CHAPTER 38 (Selos si Kuya)

242K 4K 129
                                    

CHAPTER 38

"Kuya Justin, sige na. Libot na tayo please?" Janine pulled the right sleeve of my shirt habang nakaupo kami sa sofa. 

"Oo nga Kuya! Pleeaase? Ang tagal na namin hindi lumalabas oh." And Jenine pulled the left sleeve of it.

Kanina pa sila nagpapacute! Lukot lukot na damit ko kakahila ng sleeves ng damit ko. Saturday nga pala ngayon at ngayon lang ulit ako makakapagpahinga. Next week kasi, championship na para sa inter high competition ng basketball. Isa pa, may test kami.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, AYOKO. Next time na lang."

"Bahala ka. Si Ate Rylie aayain namin.

"You don't even know your Ate Rylie's number. You don't even have a phone so please, magpahinga na lang kayo. Pagod ako." Nagulat na lang ako sabay silang ngumisi. Walang duda, kambal talaga sila.

"AKALA MO LANG YUN!" Sabay nilang sinabi.

CRAP! Kinuha nila yung phone ko sa tabi ko at tumakbo palayo sakin pero nakikita at naririnig ko pa din sila. Hinayaan ko na lang.

"Hello? Ate Rylie?" Teka, tinatawagan talaga nila? "Si Janine 'to. Samahan mo kami maglibot please?" Kinuha naman ni Jenine yung phone kay Janine.

"Sige na, Ate! Please please please? Ngayon lang 'to. Please? Namimiss ka na din namin ni Janine eh. Bad si Kuya Justin." Binulong niya yung last sentence pero narinig ko pa din. 

"Really? Opo opo. Okay lang kahit magsama ka... Opo... Oo nga eh... Ewan po, pagod daw. Di naman siya sasama kaya punta ka na dito... Talaga ate?!.... Yaaaaaay!" Nagbulungan silang dalawa. Teka, ano na naman yan?

"Yaaaaaaay! Sasamahan tayo ni Ate Rylie!" Sabay nilang sinabi habang maghakawak yung kamay at tumatalon talon pa. Taena, baka niloloko lang ako ng mga 'to.

Nilapag nila yung phone sa tabi ko at dumila. 

After 2 hours and a half, biglang may nag door bell. Bubuksan ko na sana pero tumakbo yung kambal at inunahan ako sa pagbubukas ng pinto. Dumila pa sila kaya napa-sigh na lang ako.

Aalis na sana ako nang...

"ATE RYLIIIIEEEEE!"

Napatigil at bigla akong napalingon...

"Hello Jenine! Hello Janine!" (DUGDUGDUGDUG)

Nginitian at kinawayan ako ni Rylie pero tumango lang ako. 

"Ah! Oo nga pala. Siya si Kuya Josh. Sasamahan niya tayo kasi pag tayong tatlo lang, baka maligaw tayo. Hahaha! Tennis player yan! Champion nga siya eh. Galing no?" Tinuro niya si Josh na nasa tabi niya. Tumawa naman si Josh. I clenched my fist and bit my lower lip dahil sa di malamang dahilan o alam ko naman pero dinedeny ko lang.

Teka, bakit parang ang ganda niya ngayon? Taena! Nagpaganda talaga siya kasi kasama niya yung Josh na yan?? Paano pag nawala yung kambal sa date nila? Ano na lang mangyayari?!

"Wooooaaaah! Hi Kuyaaa Jooosh! Yaaaaay!" Sabay nilang sinabi. 

"Kuya Justin! Review ka lang diyan ha! Goodluck sayo!" Sabi ni Janine.

"Ayaw mo ba talagang sumama, Tyler?" Yumuko siya. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot pero bakit kahit anong tingin ko, ang ganda niya.

"Ate magrereview daw siya eh. Hayaan na lang natin. Nandiyan naman si Kuya Josh eh." I saw Josh blush. Pucha!

"Sino ba may sabing hindi ako sasama? Sasama ako! Nakapagreview naman na ko e." Hindi pa talaga ako nagrereview -_____-

"Weeeh?" Sabay na naman yung kambal.

"Justin, okay lang. Kaya na namin yung kambal. Diba Rylie?" Sabi ni Josh. Kita ko naman na totoo yung sinasabi niya pero... KAHIT NA! 

"Ha? Ah. Oo naman." Ngumiti na naman si Rylie at yumuko. Teka, nahihiya ba siya? 

"Sasama ako. Baka maistorbo ko pa kayong dalawa eh. Mawala pa yung kambal." Tiningnan ako ng masama ni Rylie. Psh. Bakit kasi kailangan pa niya isama si Josh? Si Rylie talaga, parang mga Pilipino, ang bilis makalimot! 

"If I know, selos lang si kuya." Pabulong na sinabi ni Janine.

"Oo nga." Sabi naman ni Jenine na bumubungisngis.

Pinandilatan ko silang dalawa.

Nginitian lang nila ako.

To be continued...

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon