CHAPTER 48 (ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!)

226K 3.7K 314
                                    

OMG! 

Nagulat ako sa nakita ko. Sobra! Sobra! Sobra!

Tinawagan ko si Aisha kaso hindi ko siya macontact. Tinext ko sila mama at papa pero hindi sila nagrereply. Bakit di naman nila sinabi sa akin?! Alam naman pala nila!

"Bakit ka ba nagpapanic diyan? Ha?"

"Achi, look!"

Pinakita ko sakanya yung pictures na tinag ng mommy niya. 

"What the heck?! Sht. Paano nangyari 'to?"

"Hindi ko alam." Tumulo yung luha ko... SA SAYA!

Si TJ, yung kababata ko at si Tyler, yung mahal ko. Iisa! Bakit ngayon pa nangyari 'to kung kailan naman nagkakalabuan kami kahit hindi pa kami. 

Oo, alam ni Achi. Alam nilang lahat na hinahanap hanap ko pa din si JT. Naccurious ako kung na nangyayari o kung ano na itsura niya. Kung minsan nga, pag nagsusulat ako ng stories, dinededicate ko sa kanya o siya mismo yung character. Adik ba?

Oh well.

"Achi, ang tagal ko siyang hinintay. Sobra! Akala ko hindi ko na siya makikita."

"Shh. Don't cry. Ang importante nakita mo na siya. Nakasama mo pa!"

"Yun nga e. Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami. Nitong mga nakaraang linggo, ang cold cold niya sa akin."

"Gusto mo resbakan natin?!"

"No. Please. I'll do everything para magkaayos kami."

"Sure. Basta wag kang magpapakatanga sa lalaking yan ah. Pag niloko ka, sabihin mo sa akin. AKO PAPATAY DIYAN!"

"Achi naman e. Sige. Aalis na ko. Babye!"

Nandito ako ngayon sa bus. Kailangan ko siyang puntahan. Naaalala ko pa noon, yung first meeting namin yung inaaway ako ni Laurence. Tapos dumating siya. Simula nun, lagi na kaming naglalaro sa playground hanggang sa pati parents namin, naging friends na din. Lagi ko sakanilang kinikwento si Tyler. Hindi ko alam na Tyler yung pangalan niya. JT kasi yung tawag ko sakanya dati. Tapos TJ naman tawag niya sa akin. Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to?

Yung last meeting naman namin,

"JT! JT! Tara sakay tayo doon"


Tinuro ko yung anchor's away. I'm afraid of heights kasi feeling ko mahuhulog ako atsaka bumabaliktad sikmura ko.

"Sige, tara!"

Pumayag siya. Sumakay kami sa anchor's away at kung saan saan pa. Ang saya saya ko. Akala niya siguro natatakot ako pero hindi. Pag kasama ko siya pakiramdam ko, lagi akong safe. Umiiyak ako dahil lilipat na ako ng school.

"JT, diba nagpromise ka na pag matanda na tayo, magkasama pa din tayo."

"Oo naman!"

"Soooorry ha?"

"Bakit ka naman nagsosorry?"

"Basta sorry. Mahal kita TJ. Friends forever and ever haa?"

Tapos nag hug kami.

Kinabukasan, lumipat na ako ng school. Nabankrupt kasi yung company na pinagtatrabahuhan ni papa. Kulang na kami sa pera. Ayaw ko magpaalam kay JT. Alam ko kasi na magkikita pa kami. Hahanapin ko siya, kahit anong mangyari pag laki ko.


Kaya nung pumunta kami nila Tyler dun sa Enchanted Kingdom kasama sila Christian at yung kambal, lumalayo ako sakanya dahil ayaw kong makita niya na malungkot ako. 

By the way, nakabawi na kami ngayon. May job na si papa pati na rin si mama.

Nandito na ako sa gate nila Tyler. Inhale. Exhale. Mga hundred times na ako nagiinhale exhale. Ugh. 

Pinagiisipan ko kung magdodoorbell ako. Err. Baka kasi nakalimutan na niya ako e.

May naalala akong sinabi ni Christian, 

"Since grade 4 pa. Actually, crush nga niya si Justin nun e. Best friend ko naman siya. Tapos hanggang sa nainlove ako sakanya at nainlove na siya kay Justin kaso may ibang gusto si Justin nung grade 2 pa. Hindi naman sa gusto gusto. Uhmm parang hinihintay ba? Pero totoong naging crush kita nung 2nd yr."

Err. Sige na nga! Go for the Diamond! 

Nagdoorbell na ako sa gate...

"Hello po. Nandiyan po ba si Tyler?"

"Wala siya e. Sige pasok ka muna. Kanina pa siya umalis e."

Pumunta ako sa mismong house nila. Nagdoorbell naman ako.

"Hello po."

Tumakbo yung kambal...

Yinakap nila ako.

"ATE RYLIE!"

"Hi Janine. Hi Jenine. Saan nagpunta si Kuya niyo?"

Nakatahimik lang sila. Tapos nagbubungguan. May tinatago ba sila sa akin?

"Sino kasama ng kuya niyo?"

"Eeeeh kasi po. Si Kuya umalis kasama yung babae. Mabait yung babae atsaka maganda. Pero ikaw pa din gusto namin para kuya ate!"

"Jenine! Maganda? Mabait? NO WAY! Walang tatalo kay Ate Rylie!" Sabi ni Janine.

"Ah. Oo nga!" Sagot ni Jenine.

"Sige sige. Dalawin ko na lang ulit kayo next time ha? May pupuntahan lang ako. Thank you." Yinakap nila ako tapos umalis na din.

Cinontact ko si Tyler. Sympre, meron ding sumagot. Sht.

"Hello. Who's this?" Tanong ng babae, sabi na nga ba! 

"Hi. I'm Rylie. May I know who's this?"

"Ah-eh. Oh R-r-rylie. I-ikaw pala yan." Si Janulyn 'to, di ako pwedeng magkamali.

Wala bang signal sa place kung nasaan siya o sadyang kinakabahan lang talaga siya?

"Nasaan kayo?" Mahinahon kong sinabi habang tumutulo yung luha ko.

"N-nasa bahay namin."

Tinanong ko yung address. Sinabi niya sa akin. Alam ko ang kapal ng mukha ko para puntahan si Tyler pero hindi ko alam. Basta! Ito yung sinasabi ng isip at puso ko? 

Kumatok ako. May nagbukas ng pinto.

"Rylie? Bakit ka nandito?" Si Tyler.

"Are you mad at me?" Hindi siya makatingin sa mata ko...

"No?"

"Bakit mo ako iniiwasan?"

"H-h-hindi naman kita iniiwasan ah.

"Look at me."

"Why are you here?" Tanong niya, lecheeee!

"Sasabihin ko lang sana sayo na- Sht." Napatingin ako sa picture at kitchain na hawak hawak ni Tyler. Yun yung mga ninakaw sa akin ni Alexa. Bakit na sakanya yan?

"Alam mo na?

"Oo. Alam ko na kung sino yung matagal kong hinihintay. Masaya ka ba para sa akin?"

"Sino?" Tanong ko na kinakabahan.

"Si Janylin." And there, gumuho ang mundo! End of the world na. BYE!

"Paano mo alam?"

"Yung picture namin nung bata siya pati yung kitchain na binigay ko sakanya. Kaya pala siya lumipat ng school dahil nawalan ng job yung daddy niya. Kinailangan niya lumipat sa mas murang school. Hindi pala niya ako iniwan. Hindi pa din niya nakakalimutan na tawagin akong JT. Janilyn pala pangalan niya. Kaya pala nung nagpunta siya sa EK, nalungkot siya dahil naaalala niya ako. Nalungkot din ako dahil naaalala ko siya. I finally found her."

Tumulo yung luha ko dahil sa lungkot. Napakasakit.

"Oh, bakit ka umiiyak?"

Ang saya saya niya habang kinikwento niya yun. Paano nalaman ni Janylin lahat ng yun? 

SHT. Yung diary ko, nabasa ni Alexa! Wth?! Pero bakit naman nasama si Janilyn?

Plano lahat 'to ni Alexa.

Binasa niya yung diary ko kaya pala pinunit niya yun para wala akong proof na ako yung kababata ni Tyler. Alam niya lahat. 

Bakit ngayon ko lang naisip 'to? 

"Rylie, why are you crying?" Tanong niya. COMMON SENSE, PLEASE?

"Sinungaling siya, Tyler."

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sinungaling siya! Tyler, ako si TJ. Diba nga idol mo pa nga si Trisha Jayne? Kaya yun yung tawag mo sa akin?"

"Paano mo nalaman yun? Ano bang nangyayari sayo?"

"Tyler, listen to me. Ako si TJ."

"What are you saying Rylie? Atsaka kung ikaw si TJ, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin lahat ng 'to?"

"Janylin, sabihin mo sakanya ako TJ. Hindi ikaw!"

"Ano bang sinasabi mo Rylie. Ako si TJ. Una pa lang, gusto ko na siya. Simula nung ipagtanggol niya ako sa umaaway sa akin." Gusto kong sumabunot!!!

"SIGE! ANO PANGALAN NG UMAAWAY SAYO?!"

"Sa AKIN? Inamin mo din na hindi ikaw si TJ. Come on Rylie. Please don't do this." OH MY, BAKIT SIYA GANYAN? DIBA MABAIT SIYA?!

"Tyler, ako pa din ba?" Nakayuko kong tanong.

"Rylie, ikaw ang mahal ko. Pero sa ginawa mong 'to. Hindi ko na alam kung kaya ko pang maging tayo. Ay. Hindi nga pala tayo."

"Hindi ako maganda. Hindi rin ako sexy gaya ni Janylin. Hindi ako kasing talino ni Janylin at kasing mature niya. 'mas' siya sa lahat. Pero sorry Tyler. Hindi din ako sinungaling katulad niya. Kung hindi mo na kaya pang maging tayo at kung hindi mo rin ako kayang paniwalaan. Hindi ko na rin alam kung dapat pa kitang mahalin!"

Tumakbo ako.

"Jamilah, wait."

Umiiyak ako. Bakit ko ba sinasayang ang luha ko sa lalaking nagdududa kung dapat pa maging kami. Hindi nga kami pero mahal ko siya. Mas pinaniniwalaan pa niya yung sinungaling na yun. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko.

Umuulan na. Gabi na rin. Wala na akong makitang dumadaan na Jeep at tricycle. Kailangan ko pang mag bus. Ang layo pa ng bahay namin at nahihilo na din ako. Saan ba ko dapat pumunta? Wala akong kakilala dito.

Gumitna ako sa daan. Umupo ako at yumuko na parang bata. Ang sakit sakit. Hindi ko mapigil yung luha ko kahit na gusto ko na itigil yung pag-iyak ko. Palamig na ng palamig.

ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon