Hi Ate Weng! This is for you. Thanks for supporting this story kahit sa CC pa lang. Mwa mwa chup chup! Hahaha!
CHAPTER 14
"Wag mo na lang silang isipin, Rylie." Sabi ni Josh habang kumakain kami ng icecream. Syempre, strawberry sakin. May icecream parlor kasi sa school namin kaya syempre, strawberry icecream pinili ko. Ang sarap sarap nga eh lalo na kung libre. Abot nga yung thank you ko kay Josh kaya sabi ko sakanya, babawi ako next time.
*PRUUUT*
Patay kang bata ka. Ang sakit ng tiyan ko! Buti na lang hindi malakas. Hindi narinig ni Josh.
"Rylie, may problema ba? Ba't parang pinagpapawisan ka?" Natetense na ko. Nakakahiya pag naamoy niya. Ang timawa ko naman kasi. Ang dami ko masyadong nakain pero hindi pa din ako nabusog. Ganito lang talaga yata ako pag stress. Ganun pa man, di naman ako tumataba kaya eat all I can lang ang peg ko.
"Uhmm Josh, mauuna na ko ha? Kailangan ko kasi mag CR." Mukhang naintindihan naman ni Josh ibig kong sabihin kaya tumayo na ako tumakbo papunta sa building namin. Ang sakit na talaga ng tiyan ko. Nung malapit na ako sa CR, may nabunggo naman ako sa hallway pero hindi siya natinag sa pwesto niya dahil matangkad at machi siya kaya para akong bola na nag bounce at napaupo na lang sa floor.
Pagkatingala ko...
"Tyler?" Sobrang poker face niya talaga forever. Tinulungan naman niya ako tumayo pero hindi niya ako kinakausap. Aalis na sana siya kaso hinawakan ko siya sa braso niya. Magkatabi kami ngayon pero nakatalikod siya, ako naman nakaharap.
"T-Tyler, pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko.
"Ano paguusapan natin?" Ang cold naman niya.
Sumakit na naman yung tiyan ko.
"SA AMIN KA MAGSSTAY! OUCH!- WAIT! HINTAYIN MO AKO! DI PA TAYO TAPOS!" Tumakbo na ko papuntang CR. Malapit na lang namin eh. Ewan ko kung hihintayin ba niya ako or hindi. Sana hintayin niya ako. Sana hindi niya gawin yung ginawa ko sakanya kasi kailangan talaga namin mag-usap. Hindi ako pwedeng magstay sa school na 'to ng may kaaway.
Mabilis lang naman ako sa CR kasi alam niyo na. After nun, naghugas na ako ng kamay at kung anu ano pa. Agad agad naman ako lumabas ng CR at tumakbo papunta sa position namin kanina kaso hindi si Tyler ang nakita ko kundi si...
"A-Ariza?" Bakit siya yung nandito? Pinapunta kaya siya ni Tyler dito?
"What do you think you're doing?" Tanong niya.
"H-ha? Sorry pero di ko gets."
"You already stole Justin away from me and now, si Christian naman? Who else do you want? My parents? My siblings? What else? Who else? Tell me para maready ko naman sarili ko." Siguro nakita na niya yung picture. Grabe, sino naman kasi kaya nagkalat ng picture na yun?
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!