira ngayon si Zakaria
"Loraine" narinig ko ang boses ni Jean "Oh?" Tanong ko "Pupunta lang ako sa rooftop, babalik din ako agad" sabi niya "Samahan na kita" sabi ko, tumango lang siya, hindi na kami nag paalam sa dalawa kasi I'm sure busy lang din ang mga yun sa mga buhay nila
Jean's Point of View
"What do you think of why Zakaria hates us?" Tanong ko kay Loraine ng makarating kami dito, pinaghirapan din namin makapunta dito para walang makakita saamin, exclusive kasi ito for headmistress and headmisters lang or di kaya sa mga anak nila, which is us, pero walang nakakaalam
"I don't know. I have know idea why" sagot niya, kung ako ang tatanungin, hindi ko rin talaga alam, kasi wala naman akong nakikitang problema sa aming apat, siya yata yung may problema eh
"Don't think about it much, Jean. Si Zakaria ang may problema hindi tayo" sabi niya at nginitian ako, then I felt at ease. Whenever I have problems Loraine is always there not only for me, but for all of us, she is like the oldest among us, parang siya yung ate kung magiging mag kakapatid kami
"Tara na sa dorm. Baka hinahanap na nila tayo" sabi niya, ngumiti ako at tumango, bago kami lumabas ng rooftop at nag ala ninja sa may hagdan wala lang makakita na galing kami sa rooftop, disadvantages of being the headmistress and headmisters daughter. Hay, I think I need a rest, I really had a such a long day!
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
Ficção AdolescenteJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...