CHAPTER 9
"Justin, gusto mo ba si Rylie?" Tanong ni Selena.
"Uh?"
"Kung ako sa'yo, hinding hindi ko siya magugustuhan. Hello? Look at her. So Gross. She's so clumsy, careless and most of all, immature." Ouch, sinisiraan ba ako ni Selena? Wala naman akong ginagawa sakanya ah?
Ganoon na ba ako kakilala ni Selena? Bakit sinisiraan niya ako kay Tyler?
"Hindi ko siya gusto!" Sigaw naman ni Tyler at tuluy tuloy na nga siyang umalis...
"OUUUUUUUUUUUUCH!" Sigaw ko.
Ang sakit ng braso at legs ko. Thank you Achi. You saved me from a very creepy nightmare pero hindi mo naman ako kailangan saktan diba? Grabe, ano bang klaseng panaginip yun? Sino naman kayang alien ang nagimbento ng panaginip ko na yon? Saka ba't nasama si Tyler?
"Ano ba gumising ka na! Kanina pa kita ginigising eh." Pinapalo pa rin niya ako. Hala, ano ba naman 'to. Kung makapalo, wagas.
By the way, she is my violent sister. Her name is Janna Reugene Hao. May pagka-AMAZONA to eh. Obvious ba? Tingnan niyo yung ginagawa niya sa akin ngayon. Well, she is a college student. Every weekend lang siya umuuwi dito. Nakacondo kasi siya kasama yung bestfriend niya. Pero since sem break nila ngayon, wala siyang pasok at magsstay siya dito sa bahay namin.
Well, she's my bestfriend. Parehas sila ni Aisha. Ang kaibahan lang eh blood-related kami ni Achi. Syempre, kapatid ko siya. Pero parehas ko naman silang love eh. Love na love!
"Tinatamad ako pumasok." Sabi ko sakanya na nakapikit pa din.
I buried my head under my pillow pero pilit niya tong inaalis.
"Dali na, sasama ako sa'yo sa school." Bigla niyang sinabi.
Napabangon naman ako bigla.
"WHAAAAT?! Bakit?" Tanong ko. Bakit naman siya sasama sa school? Ano naman gagawin niya doon? Hindi porkit pwede siya sa school namin, pupunta na siya doon. At para saan naman? Wala naman na siyang friends doon. Meron pala, yung mga friends ko.
"I want to see Tyler again." So si Tyler lang pala? Si Tyler lang ang reason kung bakit niya gusto pumunta sa school. Hayy, naalala ko na naman nangyari kahapon. Oo, nameet na niya si Tyler. Hindi naman kasi sinabi ni mama't papa na dadating si Achi. Hay nako! Sumasakit na talaga ulo ko.
"Kayo na lang kaya ni Tyler?" Sabi ko sakanya pero halatang bad trip pa din ako. Pinakaayaw ko kasi sa lahat ay yung ginigising ako or iniistorbo pag tulog ko.
Pati ba naman ang kaiisa isa kong kapatid, trip si Tyler? Jusko naman. Ang dami ko naman kaagaw. Syempre, biro lang yun... half-meant actually.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!