CHAPTER 31
"Sayang naman talaga! Bakit ba kasi wala ako doon eh. Amp." She crossed her arms with her chest while pouting.
"Okay lang yan Lynne, may next time pa naman." Aisha smiled and winked at her.
Yung dalawa na yan, kanina pa yan. Si Aisha kasi eh, kinwento yung nangyari kahapon. Yung about sa group nila Rhea at paano ko sila sinagot? Natatandaan niyo pa? Pang MMK na nga daw eh. Amp! Ano pang MMK doon? About sa babaeng hindi lumalaban na natutong lumaban dahil sa isang lalaki? Desperada much?!
"Porkit broken-hearted kayong dalawa, ginaganito niyo na ko. Ewan ko sa inyo!" I pouted. Oo, broken-hearted silang dalawa.
Si Lynne naman kasi, ang tagal tagal ng nanliligaw ni Brylle tapos ayaw pa din maniwala na mahal siya nito. Kawawa naman yung tao. Sabi ko nga mag sorry siya pero wala eh, napanganuhan ng pride. Si Aisha naman, wala ng pride! Basta pagdating kay Drei, lulunukin niya. Parang siya nga yung lalaki eh. Nakakainisss!
"Wow, nagsalita ang hindi broken-hearted. Hoy hoy, if I know, kahapon ka pa namin di makausap ng matino kakatingin kay Justin. Buti nga ngayon medyo okay na eh pero kahapon, leche!" Nagtawanan at nag apir silang dalawa. Tae, ano na naman ginawa ko sa dalawang 'to?
"Bakit? Ano nangyari?" I asked.
"Oh tingnan mo. Nakalimutan mo na agad! Tinatanong kita kahapon kung gusto mo kumain tapos ang isasagot mo sakin, 'Oo, gusto ko si Tyler.' Sht Rylie. Muahaha!" She laughed really hard. Ginaya pa niya pagkakasabi ko ha. Err. Grabeee, ang bait talaga nila sakin. Define friendsss!
"Oo nga! Tama ka diyan! Tapos kanina, inaaya ko siya sa cafeteria tapos hulaan mo Lynne kung saan kami nag end up?" Aisha said. Tumawa na naman sila. Nahihiya na ko.
"Where?" They're still laughing.
"SA QUADRANGLE!"
"At anong meron sa quadrangle?" Tumingin si Lynne ng nakakaloko.
"Justin, talking to college girls." Nag apir na naman sila at tumawa. Bakit ba dinadamay nila ko sa pagkabroken-hearted nila? Pwede naman sila mag partner o kaya solohin na lang nila. Hindi na nila ako kailangan idamay. MASAKIT KASI EH.
Yumuko naman ako kasi nararamdaman ko ng nagiinit mukha ko.
"Speaking of.... Ehem." Sabi ni Lynne at sabay sabay kaming tumingin sa gilid namin. Si Tyler, kinakausap na naman siya ng mga college girls.
Nandito nga pala kami sa gym, nakaupo sa bleachers. Pag hs pep rally kasi, dito sa gym pero pag college, sa elementary quadrangle. Sa school kasi namin, may tatlong fields/quadrangle. One for elem, one for high school, and one for college. Lahat malaki and mahaba pero sa elem dept yung pinakamalaki. May church pa nga doon eh. Hindi chapel ha, church talaga.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!