Chapter 14: Amusement Park

2.4K 63 0
                                    


Akira's Point of View

Wow. So dito pala kami pupunta? Sa isang amusement park!? Omg! Kahit pa hindi na ako maka pasok sa iba kong class basta dito ako buong mag hapon okay lang, ngayon lang naman eh

"Do you like it here, Akira?" Tanong niya, "Uh...no" I said, he looked disappointed "I love it here!" I exclaimed, tapps hinila ko siya papunta sa ticket booth

"Sakay tayo dun, Michael!" Sigaw ko, sabay turo sa roller coaster "Uh, kasi.,." Hindi pa niya naitutuloy yung sinasabi niya hinila ko na siya agad tapos pumila na kami

Hinawakan ko ang kamay ni Michael nung kami na yung susunod  na sasakay "Okay ka lang ba, Michael?" Tanong ko, naramdaman ko kasing nanginginig yung kamay niya "Oo." Sagot niya "Okay lang kung wag na tayong tumuloy..." he stopped me "Okay lang. Tara na sakay na tayo"

Sigaw lang ng sigaw si Michael the whole ride, and as for me, I was enjoying it of course. Pagkatapos nun ay sumakay pa kami sa iba't ibang rides pero hindi na yung nakakatakot cause I was thinking about Michael

"Yah!" Sigaw ko, binunggo niya kasi yung sinasakyan kong bump car, tumawa lang siya kaya hinabol ko siya pero opposite lang ang nangyari, may naka bunggo saking lalake, tapos hindi manlang nag sorry, sobrang lakas yata ng pagkabunggo niya na sumakit pa yung ulo ko

"Akira, okay ka lang?" Narinig kong sabi ni Michael, hindi ako sumagot "Tara na" sabi niya at inakay ako palabas ng bump car, umupo ako sa malapit na bench habang si Michael ay bumili ng makakain namin

"Thanks" sabi ko, pagka tapos niyang iabot sakin yung tubig at siopao "Welcome. Okay ka na ba?" Tanong niya, tumango ako, medyo nawala na din naman yung sakit ng ulo ko, kaya I know I feel better "Bakit mo nga pala ako dinala dito?" Tanong ko, hindi naman siya sumagot at kumain lang kaya medyo nahiya ako

Pagkatapos naming kumain ay hindi agad kami sumakay ng rides, pumunta lang kami dun sa may mga teddy bears. Ang challenge ay kailangan mong mapatayo yung bote gamit yung parang fish hook pero bilog tapos kapag nagawa mo may makukuha kang teddy bear. Then with two tries Michael won me a teddy bear!

"Wow! He's so cuteeee! Thank you Michael!" Sabi ko, tapos niyakap yung bear "Welcome" sabi niya at ngumiti. Halos pa sun set na tapos nag yaya si Michael na sumakay sa Ferris Wheel at first inconvinced ako kasi may fear of heights siya lero sabi niya okay lang daw at may kailangan daw siyang sabihin sakin

Parehas kaming nag hintay sa mahabang pila, at halos lahat ay...couples, kaya medyo awkward para saamin ni Michael, o baka naman ako lang talaga yung awkward? Nagulat ako ng hawakan ni Michael ang kamay ko "Tatayo ko kang ba diyan, Akira?" Tanong niya, napagtanto ko na turn na pala naming sumakay kaya hindi na ako nag salita at sumakay nalang

Ang ganda ng view sa taas. Kahit walang nag sasalita ay hindi mo masasabing awkward, pero kasi...hindi pa binibitawan ni Michael yung kamay ko, kaya...

"Ano ba yung sasqbihin mo?" Tanong ko, tumingin naman siya sakin "Ah kasi... Akira, ano..." naguguluhang sabi niya, tinignan ko naman siya, yung tingin na nag tataka kung ano ba yung sasabihin niya "Akira, I like you"

Hanggang maka uwi kami ay hindi ako nag salita, yung katahimikan naming dalawa ngayon ay awkward na. Pero na gu-guilty ako kung bakit hindi man lang ako nag salita kanina, feeling ko nasaktan ko yung feelings niya. Ang tanga mo kasi Akira eh!

"S-salamat sa paghatid sakin" sabi ko, tumangotango lang siya bago umalis, hays, ayan galit yata siya sakin. Pumasok na ako sa loob ng dorm, actually kahit awkward kami sa sasakyan kanina ay hinatid pa rin niya ako dito sa dorm kaya parang mas lalong naging awkward. Tinignan ko siya habang nag lalakad palayo, palayo ng palayo. Pero wala akong ginawa


Emphire University(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon