CHAPTER 8
6:00 am.
Ang sakit ng katawan ko. Tapos yung ulo ko parang sasabog na. Hindi ako makatayo. Sheeeeet. Since, nakapag-ayos na kami ng clubs kahapon, hindi ako pwedeng magkalagnat kasi may audition pa ng music club. Hindi ako pwede mawala...
Pinilit kong tumayo at magpunta sa kusina para kumuha ng tubig.
"Good morning." Si Tyler, naka-apron?! Siya ang nagluto?Nasa kusina na ba ako? Medyo makalat ah, in fairness.
Ang laki naman kasi ng bahay nila!
"Eat your breakfast, missy." Sabi niya pero seryoso lang siya habang nilalagay yung plates sa table. Tinanggal na niya yung apron at sinabit sa sabitan. Nakatayo lang siya...
"Thank you." Sabi ko naman.
Dumire-diretso ako papunta kay Tyler. Malapit na ko sakanya. Hindi ko napansing...
"Ay butiki!"
May nakakalat pala na laruan sa kusina, hindi ko napansin. Nadapa tuloy ako ng pabaliktad tapos nahila ko si Tyler kaya ayun na nga. Nakapatong siya sa akin ngayon.
"S-s-sorry. Hindi ko nakita yung laruan." Sabi ko. Clumsy ko talaga!
Nag blink siya ng dalawang beses.Bigla naman may nagsalita...
"Yaya, what are they doing? Are they playing? Gusto ko sumali!" Sabi ni Janine yata? Ewan ko, nalilito ako.
Then tinakpan ng yaya yung mata ng dalawang kids using her hands.
"Yaya! Stop it! Dirty yung hands mo! Jenine, you're so innocent. They're not playing. They're hugging each other! KUYA, I DON'T LIKE HER! I. DON'T. LIKE. HER!!!" Sumigaw naman siya. Nakakatakot naman pero wala eh, ang cute pa din. Cute cute!
Tumayo na si Tyler. Inalalayan naman niya ako tumayo...
"Janine wag kang maingay." Sabi ng yaya.
"Well, I like ate Rylie." Sabi ni Jenine then dumila siya sa kambal niya.
"Jenine and Janine, go to your room. We'll talk about this later, okay?" Sabi ni Tyler.
Nagpout lang sila at umalis.Nagbreakfast na ako pero hindi naman ako sinabayan ni Tyler. Pinulot lang niya yung mga laruan na nakakalat tapos hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Iniwan na lang ako basta doon. Bakit ba sobrang sipag niya? Madami naman yata silang katulong pero bakit siya gumagawa lahat ng 'to? Hmmm.
Dumating na si Aisha at kung anu ano na namang panunukso yung ginawa. Lakas talaga!!! Buti naman hindi siya masyadong late ngayon.
After namin gumayak papunta sa school, umalis na kami ng bahay. Nagulat nga ako kasi bago umalis si Tyler, nagpaalam pa yung kambal sakanya. Sobrang sweet nga eh.
Pagdating namin sa school, malapit na magtime kaya madami ng tao. Pinagtitinginan naman kami. Ano ba yan. Ngayon lang ba sila nakakita ng 3 students na magkakasama at sabay sabay maglakad?
Noong klase naman, pinaexcuse na yung mga kasama and magau-audition sa music club. Yung iba, nag audition lang para makaskip ng klase pero yung iba, halatang gustung gusto nila na makasama kasi may props pa sila...
"Next!"
Pumunta na yung girl sa gitna ng stage at...
"It must have been love, but its over now!"
Nagulat ako ng bigla siyang kumanta pero pasigaw. Nagulat nga pati yung mga katabi ko eh. Yung isa, napahawak pa sa kamay ko.
"It must have been good, but I lost it somehow!
It must have been love, but it's over no-!"
"Broken hearted siguro siya." Sabi ng babae sa likod ko.
Ngayon nga pala yung 1st day ng audition para sa music club. President pa din ako kahit hindi pa naman nila ako naririnig kumanta. Patient daw kasi ako at magaling ako magjudge. As if naman. If I know, binobola lang nila ako. Ganyan naman sila eh.
"NEXT!" Hindi ata nakatiis yung secretary kaya pinapasok na niya yung susunod na magau-audition. Umalis na yung girl na kumanta ng it must have been love, kawawa naman. Mukhang napahiya pa yung istura niya. Magsosorry na lang siguro ako sakanya mamaya...
May pumunta na guy sa stage. Ang cute niya kaso mukhang malungkot. Dito pa ata maglalabas ng hinanakit eh pero ayos lang, malay mo may golden voice.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!