Jean's Point of ViewNaiinis ako, sobra! Bakit ba hindi nila kayang mag bati, akala ko ba best of best kami? Na sobrang friendship goals kami? Na hindi kami mapapaghiwalay? Anong nangyayari? Ewan
Hindi ko namalayan na dito pala ako sa park ng school dinala ng paa ko kaya naupo ako sa isa sa mga bench, wala namang masyadong tao kaya medyo ayos iyon
Tahimik akong nag mumuni muni sa park ng biglang may naupo sa harap ko, si Lance
"Oh? Bakit ka andito?" Tanong ko, at tumingin sa ibang dereksyon "Bakit? Bawal?" Sabi niya, hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang
"I heard nag away daw kayong apat?" Tanong niya, tinignan ko siya sa mata "Sa tingin mo ba andito ako ngayon kung hindi?" Sarkastiko kong sagot at umirap
"Okay ka lang ba?" Tanong niya, ako? Okay lang? Hindi. Since birth yata ay hindi pa kami nag aaway ng ganito maliban nalang nung mga bata pa kami na nag aaway para sa isang pirasong chocolate
"Okay lang ako, Lance" nanginginig ang boses kong sagot, naramdaman ko rin ang mga namumuong luha sa gilid ng mata ko kaya yumuko ako, nagulat ako ng bigla siyang tumabi saakin at tinapik ang likod ko
"Iiyak mo lang yan kung hindi ka okay, Jean. Andito lang ako" sabi niya, as if on cue isa isang bumagsak ang luha ko, hindi ko matanggap na mag aaway kami dahil lang sa maliit na bagay, hindi ko lang maintindihan
Naramdaman kong isinandal ni Lance ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy pa din ang pag iyak ko. Madaming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip ko, paano ba nangyari ang lahat ng ito? Mag kakaayos pa ba kami? Bakit saamin nangyayari ang lahat ng ito?
Kalaunan ay nawala rin ang lahat ng iyon sa utak ko, at tumila na ang pag iyak ko, kaya pinunasan ko na ang mga natuyong luha sa pisngi ko, at inalis ang ulo ko sa balikat ni Lance
"You know, Jean. Kaya kayo nag kakagulo is hindi kayo nag kakaintindihan at hindi niyo pinipiling intindihin ang isa't isa. Try to understand each others side, Jean, para malinawan kayo" sabi niya, I was stunned for a moment, hindi ko alam na may ganitong side pala si Lance, deep
"Thanks you, Lance. But I don't know if its worth the try" sabi ko, "Believe me, Jean, it will be" ngumiti siya saakin "Tara na nga. Mag gagabi na" sabi ko, "Sige. Tara ihahatid na kita" sabi niya naman kaya tumango ako at kinuha ang mga gamit ko
Nang makarating kami sa dorm ay ibinigay na saakin ni Lance yung ibang books ko na hinawakan niya, papasok na sana ako nang mag salita siya
"Remeber, Jean. You must understand each others side for you to be okay, okay?" Sabi niya, tumango ako at ngumiti "Copy that, Lance. But maybe not tonight" sabi ko, tumango tango kang siya bago nag paalam at umalis
Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang doorknob at pumasok sa dorm, at isang tahimik na dorm ang sumalubong saakin, wala na ang dating ambiance niya, wala na yung ingay ni Zeely, at Akira, yung mala reporter na mga tanong ni Loraine, wala
Naabutan ko lang silang nakahiga at may sarisariling ginagawa sa mga higaan nila, kaya ganun din ako, humiga ako at isiuot ang headset ko at nakinig sa music, at siguro dahil sa pagod ay naka tulog ako agad
I miss you guys!
BINABASA MO ANG
Emphire University(COMPLETED)
JugendliteraturJean Soriano, Zeely Gray, Loraine Garcia, and Akira Sandoval, is not just a normal students you see at school. Kung ang image nila ngayon ay mala-nobody, magugulat ka kung sino ang totoong sila, maraming hindi nakakaalam at konti lang ang may alam...