CHAPTER 51
Nakakalungkot isipin na yung taong mahal mo, yun pa ang hindi maniniwala sayo. Nasaktan ako ng sobra sobra. Sobra sobra sobra talaga! Akala ko kasi siya na. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Pero ngayon lang din ako nasaktan ng ganito. Mas masakit kesa pagpustahan ka ng tatlong lalaki. Hindi ko naman kasi talaga sila minahal but I did like them. Akala ko lang mahal ko sila kasi ang sweet nila sakin. Masyado lang akong nasabik. Masyado lang akong inosente. Masyado akong immature. Masyado akong... BATA.
Handa na akong tapusin kung ano ang meron samin. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Masakit na masyado. Wala pala siyang tiwala sa akin. Kahit malaman niya yung totoo, andun pa din yung sakit. Andun pa din yung katotohanan na una pa lang, di na siya naniniwala sa akin. Hindi niya ako kayang paniwalaan. Paano pa kaya pag huli na? Baka mas masaktan lang ako, diba?
Tanggap ko ng hindi ako importante para sakanya...*FLASHBACK*
Habang nasa mall kami, aksidenteng napindot ko yung contacts ni Tyler...
"Teka, bakit pala may A.. sa unahan yung ibang names sa contacts mo."
"Kasi yung may mga A.., yun yung mga taong importante sakin."*END OF THE FLASHBACK*
Aaminin ko, sobrang nalungkot ako. Pero hinayaan ko na lang. Ayoko ng gawing big deal. Baka isipin niya, isip bata ako. Pero ang sakit.
Dumilat na ako. Nahihilo ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang init ko. Ang sakit ng puso ko. Nasaan ako? Bakit ganito damit ko? SINO NAGBIHIS SA AKIN?! Ang bango. Damit 'to ni Tyler ah?
Tumayo na ako. Aalis na sana ako pero may nakita akong pagkain! Wala akong gana kumain. Wala talaga! May nakita din akong papel. May nakasulat...Get well soon. Eat your breakfast, Jamilah! Sorry and I love you.
-JT
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil naniniwala na siya sa akin o malulungkot dahil alam kong nakokonsensya lang siya. Hindi ko man matandaan yung nangyari kagabi pero alam kong may nangyaring masama. Ba't ba kasi wala akong matandaan?!
Bumaba ako at nakita ko si Manang.
"Hi Manang."
"Hi iha. Bakit ganyan yung damit mo? Saan ka natulog? Ooops."
Hindi si manang ang nagbihis sa akin? Baka naman yung mommy ni Tyler.
"Yung parents po ni Tyler?"
"Ah. Nasa ibang bansa sila."
Shoot. Si Tyler ang nagbihis sa akin! Nakita na siguro niya ang... YOU KNOW! Yung alam niyo na, yung matagal ko ng iniingatan! T___T
JOKE LANG! May tiwala naman ako kay Tyler. Siya lang naman kasi ang walang tiwala sa akin. Hay. Kakainin ko na nga lang yung hinanda niyang pagkain. Hihintayin ko siya dumating dito sa bahay nila.
Fast forward ---> Gabi na. Hindi ako makaalis sa bahay dahil una, lowbat ako at ayaw nila ako pahiramin ng charger. Pangalawa, dahil sa damit ko. Baka mapahamak naman ako pag nag bus ako ng ganito ang damit dibaaa?! Baka isipin pa niya mama, ano e. Ay nakoo!
Dumating na si Tyler. Define awkward. Di kami nagtitinginan. Bakit ako titingin sakanya? Ayoko nga! Baka tumulo lang luha ko. Isipin pa niya, nababaliw ako.
"Oh." May inabot siya sa aking paper bag. Hindi pa din niya ako tinitingnan. Hindi ko rin siya tinitingnan dahil nakatingin ako sa paper bag. Naalala ko tuloy nung nasa mall kami.*FLASHBACK*
"Oh." May inabot siyang paper bag…
"Ano yan?" Tanong ko.
"Bumili ako ng damit. Obvious ba?"
"Para saan?"
"Diba tinapunan ka ng juice ni Alexa?"
"Ah- paano mo alam?"
"Sinabi ng mga lalaking kasama mo kanina."
"Sino sila?"
"Dali na! Magpalit ka na."
"Ikaw bumili nito?"
"Oo nga. Magbihis ka na nga! Dali na!"
Yinakap ko siya at umiyak ako. Ay hindi pala. Humagulgol pala ako. Wala akong pakielam kung madami bang nakatingin sa amin. Nagulat siya sa ginawa ko, sino ba naman kasing hindi magugulat doon?
"Hey. Bakit?" Tanong niya ng mahinahon pero nagtataka…
"Sorry." So friends niya yung mga guys kanina na ayaw ako paalisin? Pinapahanap ako ni Tyler? Grabe. Touched ako ng sobra! I feel sorry din kasi napagsalitaan ko na naman siya ng masama. Bakit ba kasi ang pikon ko masyado eh.
Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.
"Teka R-" Hindi na niya natuloy sasabihin niya…
"Sorry umalis ako. Sorry naabala ko pa mga kaibigan mo. Sorry kasi napikon ako. Sorry kung napagalala ko kayo. Sorry talaga." Kasalanan ko naman talaga eh T___T
"Teka nga, wala ka namang dapat ipagsorry eh."
Inalis niya yung yakap ko at hinawakan niya ko sa shoulders ko.
"Ako ang dapat magsorry." Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bakit ganito siya makatingin?
"H-h-ha?"
"Una sa lahat, ako ang may dahilan kung bakit ka nasampal."
Hinawakan niya yung mukha ko.
"Tingnan mo tuloy, namumula na mukha mo." Hinahawakan pa din niya mukha ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!