CHAPTER 8.5 (BIG NO-NO! Okay?)

596K 6.9K 1K
                                    

CHAPTER 8.5

Nagising ako at ang bigat pa din ng pakiramdam ko pero di naman na sobra. Kahapon kasi para tinutusok ng madaming karayom at cinucrumple yung utak ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Anyway, nakapikit pa din ako. 

"Ano kaya sila ni Jamilah?" Narinig ko naman na tinanong ni mama. Syempre, nanay ko yan. Alam na alam ko boses niya kahit siguro natutulog pa ko. 

"Baka boyfriend ng anak natin." Sagot naman ni Papa. Ayoko pa dumilat at baka pag dumilat ako, hindi kaaya aya makita ko. Kinakabahan na ako sa pinagsasabi nila eh. Mas lalo nga palang sumakit yung ulo ko sa narinig ko. Nagtatawanan pa sila na parang kinikilig. Ano ba pinagsasabi nila?

"Kagabi pa siya nandiyan diba?" Si Papa yun, hindi ako pwedeng magkamali.

"Oo sweetheart. Binabantayan niya si Jamilah sabi ni Aisha. Kawawa naman.

Jamilah nga pala talaga tawag sa akin ng parents ko, kung di ko pa nasasabi. Oh well, di na importante yun. Ayoko naman na Jamilah tawag sakin eh. Okay na ko sa Rylie. Hindi rin naman ako sanay sa Jam. 

"Magaan loob ko sa batang ito eh. Parang... Parang nameet ko na siya somewhere?"

Dumilat naman ako para malaman kung ano sinasabi nila...

"Oh ayan! Gising na pala." Sabay nilang sinabi habang tumatawa.

Nakita ko si Tyler, nakadukdok sa gilid ng bed ko. Hmm, parang ito yung nakikita ko sa mga movies eh. Ito ba yung nasa hospital yung babae tapos binabantayan siya ng lalaki? Kaso hindi eh, wala ako sa hospital at isa pa, hindi ko alam pero medyo naiinis ako kay Tyler. Siguro kasi, nasaktan ako sa sinabi niya kahapon pero totoo naman kasi yung sinabi niya eh...

Speaking of, dumilat na si Tyler. Halata ngang gulat siya dahil kay mama at papa kasi lumaki mata niya tapos napatayo na lang bigla.

"Oh gising na din pala." Napakunot naman noo ko nun. 

"Good morning po,"

Nakakaloka naman kasi sila mama't papa. Sa unang tingin, mukhang silang mga seryosong tao pero pag nakilala mo, sobrang kalog. Yun nga lang, lagi silang nagaaway dahil sa babae ni Papa. Para ngang mga bata eh. Pero si Papa naman, pagdating sa boys na lumalapit sakin, sobrang strict kaya nga nagtataka ako kung bakit iba kinikilos nila ngayon eh. 

Weird lang kasi. Hindi nila papalayasin si Tyler?

"Tito, Tita, sige po. Aalis na ko. Gising na pala si Rylie eh. Sige na Rylie, alis na ko. Pagaling ka." Naguguluhan pa din ako. Ano ba kasi nangyari at bakit nandito siya sa tabi ko eh parang kahapon lang inaaway niya ko... Hindi naman pala inaaway. Ano ba tawag doon? 

Hindi kaya... Hindi eh. Hindi naman ako nahimatay diba? -____-

"Nakoo iho. Wag ka munang umalis. Dito ka na maligo at kumain."

Si Papa ba talaga nagsabi kay Tyler nun? Sobrang weird naman talaga oh.

"Wag na po. Pati wala din akong dalang damit. Salamat na lang po." Sinabi niya na winiwave pa yung hand as a sign of his 'no'. Ang plastik nga eh. Hindi naman siya palangiti pero nakangiti siya ngayon sa parents ko. Weird? Hell yeah. Gwapo? Hell yeah. Teka, inisip ko ba talaga yun?

"Pahihiramin na lang kita. Late ka na rin naman. Kakausapin ko na lang teacher niyo."

"Okay lang po. Wag na tito. Si-" Hindi naman niya natapos sasabihin niya...

"Isa!" Nagulat naman ako kay Papa. 

Okay, wala ulit ako dito. Bakit ba pati sa pamilya ko, invisible ako? Lagi na lang akong hindi pinapansin. Hmmp. Ako ang may sakit pero hindi man lang nila ako tinanong kung okay lang ba ako. Oh jusko, may lagnat yata si mama't papa. 

"Ma, Pa. Wag niyo na siyang pilitin kung ayaw niya. Tyler, sorry sa kahapon ah."

Ngumisi naman si Tyler. Tuwing babanggitin ko ba yung name niya, kailangan talaga ngumisi? Weird pala talaga ng lalaking 'to no? Ewan, baka di lang siya sanay na Tyler tawag sakanya. Ako lang naman kasi 'tong pauso eh. Napataas naman kilay ko sa mga naiisip ko.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon