CHAPTER 13
Ano ka ba naman Rylie, kahit kailan ka talaga. Ang ganda ganda ng phone niya, mukhang bago pa tapos matatapunan mo lang ng juice? Hindi mo nga nabagsak, natapunan naman ng juice. Great Rylie. Just... GREAT.
Ano na bang gagawin ko ngayon?
Wala na akong ihaharap na mukha dito sa kasama ko. Saan ka nga naman kasi makakakita ng pinagtanggol ka na nga at nilibre ka pa tapos sisirain mo lang phone niya?
Tumayo ako at kumuha ng tissue.
"Sooorry Tyler. Sorry talaga! Ipapagawa ko na lang." Sabi ko habang nililinis yung phone niya gamit ng tissue kaso sa sobrang pagpapanic ko, nabagsak ko naman yung phone niya. Ayoko naaa. Lunurin niyo na lang ako sa dagat please. Nag bilin pa naman siya na wag kong ibabagsak.
Tyler and I: O____________O
Pinulot ko naman yung phone niya na naghiwa-hiwalay na yung mga body parts.
"Nakuuu Tyler. Sorry talaga. Ang clumsy ko kasi eh, sobra. Galit ka ba? Okay lang naman na magalit ka eh kasalanan ko naman. Sorry talaga. Ang ganda ng phone mo pero sinira ko lang. Ang palpak ko talaga kahit kailan. Kainis! Kainis! Kainis! Sorry, Tyler!" Pinukpok pukpok ko naman yung ulo ko gamit yung kamay ko kaso hinawakan niya yung kamay ko...
"One sorry is enough." Ngumiti naman siya at pinunasan yung luha ko. Umiiyak pala ako, hindi ko namalayan. Siguro nag ipon ipon na yung sadness ko kaya yun, nag transform into tears.
He hugged me.
Patay! Paano na namin macocontact sila Aisha nito?
"Gusto mo na bang umuwi? Hindi na rin naman natin matatawagan sila Aisha eh." Biruin mo yun, parehas kami ng iniisip? Tumango naman ako.
"Wait lang ha. CR lang ako, babalik din ako agad. Dito ka lang, ok?" Tumango ulit ako.
Nag CR na siya kaya ang ginawa ko, tinago ko yung phone niya sa bag ko tapos kumuha ako ng notebook sa bag niya. May sinulat ako doon tapos pinasok ko ulit sa bag niya. Umalis na ako after nun. Nahihiya na kasi talaga ako kay Tyler...
Nahanap ko naman ng mabilis yung exit kasi tinandaan ko na talaga kanina.
Lalabas na sana ako pero biglang may nagsalita sa likod ko...
"Rylie?" Sabi niya. Pagharap ko sakanya...
"Christian? Oh, bakit ka nandito? Nasaan sila Ariza?" Tanong ko sakanya. Halatang umiyak siya. Grabe, naaawa talaga ako.
"Umalis na si Ariza after niyo umalis kaya umalis na lang din ako. Alam kong kailangan niya mapag-isa ngayon kaya hindi ko na siya sinundan. Nakakapagod na din eh. Okay ka lang ba?" Ang bait naman. Tinatanong pa niya ako eh siya nga 'tong mas malaki ang problema sakin. Tumango na lang ako at nag smile. Nag smile din naman siya,
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!