CHAPTER 24
TYLER'S POINT OF VIEW
"Mas makakamura tayo kung bibili na lang tayo ng ingredients kesa magpadeliver. Tayo na lang magluluto." Sabi ko. Kami kasi yung in charge sa finance, food, and service para next week. Nagccram kami ngayon dahil next week na yun! Buti na lang, nakiusap kami na wag na kaming isama sa intermission numbers at iba pa dahil sobrang dami na naming ginagawa. Isama niyo pa yung practice sa basketball."Magkano ba yung contribution?" Tanong niya.
"Kita mong hindi pa nacocompute diba? Hindi pa nga natin alam yung prices ng ingredients eh." Sinasadya ko talagang maging masungit sakanya nung una para di na niya ako pansinin pero ngayon, hindi ko mapigilan na hindi maging masungit sakanya. Naiinis ako dahil lagi silang magkasama ni Christian? Hindi siguro? Ughh ewan!
"Sorry naman ha?" Then she whispered, "Suungit!"
I heard the 's' word again. Hindi ko alam kung binulong niya yun o nagpaparinig lang siya.
"Pupunta ka ba sa mall mamaya?" Tanong ko sakanya.
"Hindi." Sabi niya.
"Pumunta ka. Tingnan mo yung prices ng ingredients. Ililista ko na lang."
"Tingnan mo 'to. dapat hindi na lang niya ako tinanong, diba? Tsss..." Bumulong na naman siya. Ang hilig niya bumulong pero naririnig ko naman. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to.
"May sinasabi ka?" Sabi ko.
"Wala po BOSS. Ako lang po ba mag-isa?" Tanong niya.
"Ayaw mo?"
"Sige. Aayain ko na lang si Christian." Eh ano naman kung ayain niya si Christian? Ano bang pakielam ko?
"Bahala ka!"
"Bakit ba ang sungit mo? Ang cold mo pa!" Sabi niya. Naluluha na nga siya eh. Nasaktan ko na naman ba siya? Ano ba naman, Justin! Hinawakan ko wrist niya and started walking...
"Tyler, saan ba tayo pupunta?" Tanong niya."Sa mall."
"Akala ko ba iniiwasan mo ko?" Ang dami niyang tanong!
I stopped.
Oo! Iniiwasan kita. Sabi mo kasi sa akin ayaw mong mainlove sa akin. Masyado ka ng nahihirapan. Pero ano yung nakikita ko sa inyo ni Christian? Naiinis ako. Teka, hindi naman ako nagseselos eh. Diba? Hindi naman diba?! Damn! I'm getting weird.
"Hindi kita iniiwasan. Sino ba ang unang umiwas, diba ikaw? Bakit mo nga ba ako iniiwasan?" Sabi ko. Oo, hindi lang ako ang umiiwas sakanya, siya din. Akala ba niya hindi ko yun napapansin?
"Baka magselos si Ariza. Diba sabi mo at sabi ko pag nagkagusto na tayo ng iba, ititigil na natin yung pagpapanggap? Diba kayo na?" Anong klaseng excuse yun? At bakit naman magseselos si Ariza? Nakakairita na.
"Ang kulit mo, alam mo yun? Hindi nga kami! Paano mo nasabing kami?" Narinig kaya niya pinagusapan namin ni Ariza? Pero kahit na narinig niya, sabi ko pagiisipan ko. Hindi ko sinabing oo. Isa pa, bestfriend ko si Christian. Hindi ko siya kayang taluhin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!