CHAPTER 50
Tulog pa din si Rylie. Ang taas kasi ng lagnat niya.
Tinext ako ni Janilyn.
Justin, check your facebook asap. I pm-ed you.
Binuksan ko yung laptop at tiningnan agad yung facebook ko. Ano ba yung sobrang importante na message na yun?
Binuksan ko yung message niya.
Justin Tyler Dela Cruz, I am Janilyn, Janilyn, and only Janilyn. I'm not TJ nor Rylie. I'm sorry. I lied to you because Alexa told me so. Sobrang nakokonsensya na ako. Hindi ko sinadyang masaktan ka at si Rylie. Pinuntahan ako ni Alexa. Sinabi niya sa akin na magpanggap daw akong si TJ. Grabe yung babaeng yun, obsessed kung obsessed.
Hindi ako pumayag pero may sinabi siya sa akin kaya napapayag niya ako. Sinabi niya sa akin lahat lahat ng information. Sa diary yata ni Rylie yun nakuha? Sorry talaga! Sobrang obsessed sayo si Alexa. Sobra! Too much of everything is bad. Alexa loves you very much but in a bad way. Justin, kahit anong gawin sa akin ni Alexa, don't worry. Wala kang kasalanan. This is my decision. This is my choice. Basta kahit anong gawin at sabihin ni Rylie, paniwalaan mo siya.
PS: Check your notifications. Alam kong hindi ka nagoopen ng FB mo.
PS ulit: I like Josh. Please don't tell anyooone.
Chineck ko yung facebook ko.
Tinag ako ni mommy sa pictures ko nung bata pa ako. Nasa swing kami ni TJ tapos nakaholding hands. Grabe ang bata pa, holding hands na? Sabagay, wala namang malisya yun kasi bata pa naman talaga kami.
Nakatag din doon si Rylie. So alam pala ni mommy at daddy na si Rylie yung childhood playmate or friend ko. Kaya pala ganun na lang nila i-welcome si Rylie at ganun na lang din ako i-welcome ng parents ni Rylie.
Pinagluto ko si Rylie ng breakfast niya. Mainit pa din siya. Kasalanan ko 'to lahat! Nilagay ko sa table pagkain niya at nagsulat ng note sa tabi.
Get well soon. Eat your breakfast! Sorry and I love you.
I texted Alexa. Magkita daw kami sa school namin dati. Nagmadali ako. Sobrang desperate na ako. I really love Rylie. Nagsisisi akong hindi ko siya pinaniwalaan pero half, hindi kasi kung yun lang ang way para layuan siya ni Alexa... Okay lang.
Ayoko na siya makitang nasasaktan...
Pero mukhang mas nasasaktan siya ginagawa ko eh.
"Justin!" She hugged me.
"Alexa, please?" Inalis ko siya sa pagkakayakap sa akin.
"What?! I love you!"
"I love Rylie. Ang immature mo, alam mo yun?! Kung sakaling maging tayo, hindi ka rin magiging masaya dahil hindi ikaw ang mahal ko. Lalong hindi rin ako magiging masaya Alexa! Mahal na mahal ko si Rylie. Ano bang kailangan kong gawin para layuan mo siya?! Para tigilan mo na kami?!"
"Simple lang." She smirked.
"Ano?"
"Sabihin mong ayaw mo sakanya. Sabihin mong gusto mo si Janilyn?"
"Pag sinabi ko ba yan, titigilan mo na kami?"
"Maybe?"
"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless, Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya..." Nag smirk si Alexa. Hindi pa din siya titigil, alam ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!