Loraine's Point of ViewOne week na ang nakalipas mula nung nag start ang klase pero usap-usapan ay may bago daw kaming classmate na late enrollee, "Denise, kilala mo ba yung bago nating kaklase, I heard nag aral na daw yun dati dito!" Rinig kong usapan ni Mia at Denise, my curiosity risen "Mia, wait!" Tawag ko, "Oh, Loraine, ano yon?" Tanong niya, "Sino yung bago nating kaklase?" Tanong ko, pero ang sagot niya ay sobra kong kinagulat
Coinsidence lang naman siguro 'to, right?
Matamlay akong naupo sa upuan ko, at sakto namang dumating si Jean kasama si Zeely, muli ko tuloy naalala yung sagot ni Mia
"Ah, hindi ko sure pero La-Lash, no, Lot, hindi. Lance! Oo, si Lance Dela Peña daw, hindi ba nag aral na siya dito dati?" Sagot ni Mia, "Huh? Ah oo. Kaklase namin siya dati. Sige salamat" sagot ko bago ako nag tungo sa upuan ko
"Eart to Loraine!" Sabi ni Zeely na winawagayway ang kamay sa harap ko, "Huh? Sorry. Ano yon?" Tanong ko sakanila "Okay ka lang? Ang tamlay mo kasi" tanong ni Jean, "O-okay lang ako" sabi ko at nag iwas ng tingin, umalis naman na din sila at umupo sa upuan nila, sakto namang nag ring na ang bell which means first subject na. Oh God!
Jean's Point of View
Nag ring na ang bell at ilang minuto pa ay pumasok na si Ms Reyes at sinabing may bago kaming kaklase, "Please come in" sabi ni Ms Reyes, pumasok naman ang bago naming kaklase at pag angat ng ulo niya ay kinagulantang ng mundo ko
"Hi. I'm Lance Dela Peña" maikling sabi niya, "Well, then go sit beside Ms Collins" ilang minuto pa bago nag sink in na sa tabi ko pala siya mauupo, oo nga pala, gamit ko na ang real surname ko
"Hi, Jean" bati niya pero matamlay na ngiti lang ang naisukli ko. Buong first at second subject ay hindi ako maka focus dahil sa kabang nararamdaman ko
Nag ring na ang bell at sabay sabay kaming lumabas para mag break, sa iisang table lang din ulit kami, lahat nanaman sila ay may partner maliban sakin at kay Michael, wala kasi si Akira, absent
"Jean, okay ka lang ba?" Tanong ni Loraine, "Oo naman. Ayos na ayos" pabulong kong sagot, "Sorry Jean. Hindi ko rin kasi alam na babalik pala siya dito" sabi ni Michael, "Okay lang, wala naman saatin ang nakakaalam" sabi ko at sumubo ng spaghetti
Bigla namang nahagip ng paningin ko ang kinaroroonan ni Lance, he's alone. And he's looking at me intently kaya agad akong napa iwas ng tingin at sa sobrang gulat at natabig ko yung juice ko at nabuhos yon sakin
"Jean, ayos ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong ni Zeely "Oo, mag papalit lang ako. Bye" sabi ko at agad na tumayo at tumakbo papunta sa locker ko
Loraine's Point of View
She is my friend, Jean is. At ngayon ay alam kong hindi siya okay, lalo na't bumalik na si Lance, naka move on na siya alam ko, pero she's still not okay at alam kong kailangan niya kami
"Sandali, susundan ko lang si Jean" sabi ko at aalis na sana pero pinigilan ako ni Lander "Bakit?" Tanong ko, ngumuso naman siya sa isang direksyon kaya sinundn ko iyon ng tingin at nakitang tumakbo palabas ng cafeteria si Lance
"But--" hindi na ako pinatapos na magsalita ni Lander "Hayaan mo muna silang mag usap, Loraine" seryoso niyang sabi na ikinagulat ko, ngayon ko lang siya nakitang seryoso, maybe he's right kaya naupo nalang ako ulit at napahinga ng malalim
Jean's Point of View
Pagkatapos kong mag palit ay lumabas na ako ng girls cr pero laking gulat ko ng makita ko si Lance sa labas
Ayokong makita niya ako kaya dahan dahan akong lumabas, "Jean" sabi niya na ikinagulat ko, "Haha, hi" awkward kong sabi "Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya, "Please" dagdag pa niya "Sure. Ilalagay ko lang tong damit ko sa locker" sabi ko, "Hihintayin kita sa park" sabi niya kaya tumango nalang ako
Nang mailagay ko na sa locker yung damit ko ay nagulat nalang ako ng biglang umulan ng malakas, kaya naisipan kong wag ng pumunta sa park, siguro naman ay umalis na doon si Lance
Nag simula na ang third period pero wala pa din si Lance at binabagabag ako ng isipan ko kung nasaan ba siya, "Sir Gonzaga, may I go out?" Tanong ko sa subject teacher namin, "Sure, please hurry" agad akong tumakbo palabas at dumaan sa locker para kumuha ng payong
Pumunta ako sa park at nagulat ako ng makita doon si Lance na basang basa na dahil sa ulan, "Lance! Ano ba umuulan na hindi ka pa pumasok!" Sigaw ko at pinayungan siya "Hindi ba sinabi ko naman sayo hihintayin kita? Ayaw kong umalis dahil baka pumunta ka rito. Tama nga ako, andito kana" matamlay siyang napangiti
"Lance naman, mag kakasakit ka sa ginagawa mo! Tara na sa loob para maka pag palit kana at maka punta sa infirmary" sabi ko at hinila siya pero sa halip ay ako ang nahila niya at nabitawan ko ang payong na hawak ko
"Lance, pareho na tayong basa" sabi ko, pero hindi siya umimik at tinitigan lang ako, "Lance tara na" sabi ko pero hinila niya ako tapos biglang niyakap "Lance..." mahina kong sabi "Please, ngayon lang. Please, Jean" sabi niya kaya hinayaan ko nalang siyang yakapin ako
Ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa pakawalan na niya ako at sabay kaming pumasok sa campus, pumunta ako sa locker ko para kunin yung mga extra tshirts ko at pumunta sa shower room at pagkatapos ay bumalik na ako sa room
Nang makaupo na ako sa upuan ay napansin kong wala si Lance sa upuan niya pero hindi ko nalang pinagtuunan ng sobrang atensyon dhil sa sobrang sakit na din ng ulo ko at ilang saglit lang ay bigla akong nawalan ng malay
Pagkagising ko ay nasa infirmary na ako at nakahiga sa isang patient bed at sa kabila naman ay si Lance, may sakit din ba siya?
"Jean! Gising kana! God, pinag alala mo ako!" Sabi ni Dark at niyakap ako, napansin ko namang nagising si Lance dahil doon "Dito ka lang. Bibili lang ako ng makakain mo sa cafeteria" sabi niya kaya tumango ako
Lumingon naman ako sa hinihigaan ni Lance at nahuli ko siyang nakatingin saakin, at bigla nalang siyang ngumiti bago nag salita "I missed you, Jean"
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
Novela JuvenilJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...